Showing posts with label blahness. Show all posts
Showing posts with label blahness. Show all posts

Monday, March 19, 2012

I'm still alive [or-insert-more-appropriate-title-here]

Err...

6 months boy... 6 months! I can't believe I'd been away for that long.  Yes, I am still alive.  So what's new, eh?

Same old shit.

I don't know what's gotten into me to put up an entry today. I normally just spend my days off doing nothing... which I have mastered perfectly. Let me correct myself - today isn't my day off. I called in sick today to take care of some important matter.

My sister went through an eye operation on Monday of last week. The retina of her left eye got detached for some unknown reason, and that scared us a bit as it's something that doesn't happen often in the family (retina detachment, that is) and because it involves what I consider the most vital of all senses. The last time a member of the family went through an operation was two years ago, when another sister broke her arm and a metal plate was screwed on her bone to reconnect the broken humerus. Both of my sisters are doing ok now. The one who broke her arm plays tennis now and the one who had her left eye experimented by doctors is back watching PBB live-stream nonstop. Yeah, even an eye operation could not stop her from watching the stupid show. Pffft. Our mother keeps on reminding her that she should be in bed, resting, and recuperating, but that doesn't seem to drill in her head.

I've never been admitted in a hospital, though I've been rushed a couple of times to Makati Med, from work, because of my blood pressure shooting heavenwards. Last time it happened was last month. Yes, I am hypertensive. And that scares me sometimes. I admit I faked being sick before to get out of going to school and work, and I'm guessing being hypertensive now, for real, is God's way of teaching me a lesson for making up all those i-am-sick-today-i-can't-go-to-work-blah stories.

The weather this month is crazy. It's fucking hot! And today is one of those days when I wish I live someplace else where there's snow. I'm not going to complain if a snow storm suddenly hits Manila and covers every inch of it with thick snow and icicles. I'd be the first to run outside and celebrate if that happens. XD

I kind of having second-thoughts about keeping my present job. I want to quit, but I'm trying really hard to brush that idea off my mind. I work during the day and I am getting paid real well, but arrggh... sobrang pagod na ako!!! Our work-life balance is being pushed away by the company's need for urgent improvement. Pinupukpok na nila kami ng sobra. When I started with the company over a year ago, I was thinking I finally found a career I can get excited about because of the monetary incentive. But now, feels like I'm dragging my balls each day to godamn work. And that's really not good. Oh well. I'm stopping now before this post turns into another shitty-blah.

Looks like I always have something to whine about whenever I visit my site. That sucks. I know. Bite me.

Byerts now!



Sunday, February 6, 2011

Plastic ang bibingka sa reunion [o-sya-sya-insert-appropriate-title-here-na-lang-wala-akong-maisip-eh]


Busy-busyhan moment ngayon.  Natanggap na kasi ako sa tindahan ng tinapa sa pampublikong pamilihan ng Muntinlupa.  Bukod pa ito sa pagawaan ng toothpick na pinapasukan ko sa Makati.  Kaya may main source of income na ako at hindi na lang basta-basta extra ang kita.  Bukod sa transpo allowance eh may meal allowance pa - libre tinapa for lunch.  Sa'n ka pa?! XD

Hindi naman gaanong katagalan ang pagkawala ko, hindi tulad noong nakaraang taon na may mga pagkakataong isang post lang sa loob ng isang buwan ang nagawa ko.  Masarap din pala ang maging busy, lalo na't alam mong pagkatapos ng mahabang araw ay, bukod sa toothpick eh, may maiuuwi akong tinapa sa hapag-kainan.  Medyo matagal din kasi akong tumambay at umasa sa maliit na halagang naimpok ko mula sa huli kong kumpanyang pinasukan.  Halos isan taong akong, kung hindi nakahilata sa kama eh, nakatunganga sa hapag-kainan.  Pakiramdam ko ngayon ay magkakasakit ako, pero ok lang, ganun talaga.  Hindi na kasi sanay ang bata kong katawan na magbanat ng buto.  Isang taon halos tumambay eh, syempre medyo kinalawang na ang utak at kalamnan.  Basta ang importante ay magkakapera na ako ng malaki-laki sa katapusan ng buwan.  At paulit-ulit talaga ang pinagsasasabi ko dito.  Redundancy.  Dyan ako magaling. XD

