[Aminin mo, sinubukan mong kantahin yung title] Sinubukan kong balikan ang huling post na ginawa ko noong nakaraang taon. Titingnan ko sana kung meron ba akong ginawang Christmas post o new-year-resolution-shitness o kahit ano tungkol sa pasko at bagong-taon, at kung nasunod ba ito o hindi. Wala pala. Balak ko pa ngang tuluyang patayin si bloggie noong mga panahong iyon. I-li-link ko sana dito sa post na ito ang ka-emo-han ko dati, kaya lang wag na, baka hindi mo pa tapusing basahin itong post na 'to. Napakaloser ko pala noong nakaraang taon - hanggang ngayon, haha. 'Yon lang, wala na ang dating bigat. Mas maluwag na ang kalooban ko ngayon dahil wala na akong inaasahan. Madalas kong marinig ang ibang tao na nagpapayo na dapat daw kinakalimutan ang mga masasamang bagay/alaala/guni-guni at suicide attempts. Wala akong balak na kalimutan ang mga kasawian ko noon dahil gusto kong manatili ang mga iyon bilang aral na maaari kong balik-balikan kung sakaling maharap ulit ako sa ganoong klase ng sitwasyon balang-araw.
Nagbackread ako ng posts ko noong Disyembre ng nakaraang taon. Medyo nalulungkot ako sa katotohanan na hindi natapos ang 2009 ko na masaya, tapos ngayong 2010 eh, well, so-so lang, kung yung makalumang standard ko ang pagbabasihan. Walang engrandeng pangyayari eh. Parang, wala lang. Nabuhay lang ako ngayong taon para kumain at matulog at kumunsumo ng oxygen. Kung mamatay ako, tae lang, walang magiging laman ang CV ko na ibibigay sa Kanya.
Hindi ko talaga gustong pahabain pa ang post na ito. Gusto ko lang sabihin na, hindi gaanong maganda ang papatapos na taon, angat lang ng bahagya, mga dalawang level, kumpara last year, PERO (yes, may malaking BUT) - syempre, hindi ko naman hahayaan na magtapos ang 2010 sa napaka-loser na paraan. Gustong kong maging masaya! :-) Eh ano kung wala ako ng mga bagay na nais ko - meron naman akong nauuwiang bahay at pamilyang maaari kong balik-balikan ano mang oras, sakaling maubusan na ako ng batong maipupukol sa madugas na mundo. Hindi na ako magrereklamo sa madugas na mundo, dahil lahat naman ng tao eh nadudugas nya. Quits lang kumbaga. Madugas naman talaga ang mundo eh. Kahit saang anggulo mo pa ito tingnan, hindi kailanman naging patas ang daigdig, mapa-pinansyal, intelektwal, pisikal na itsura, lugar na pinagmulan, lahi, buhay-pag-ibig, size ng kwan, at marami pang ibang pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay ng tao. Aminin man natin o hindi, meron talagang napapaboran. Ang magagawa lang natin para maging mas kaiga-igaya at masaya ang mundo ay tanggapin ng bukal sa puso kung ano man ang ibinigay sa atin ng nagbigay (universe man yan o dyos ayon sa iyong paniniwala) - at ito ang nais kong gawin. :-). Sa ngayon, marami akong kakulangan sa maraming aspeto ng buhay - alam mo na, yung mga bagay na madalas tingnan ng lipunan, gaya ng malusog na bank account at kotseng minamaneho, magandang chick, at makisig na pangangatawan. Sa ngayon, masaya ako sa tahanan at malusog na pamilya, at sa bonus na mga kaibigan. Kung iisipin, fair naman ang daigdig sa pagiging unfair sa mga tao. Paradox? Haaay, ayoko na i-explain. Basta, hindi nalang dapat pag-aksayahan ng panahon kakamukmok ang mga bagay na wala sa abot ng ating kamay.
Marami akong pwedeng kainisang mga pangyayari sa taong 2010, pero mas madami akong dapat ipagpasalamat. Isipin mo, 365 days akong gumising at natulog para lumamon kinabukasan! 365 na blessings na 'yon! Thank you Lord!
O sya at humahaba na ang sinabi kong maikli lang na post. Bumabati ako ng Maligayang Pasko sa lahat ng nagpapasko sa inyo. Kung hindi ka man nagpapasko, kagaya ng kaibigan kong si Tobey, wag mo sanang masamain ang pabati ko na ang nais lang naman talaga eh mag wish ng isang magandang araw. XD
Muli, maligayang pasko sa inyong lahat! Hindi pa ito ang last post ko sa taong ito. Hindi ako nakapagpaalam ng matino sa 2009, ayokong ulitin ito sa 2010.