Bawal na ang plastic sa Muntinlupa - City Ordinance na ipinatupad ni Mayor Saint Peter.  Kaya pala simula noong katapusan ng nakaraang buwan eh hindi ko na nakikitang lumalabas yung kapitbahay naming kalbo.  Bawal na kasi ang plastic sa munti, natatakot siguro na mahuli at i-recycle sya para gawing toilet seat.  Bagay kaya sya maging toilet seat.  Maganda ang adhikain ng city ordinance ni mayor, pero parang wala sa hulog ang mga inatasan nya na magpatupad ng kautusang ito.  Noong isang linggo kasi, sinita daw si nanay ng isang alagad ni mayor dahil may daladala siyang plastic bag na lalagyan ng pinamili nya sa palengke.  Dinala yun ni nanay dahil alam nyang bawal na magbigay ng plastci bags ang mga tindera sa palengke.  Sabi nung nanita sa kanya na may nakasabit pang government id, bawal na raw ang plastic, at sa susunod daw ay may multa na.  Tanga ba yung naninitang 'yon - anong gagawin namin sa sandamakmak na plastic namin sa bahay?  Mainam nga at ginagamit namin ang plastic bag sa mabuting paraan.  Yun naman ang dapat gawin sa plastic diba, ang i-recycle.  At isang paraan ng pagrerecycle ay ang muling paggamit dito.  Hulihin nila yung mga establishments na patuloy na nagpapamudmod ng plastic sa mga customers nila, hindi yung pinapakielaman nila pati ang tahimik na pamimili ng nanay ko.

Naalala ko lang, noong isang linggo kasi ay lumabas ang aking pamilya para kumain.  Hindi nakasama ang isa kong kapatid dahil kailangan nyang matulog at masama ang pakiramdam, kaya naman naisipan ko syang bilhan ng paborito nyang bibingka.  Pizza talaga ang favorite nya, pero pambibingka lang ang budget ko.  Bumili ako ng isang kahon, anim ang laman, at mainit-init pa.  Pagkabayad ko, iniaabot lang ng tindera ang kahon ng bibingka sabay entertain sa kasunod na customer.  Sabi ko, "Errr, miss, hindi mo ba 'to ilalagay sa plastic bag?"  Sagot naman si tindera, "Ay sir, bawal na po ang plastic sa muntinlupa eh.", sabay turo dun sa laminated plastic-shit na nakapaskil sa stall nila.  "Ay, oo nga pala, hehe, eh di sa paper bag na lang.", nakangiti kong sagot.  "Wala po sir eh, naubusan na po."  Sagot naman ako, "Huh, eh di straw na lang, para may hawakan ako, at mabitbit ko 'to."  Tumawa ang tindera, sabay sabi, "Sir, plastic din po ang straw di ba, hihihi."  Naasar ako ng bahagya, sabi ko, "EH PANO KO BIBITBITIN TONG MAINIT MONG BIBINGKA?  DAPAT MAY PAPER BAG KA MAN LANG.  KUNG WALA KAYONG LALAGYAN, MAGSARA NA KAYO.  ANG DAMI-DAMI KO NG BITBIT TAPOS PAGHAHAWAKIN MO PA AKO NG KAHON NG MAINIT NA BIBINGKA???  PASALAMAT NGA KAYO BUMIBILI AKO SA INYO EH.  GUMAWA KA NG PARAAN, HUMANAP KA NG PAPER BAG."  Sabay narinig ko ang isa pang customer, "Oo nga miss."  Kitams, kinampihan agad ako ng isa pang customer.  Nakita ko ang takot sa muka ng tindera, sabay sabi na lang na, "Pasensya na po sir, eto na lang po, plastic bag."  Sows! Meron naman palang plastic bag eh, pahihirapan pa ako.  Sabi ko sa kanya wag syang mag-alala dahil hindi ko naman sya isusumbong kay mayor saint peter, pero kung talagang mapilit sya na hindi magbigay ng paper bag sa mga customers nila, eh mainam nga na magsara na muna sila.  Tama naman ako, di ba?  Magtitinapa kaya ako, kaya alam ko ang wastong pakikitungo sa mga mamimili. XD

Meron kaming highschool reunion sa susunod na linggo ata - hindi ako sure sa date.  Hindi ko pa kasi alam kung pupunta ako o hindi.  Yung orihinal na usapan nila eh sa isang bar sa  Bellevue Hotel sa Alabang gaganapin ang reunion.  Hindi ko alam kung matutuloy nga doon.  May mga kausap pa ata silang mga sponsors para sa mga paraffle-shits.  Ewan ko, pero parang nakakahiya kasing magpakita sa mga kaklase ko.  Ano nalang sasabihin nila pag nalaman nila na tindero na ako ng tinapa?  Baka mainggit sila - at ito ang ayaw kong mangyari.  Hahaha!  Gusto ko ring makita ang mga kaklase ko pero parang nag-aalangan ako.  Hindi kasi ako sanay sa mga sosyal na bars at hotels.  Pang kanto lang ang inuman na madalas kong mapuntahan.  Isa pa, hindi talaga ako sanay makipag-kiss-ass sa mga dati kong kaklase.  Actually, hindi lang sa kanila, kundi sa lahat ng mga dati kong nakasama.  Anti-social talaga ako.  Hindi naman kasi lahat ng pupunta doon ay kaibigan ko.  Kung makikipagkita ako, doon na lang siguro sa mga totoo kong kaibigan.  Bahala na kung pupunta. 

(edit) Nakita ko lang ngayon, nakafollow pala ang class valedictorian namin sa blog na 'to.  Hi Rexie. XD

Ngayon lang ako ulit nadalaw dito, kaya pagpasensyahan niyo na kung hindi ko nadadalaw ang blogs ninyo.  Next week, pangako, gagaan na ang sched ko.  Quota na kasi ako sideline ko - marami na akong natabas na toothpick.  The week after next week na ulit ako papasok sa pagrika ng toothpick. XD

O sya, byerts! XD



Wednesday, January 26, 2011

Ano Daw?



Una, nais kong magpasalamat kay nyabachoi sa paggawad sa akin ng award na ito.  Sya ang unang nagbigay nito.  Pero dahil sa tagal kong hindi nakapagpost, may dalawa pa uli na nagbigay ng parehas na award; sina leonrap at superjaid.  Salamat sa inyong lahat! XD  Pero sa totoo lang, naguguluhan talaga ako kung bakit "stylish" ang kategorya/pangalan ng award.  Hindi ko alam kung alin ang stylish sa akin / sa blog ko / sa pagsusulat ko.  Wala naman kasi.  Hindi ako nagrereklamo ha, kapal naman ng muka ko kung tatanggihan ko ang award, hahaha, kahit best actor award pa yan, o supporting actor, tatanggapin ko parin yan.  Medyo naguluhan lang talaga ako.

Ito daw ang rules sa pagtanggap ng award:
  • Thank and link back to the person who gave you this award
  • Share 7 things about yourself
  • Award 15 recently discovered great bloggers
  • Contact these bloggers and tell them about the award

Muka namang walang kinalaman ang "stylish" sa rules ng award, so ipapasa ko na lang ito sa mga bloggers na madalas matambay dito o madalas kong tambayan ang blogs.  Sa madaling salita, ibibigay ko ito sa mga madalas kong makita dito at sa madalas kong bisitahin (kahit na hindi bumibisita dito).

Game...

7 things about myself:
  1. Tamad ako sabi ng marami.  Naniniwala naman ako dahil madami rin silang ebidensya.
  2. Mahiyain ako.  Mas madaldal ako sa email/blog/facebook (yan lang ang meron ako) kesa sa personal.  Nahihirapan ako makisalamuha sa mga bagong kakilala.
  3. Madami akong kayang gawin, pero hindi ako naging dalubhasa sa kahit anong larangan.  Mediocre-level lang lahat.  Sa ngayon, nahihilig ko sa pagpinta.  Siguro sa March iba naman.
  4. ABS-CBN talent ako noong araw. Sumali ako sa himig handog love song na pakulo ng abs-cbn noong 17yo ako. Syempre, hindi ako nakasama sa finals.  Semis lang.  Sumali din ako sa GAMEKNB.  Hindi rin ako pinalad.  Sira kasi ang detector ng napwestuhan ko (o feeling ko lang).
  5. Nagsimula akong mag drive ng kotse sa edad na sampu.  Washing machine ang una kong nadisgrasya.
  6. Ex ko si Maja Salvador.  Syempre joke to.  Hindi ko sya sinagot.
  7. Feeling ko tumatalino ako pag nakakakain ako ng chocolate.  Directly proportional ang pagtalino at pagchubby ko. Alam mo na ang mangyayari pag pumayat ako - lalala ang kondisyon ko.  (nakakatawa ang salitang "lalala".  isang tunog lang na pinaulit-ulit.  parang yung tanong lang na "bababa ba?"  parang sina sitsiritsit-alibangbang lang ang nag-uusap.)
At ang mga pagbibigayan ko ng award na ito ay sina:

Errr.... yung mga nasa blogroll ko sa gilid. XD  Sorry kung hindi ko sinunod ang rules.  Hindi naman talaga ako mahilig sumunod sa mga ganitong pakulo, pero nagpapasalamat parin ako.  Hindi ko pa naaupdate ang blogroll ko, kaya wag sanang magtampo kung wala pa ang link ninyo sa gilid.  Pasensya na, naisin ko mang-ilagay at isa-isahin kayong lahat eh gahol ako sa oras.  Busy mode kasi ako ngayon.  Isiningit ko lang talaga ang post na ito sa busy sched ko para pasalamatan ang tatlong tao na nagbigay nitong award sa akin.  Ngayon lang din kasi ako naging busy simula noong nagresign ako sa trabaho noong nakaraang taon, sana ay maintindihan nyo.  May pagkakataon kasi ako ngayon na gumawa ng kaperahan, kaya syempre sinasamantala ko na.  Masisisi nyo ba ako?  Dapat lang hindi! XD haha

Siguro espesyal na pasasalamat nalang kala maldito, glentot, lio, jobo, ms.N, jag, jepoynyabachoi at sa iba pa na madalas mapadpad dito at/o madalas kong bisitahin at makaututang dila.  Sa kanila ko kasi minsang nadama na may kausap ako sa blogosperyo.  Iba kasi yung nag-iiwan lang ng komento sa nakikipag-usap.  Marami pa akong gustong banggitin na bloggers, pero sa susunod na lang, sana ay walang magtampo dahil lahat naman kayo ay espesyal sa kidneys ko.