Byerts!
13 comments:
this is gorgeous. fantastic shot.
nikonsniper steve
merry xmas sayo sir....magpapasko ako sa opisina kasama na din ang new year..kaya gudluck...hu hu hu...
gusto kong maransan ang snow sa japan...ahahaha..sa japan talaga.
cheer up! masaya ang buhay! maligayang pasko sa iyo at sa loved ones mo.
Have a blessed Christmas
Well, tama naman, just look at the brighter side. =p
Maligayang Pasko. =)
@steve - thanks! :-) the photo was taken by a friend in Sitka, Alaska. It was sent to me as a post card last Christmas, along with other wonderful shots. May you have a blessed Christmas with your family, and may God continue to bless you and all the people you care about, especially baby Javey. :-) keep on shooting (pics, that is)!
@maldito - sayang naman at sa opisina ang pasko mo at bagong taon. kung sabagay, libre naman ang pagkain (dapat lang), hehe. nung nasa putahan pa ako, absent ako lagi pag pasko at new year. marami naman dahilan eh, hehe, madiskarte lang (insert evil grin here). Merry Christmas maldito, naway maging masagana ang susunod na taon para sa iyo! XD
@jepoy - naku Jepoy, I'm happy! :-) malungkot parin ba ang tunog ko sa post na to? haha, nag skip-read ka ano?! XD Salamat sa pagbati, alam kong masaya na ang pasko mo dahil sa dami ng blessings mo, pero babati parin ako ng Maligayang pasko sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay! XD
@tsina - tama, just look at the brighter side. (ang dami ko pang pinagsasabi sa post, yun lang naman talaga ang mensaheng nais kong iparating, haaay). XD Maligayang Pasko rin sa iyo ate Sheena! (ate talaga. hehe)
krismas sa opisina ang drama ko ngayon hehehehe...maligayang pagbati magkakaroon ka rin nang matipunong pangangatawan...sa tamang panahon heheheh
meri krismas brod...
@jobo - katatapos lang noche buena, at ngayoy busog na(hindi kita iniinggit ha, hehe)nasa opisina ka na siguro sa mga oras na ito, kaututang dila ang mga kano. ok lang yan, sigurado naman ako na may libreng chibog dyan (dapat lang). maligayang pasko sa iyo, at sa lahat ng mahal mo sa buhay. XD
@kuya chingoy - salamat po! May God bless you and your family with His grace and mercy all throughout 2011. :-) cheers!
oo nasa opisina ako at nararamdaman ko na iniinggit mo talaga ako...at mali ka dahil hindi naman kano ang mga kausap ko ngayon dahil nalipat na ako sa u.k. account kaya briton sila heheheh pero maligaya na rin kami kasi may pakain kunti...mamaya pagkaout magkaout maghahanap nang bahay na pwede mabulabog hehehehe makikikain ako... maligayang pasko din sa yo at sa mga love mo sa life!!!
(Sinusubukan lang dayuhin lahat ng mga naki-follow nitong nakaraang taon.)
Dahil dito sa pabasa mo, naisip din namin magback read ng nasulat namin nung bagong taon last year. Naisip pa lang namin gawin, hindi pa namin ginagawa, nakakatamad pa. Pero salamat parin dito, dahil napaalala mo na gawin namin yon. Sana hindi namin makalimutan. Sumisipa pa yung alak sa utak namin ngayon kaya babati na lang kami. Happy New Year. Advance happy birthday na rin para sa susunod mong birthday.
picture sa sister's shaved head mo pagnakaabot ng 100 followers ha!
Haizt, mahirap talaga makuntento sa kung anong meron, ako man yun din ang problem ko, I always want more more more pero sana isa ito sa mga maiwan natin sa 2010... mga negative vibes heheheh
@jobo - actually, iniiinggit talaga kita non, haha. XD
@melovesflying - sorry, busy mode eh. thanks for dropping by though.
@MgaEpal.com - wow, napadaan sa dotcom ko ang mga idol ko? (feeling i'm not worthy, hehe). salamat po. sana nga ay hindi nyo nakalimutan. XD
@karlota - sure. pero matatagalan pa yan, hehe. XD
@glentot - iwanan na natin ang mga negavibes, haha, salot nga iyon.
HAPPY NEW YEAR TO ALL! XD
Post a Comment