Salamat din pala kay jobo  (dalawang beses ko na nabanggit ang pangalan mo kaya may bayad na 'to!)sa pag nominate sa akin sa kategoryang friendliest blogger sa The Annual Blog Awards.  Syempre, hinding-hindi ako mananalo doon sa dalawang punto; una, hindi naman ako friendly, pangalawa, konti lang ang talagang nakakaututang dila ko, sa makatuwid - walang boboto.  Binoto lang nya ako para makahirit sya ng painting, in short hindi bukal sa kalooban nya ang ginawa nyang pag nominate.  Sorry, pero hindi ka nagtagumpay.  Hahaha. XD

Na-miss ko ang pag bloghop.  Babalik din ako, siguro next week, pag maluwag na ang oras ko.  Mag baback-read ako ng bonggang-bongga.

Salamat everyone!

Byerts! XD



Monday, January 10, 2011

WORD VERIFICATION SHITNITZ

[Mukang masyado yata akong sinisipag mag-update ng blog ko.  Iba talaga pag walang ginagawa, hahaha. XD]

Kahapon ko pa dapat ito balak gawin pero binigyan-daan ko muna ang Black Nazarene.  Syempre, mas importante naman ang Nazareno kesa sa walang kwentang subject nitong post ko today.  Kahapon kasi, naggala-gala ako sa sangkablogosperyohan at napadpad ako sa blog ni superjaid.  Natuwa ako sa nabasa ko dahil naalala ko ang kabataan (kabataan talaga? haha) ko sa pumapag-ibig nyang post.  Sa totoo lang, nakakabadtrip din minsan yung mga word-verification-shits na kailangan mo pang i-type para payagan kang magkomento.   Kung minsan, kailangan ko pang ulit-ulit ang pag enter sa word verification.  Nakakaloko.  Takte kasing captcha yan, parang hindi nakikinig (o nagbabasa) sa tinatype, minsan naman parang pabago-bago at nang-aasar lang talaga.  Minsan kahit siguradong-siguradong-sigurado akong tama ang inenter ko eh mali parin daw.  Lintek.

captcha: "word verification is papiritpaparirit"
ako: ita-type ko  yung wv na "papiritpaparirit"
captcha: "incorrect wv, you typed papiritpapapirit"..."wv is papiritpaparirit"
ako: ita-type ko ulit yung wv na "papiritpaparirit"
captcha: "incorrect wv, you typed papiritpapapirit"... "new wv is papampam, pls type papampam"
ako: ita-type ko yung bagong wv na "papampam"
captcha: "incorrect wv, you typed papampam"..."wv is papampam"
ako: ita-type ko ulit yung wv na "papampam"
captcha: "incorrect wv, you typed papampam"..."new wv is utohwutoh"
ako:  taena mo captcha!!! (closing comment box)

Ganyan minsan ang nangyayari.  (hindi ko alam kung bat ko naisip na papiritpaparirit ang gawin kong example).  At gaya ng halimbawa ko, nakakaloko at out-of-this-world talaga ang mga salita kadalasan - yun eh kung maituturing nga itong word.  Kaya tinanggal ko yung ganyan sa settings ko eh, istorbo kasi ang tingin ko don at baka tamarin pa magcomment ang bumibisita dito (ang alam ko tinanggal ko... pero kung hinde, sorry, hehe. plst let me know kung meron ding wv dito sa akin pag magkokoment kayo).

Ok, balik tayo sa comment ko kay jaid.  Yun nga, nung magkokoment na ako sa post nya, merong  lumabas na word verification... eto ang screenshot:

Di naman talaga yan bastos, nasa bumabasa lang yan. XD

Lakas mantrip ni captcha.  Dati naka encounter na ako ng phuke - medyo katunog lang naman.  Pero this time, it's the real thing.  Haha.. XD  Just sharing.

Byerts!


Friday, January 7, 2011

Dear Bloggie, kaya pa? XD

[Busy-busyhan mode nitong mga nakaraang araw kahit wala naman talagang ginagawa] 

Noong isang araw, habang ako eh abala sa kung ano, narinig ko si mama na sumisigaw - si tita mo!  Nagulat naman ako, di ko alam kung ano nangyari, at sinong tita ko ang tinutukoy nya.  Nanonood pala si mama ng Eat Bulaga, at doon pala nya nakita si tita na hindi ko na papangalanan dito.  Sumali pala yung tita ko dun sa Juan for all - shit ng Eat Bulaga, at nanalo sya ng 10K (alam mo yung pakulo na may dadalhin ka na kung anong bagay tapos tatayo ka dun sa pila na de-numero, tapos bubunot sa studio ng numero at ang mabubunot ang maswerteng mananalo?  ayun yown).  Nanay ko talaga oh, kung makapagreact naman akala mo sya ang nanalo ng pera.  Syempre lumapit naman ako agad sa tv, bihirang pagkakataon kasi na makakita ako ng kakilala o kamag-anak sa teevee...oo, aaminin ko, medyo naexcite din ako.  Confiiirrmed, si tita nga, at may bitbit pa na tatlong plastic bottles, flashlight, at ulam - kapalit ng sampunlibong piso.

Swerte ni tita, pero sa totoo lang, sana ibang tao nalang ang nanalo.  Wala akong inggit o galit sa kanya ha, hehe (close kaya ako sa kanya), ang akin lang kasi, mas maraming  nangangailangan ng sampunlibong piso doon sa lugar nila higit sa kanya.  Marami na kasing pera si tita, bukod pa sa water refilling station at mga pampasaherong jeep niya, at sa mga pinapasadang taxi at pinaparentahang eroplano.  Pampasweldo nya lang sa mga katulong nila ang sampung libo na iyon eh (biro lang tita...peace, hehe). Joke lang yung taxi. Pero ok na rin na nanalo sya.  Mainam din naman ang ay may extrang cash.  Joke lang din yung eroplano, syempre.

Nagtanong naman si bunso, kailan daw kaya pupunta sa lugar namin ang Eat Bulaga.  Mukang hindi ata narinig ni bunso ang tanong nya.

Bago ko pa makaligtaan -
HAPPY ANNIVERSARY YFFAR'S WORLD!

Dear Bloggie,

Dalawang taon na rin tayong magkapiling sa sangkablogosperyohan, akalain mo yun?!  Sa lahat ng datkom ko simula noong 2005, ikaw lamang ang nagtagal ng dalawang taon, kahit na madalas ay hindi sapat ang oras at atensiyon na ibinibigay ko sayo.  Pero, napansin ko, may mangilan-ngilan naring tao na dumadalaw sa iyo! :-)  Dati kasi, tanda mo, parang tayong dalawa lang ang nag-uusap dito at muka tayong tanga.  Kung sabagay, 'yon naman talaga ang layunin natin noon diba, ang bumuo ng mundo na para sa atin lamang dalawa, kalakip ng lahat ng ka-emohan at kabiguan natin sa buhay?  English pa nga ang medium natin noon at iisang tao lang ang dumadalaw sa atin, kaibigan ko pa sya, at hindi pa sya nag-iiwan ng comment, haha..  Panay negavibes kasi tayo noon eh kaya walang gustong tumambay.  Pero hindi na ngayong taon. XD  (at talaga namang siningitan ko pa ito ng liham para sa iyo)

Oh sya, tama na ang pakikipag-usap ko sa sarili.  Sa totoo lang, masaya ako dahil dalawang taon na ang kuta ko at mukang magtatagal pa ito (kaya mo pa diba?), lalo na ngayong meron ng limang tao na napapadpad dito paminsan minsan (yey).  Maraming salamat sa inyong lahat!  Pagpasensyahan nyo na kung minsan (o madalas) ay masyadong mahaba ang aking mga komento sa blogs ninyo.  Nasabihan na kasi ako minsan na para daw akong gumagawa ng blog sa blog ng iba, haha, sorry naman. Iniiwasan ko na iyon ngayon.  Nais ko ring humingi ng paumanhin kung sa inyo ay tunog-nagmamarunong ako  sa pagbibigay ko ng komento sa inyong posts.  Opinyon ko lang naman (at kung minsan ay sarili kong karanasan) ang aking binibitiwan sa comment box, isang paraan ng aking pagpapahayag kung sang-ayon ako, o kung nagustuhan ko man o hindi ang nabasa ko sa inyong datkom.  Sana ay huwag masamain kung magbanggit ako ng ilang bagay na taliwas sa ipinapahayag ninyo sa inyong posts.

Tuwiran ako kung magkomento, ngunit hindi ko kailanman intensiyon na makasakit ng iba, kaya LAGI kong pinipili ang mga salitang ginagamit ko.  Kung taliwas man ang komento ko sa anumang pahayag ninyo sa inyong post, hindi ito nangangahulugan na mas magaling ako kesa sa inyo kaya wag sana ninyong masamain.  Hindi bat mas mainam na makakuha ng komento na may talino at laman lalo na sa mga usaping seryoso, kesa makakuha ng mga komentong nakikipag-kiss-ass lang naman talaga  para lang makahirit ng "follow my blog naman po"?  Hindi ba?

Kaya rin siguro wala gaanong bumibisita dito - bukod sa boring ang mga pinaglalalagay ko, eh mahina pa akong makipag-kiss-ass sa ibang bloggers. :-(

May nagtampo kasi sa aking blogger at mukang tinanggal talaga ako sa kanyang blogroll nang dahil sa isang komento, hehehe.  Oo, napansin ko talaga ang pagkawala ng link ko dahil madalas akong mapagpad sa datkom nya.  Nandun 'yon dati pero biglang nawala, hehe. Pero hindi naman ako galit. 

Pasensya na kung hindi mo nagustuhan ang komento ko.  Hindi ako nagmamarunong at lalong HINDI ko sinasabi na mali ka sa iyong punto.  Nais ko lang naman na ibahagi ang aking pananaw tungkol doon.  Alam kong WALANG MALI sa binitiwan kong komento  (oh eto ha, wala itong bahid ng pagmamarunong at pagmamayabang.  Sinasabi ko ito ayon sa pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko; sa kung ano ang alam kong tama at hindi.)  Hindi mali ang magpahayag ng pananaw kung sa maayos na paraan ito gagawin - na sa tingin ko eh ang ginawa ko.  Simpleng komento lang naman ang ginawa ko eh, nagkataon lang na taliwas ito sa nabanggit mo sa post mo.  Gayun pa man, humihingi ako ng tawad sa'yo.  Hindi ko alam na sensitibo ka pala sa mga taong sumasalungat sa iyong pananaw. At para hindi ka na mabadtrip sa aking matapat-at-bukal-sa-puso na mga komento - hindi na lang ako magko-comment sa blog mo.  Ayoko naman palaging "i agree" o "oo nga" na lang ang magiging komento ko sa blog mo.  Mahirap 'yon.

Sa mga napapadpad dito, maraming salamat sa inyong lahat. XD




Tuesday, December 21, 2010

Christmas Carols [at kung paano ito winasak ng mga batang wala sa tono at tamang huwisyo]


Ano na bang nangyari sa mga batang nangangaroling ngayon? Takte, wala na sa tono, mali na ang lyrics, uma-attitude pa! Nung nakaraang gabi, may grupo ng mga dalaginding (mga batang edad high-school sa tingin ko. Tipong mga no-longer-a-girl-not-yet-a-woman... base sa looks). Kumanta sila ng pinakasikat na pamaskong kanta na Sa May Bahay (ito ang madalas na unang kinakanta ng mga batang nangangaroling, na susundutan ng ♫♪we wish you a merry christmas, we wish you a merry chrsitmas♬♪... na susundan ng ♬♫tuwing sasapit ang pasko, namimili ang nanay ko♫♪... ganown). Nung makapwesto na ang mga batang chicks, mahinang bumilang ang isa ng 1-2-3-go, sabay, "♫♪Sa may bahay, ang aming bati, meri krismas na wawalhati...♫♪". Potah! Madalas kong marinig itong mali-maling paraan ng pag-awit ng kantang ito, pero madalas ko rin palampasin lalo na kung mga bata (as in bata - tipong sampung taon pababa) ang kumakanta. Pero yung grupo ng nangangaroling na nabanggit ko sa taas ay hindi na mga bata (sabi ko nga, kung tama ang estima ko, edad highschool na silang lahat). Di ko lang talaga alam kung matutuwa ba ako o maiinis o maaawa sa nakakahiyang katotohanan na hindi nila alam na wala sa Filipino dictionary ang salitang wawalhati (baka sa english or portuguese dictionary meron). (Teka, napapansin nyo rin ba, kung paano nagiging kumportable ang maraming manunulat na magsulat sa loob ng panaklong {parentheses}? Yung iba nga hindi na nila namamalayan na nasa loob parin ng panaklong ang pinagtatatype nilang shit. Sabagay, malamig naman ang panahon, hindi siguro masama na kumutan pati ang mga salita.)

(Mabalik sa mga nangangaroling). (Ayun nga, dahil nakatambay lang ako sa garahe habang patagong humihithit ng yosi na binili ko pa noong birthday ng kaibigan kong si Tonyo, nakita ko kaagad ang mga papalapit na carolers. Patay ang ilaw sa garahe kaya hindi nila ako agad nakita na nakaupo sa harap. Nakakailang linya palang sila sa kanta ay pinahinto ko na sila kaagad. Sayang ang effort nila dahil wala naman akong maiaabot, kaya imbes na patagalin ko pa ang pagkanta nila (na kasingkahulugan ng paghihirap ko sa pakikinig) sinabi ko na agad ang salitang ayaw nilang marinig... patawad. Mabilis pa sa 0.01 na segundo ay sumagot agad ang isa sa kanila na "ano ba 'yan?!" sabay talikod, na ginaya naman ng mga sugo nya. Uma-attitude???  Suplada ang mga punyeta, haha! Akala ko mali lang ako ng pagkakarinig sa pagsambit nila sa maluwalhati. Takte, paglipat nila sa katapat naming bahay, wawalhati parin ang kanta nila. @_@ Hindi pa ba nila naririnig ang salitang maluwalhati??? Hindi pa ba nila kailanman nabasa sa libro ang salitang luwalhati na nilagyan ng unlapi na "ma"?  O ang dalawang salita na "may luwalhati"? Wala naman sigurong textbook na may nakasulat na wawalhati (wala di ba?), pero bakit ganun nila bigkasin ang liriko ng kantang Sa May Bahay?) (Nakalungkot isiping maging sarili nating salita/awitin ay hindi alam ng karamihan ang tamang paggamit/kahulugan).

(Haaaay...)
hugot mula sa google image

(Hindi ko na rin naririnig ang tunog ng tambol na gawa sa lata ng gatas o ice cream. Pati narin yung mga pinitpit na tansan na binutasan sa gitna para itinuhog sa alambre, wala na ring gumagawa. Gumagawa ako ng mga ito noong dekada '90, noong elementary pa ako. May maliit kaming grocery (pinasosyal na sari-sari store) noon kaya sagana kami sa tansan ng softdrinks at beer. Yung lata ng gatas noon pinupulot ko lang sa mga basurahan sa paligid, lilinisan ng kaunti, tatakpan ng binatak na plastik ng SM o Lianas Supermarket gamit ang maraming piraso ng goma - at bwalaah!... tambol na! Yung drum stick gawa lang sa bananaque stick na may plastic at goma sa dulo. Bakit kaya wala ng gumagawa nito ngayon? Tatlo kaming madalas mangaroling noon; ako, si Noel, at si E-et (Ace na nung nagbinata kami). Kami ang tinaguriang batang-gwapings sa lugar namin noon. Anim na taon palang ako noon. Pinagtatalunan pa namin noong una kung sino sa aming tatlo si Mark Anthony Fernandez na syang lider ng gwapings, pero dahil mas matanda si Noel ng isang taon sa amin, siya rin ang nasunod at naging Mark Anthony ng grupo. Marami akong mga batang kaibigan dati, pero silang dalawa ang bestfriends ko, kaya hindi na naging malaking issue sa amin kung sino ang Mark Anthony ng grupo (konti lang). Minsan madami kami kung mangaroling, pero madalas kaming tatlo lang - choice narin namin. Mas gusto namin kapag kaming tatlo lang dahil mas malaki ang nagiging hatian ng pera. Kung minsan, pinambibili na namin diretso ng malaking chichirya o kaya ng maraming candy o chocolate sa tindahan nila Lola Bumbay, at saka namin hahatiin sa tatlo. Pero noong naging 10 na si Noel, at ako ay 9, hindi kami nakapagkaroling. Ayaw na ni Noel eh - binata na raw kasi sya, at nahihiya sya na makita ni Rona na nangangaroling habang may hawak-hawak na tambol na gawa sa lata. Dyahe daw. Arte lang. Pero hindi naman natapos doon ang pagkakaibigan at pangangaroling namin, dahil noong sumunod na taon, 10 na ako at 11 naman si Noel (ang galing no, lagi kaming magkasunod ng edad), parehas kaming natutong maggitara. Hindi lahat ng bata na ka-edad namin ay marunong mag gitara. COOOOL ang dating namin parehas! Kaya noong sumunod na pasko, napagkasunduan naming tatlo na ibalik ang pangangaroling sa mas COOOOL na paraan. Wala na ang tambol na gawa sa lata at wala narin ang mga tinuhog na tansan. Gitara na! Lumevel up kami, kumbaga. At paborito namin puntahan ay ang bahay ng magkapatid na Rona at Rhea....isang napakabisang paraan para magkapera at maipamalas ang COOOOLNESS at galing namin sa paggigitara.)

Hindi na kami ulit nangaroling pagdating ng highschool. Syempre, binata na. Pero naging ugali parin namin ang tumambay sa may kanto ng 4'th road habang may bitbit parin na gitara. COOOOL eh. XD

(Bihira na lang ang nangangaroling ngayon. Siguro nadala narin ang mga bata ngayon. Bihira nalang din kasi ang mga nagbibigay sa mga nagkakaroling - baka daw kasi mamihasa at balik-balikan ang bahay nila. Aminado ako na bihira akong magbigay sa mga nangangaroling. Ang lagi kong sinasabi sa mga bata, balik nalang kayo sa 24. Ngayong gabi - wala akong narinig na nangaroling. Kahapon isa lang. Nung isang araw dalawa lang. Nakakalungkot na hindi na gaanong ginagawa ang masayang tradisyong kinalakihan ko. Pero naging bahagi rin kasi ako ng dahilan kung bakit unti-unti itong nawawala. Ah ewan. Basta, sana bumalik ang kaugaliaang ito. Sana dumami ulit ang mga carolers (basta nasa tamang tono), tutal apat na gabi nalang naman bago magpasko...basta doon sila lahat kumanta sa kapit-bahay naming kalbo.  Makikinig na lang ako.)


Thursday, December 16, 2010

Samut saring Balita

Parang kawawang-kawawa yung orihinal na titulo ng nakaraang post ko, kaya napagdesisyunan ko (na ginawa ko sa ikatlong pagkakataon) na baguhin-slash-alisin ang orihinal na title. Ewan ko, pero sa tagal ko ng nagsusulat, hindi parin talaga ako magaling mag-isip ng title sa mga posts ko. 2005 pa ako nagsimulang magblog pero pakiramdam ko walang inunlad ang paraan ko ng pagsusulat. Mukang bumaba pa nga ang kalidad. Ang hirap kasi mag-isip ng titulong swak sa banga. Lagi na lang, pagkatapos kong magsulat ng kung anong shit, sa dulo, bigla na lang akong matitigil ng ilang minuto para mag-concentrate na paganahin ang laman sa loob ng bungo ko para makapagpalabas ng isang maayos at disenteng titulo. Pero minsan, kahit gaano ko pa sikaping tikolin ang utak ko, ayaw talaga lumabas ng creative juices.  Nakakahiyang aminin na ako mismo, kung minsan, hindi sang-ayon sa titulong napipili kong ipaskil.

No return no exchange ang policy ko dati sa blog.  Touch move - kung ano na ang naitipa, naipaskil, naibato sa wall ko, wala ng bawian. No erase, period! Kahit nga noong minsang pinagbantaan ako ng isang alagad ng isang di-ka-sosyalan-na-kumpanya noon, na mapipilitan daw silang gumawa ng legal na hakbang laban sa akin kung hindi ko raw buburahin ang maaanghang kong panulat tungkol sa ka-cheapan ng kumpanya nila noon, di parin ako natinag. Potah, kasalanan ko ba na panget ng kumpanya nila? Hindi ako kailanman magpapadikta sa kung sino mang asungot - isa pa, blog ko to!  Ako ang hari at diyos dito at sarili ko lang na konsensya ang pakikinggan ko. Sabi ko sa takteng kumontak sa akin - wala akong ginawang masama, opinyon ko ang ibinigay ko, kung nasaktan sila - problema na nila 'yon, kung gusto nila magdemanda tatawanan ko lang sila.  Ano namang akala nya sa akin, bata para matakot? Sabi ko, bakit di ka nalang gumawa ng blog mo at ipagkalat mo ang mga mabubuting katangian ng kumpanya mo - kung meron man. Di narin naman sila nagparamdam pagkatapos ko sumagot sa tanginuming email-slash-threat nila. Kamakailan lang, pinalitan ko ang original na titulo ng isang post ko. Tinaytelan ko kasi iyon ng K*ntutan Tayo. Wala pang limang minuto ng pagkakapublish. Naisip ko bigla, baka ma-ban sa future-office ko ang blog ko at ma-tagged bilang site with pornographic content (paranoid lang). Nabahag ang lawit ko at pinalitan ko ng Sex Tayo ang titulo. Mas disente, sa tingin ko kumpara sa K Tayo (oh - wag ng patulan ang sinabi kong "disente" - iba-iba tayo ng moral background. Wag na nating pagtalunan). XD

Kung saan-saan na ako napadpad, ang gusto ko lang namang sabihin sa itaas ay nahihirapan akong lagyan ng title ang posts ko kung minsan. Period. Ang haba ng pasakalye, pfft.

Dahil madalas ay nasa bahay lang naman ako, balita nalang sa tv, libro, at kung anu-anong-shit sa internet na lang ang madalas kong pagkaabalahan.  At para sa mga nagbabagang balita:

14-anyos na batang lalaki, tinaniman ng gunting sa ulo:
This is not a title in some tabloid, tunog-tabloid lang. Balita yan sa TV Patrol kanina. Apat na araw ng nakatarik ang gunting sa ulo nung bata na itago nalang natin sa pangalang Edward. Hindi kasi sapat ang pasilidad ng baryotik hospital sa probinsiya ng bata, at natatakot ang lokal doktor sa bayan nila na hugutin ang gunting. Kailangang madala ang bata sa mas engrande na ospital para sa mas madibdibang obserbasyon.  Hindi ko lang lubos maisip kung bakit umabot pa ng apat na araw ang gunting sa ulo. Imagine-nin mo 'yung usual holloween costume na may nakasaksak na kutsilyo sa ulo na tagus-tagusan sa magkabilang gilid ng noo? Nakakatakot di ba? Parang ganown ang itsura nung gunting sa ulo nung bata, pero syempre hindi tagos at nasa bandang likod malapit sa ulo ng bata nakatanim ang gunting. Apat na araw na raw may gunting sa ulo ang bata. Kawawa naman. Tawag tuloy sa kanya sa kanila, Edward Scissorhead - hindi 'to joke, syempre.

Sinubukan kong humanap ng imahe ng bata pero wala akong mahagilap.

Hubert Webb after 15yrs in prison:
Shopping galore ang potah ng shirt and pants pagkatapos ng labinlimang taon na pagkakapiit. After 15yrs sa loob ng kulungan, hindi na raw sanay magpantalon si Hubert after 15yrs. Kasi nga naman, sa loob ng 15yrs panay pekpek shorts at orange na t-shirt lang ang fashion statement nya sa kulungan sa loob ng 15yrs. Labinlimang taon daw siyang inakusahan sa salang hindi daw nya ginawa pero pinagdusahan nya in 15-fucking-years. Ilang beses ko ring narinig ang 15yrs sa mga interview sa kanya at sa kanyang pamilya na pinangangambahan kong umabot din ng 15yrs. Kasi nga naman, 15yrs eh. Di ba, ikaw ba naman, 15yrs. 15yrs din suguro nilang uulit-ulitin ang 15yrs. Syempre, mahirap kalimutan, 15yrs yun eh.

Wala talaga akong pakialam kay Hubert at sa 15yrs nya, pero naaawa ako kay Mr. Vizconde. May uhog pa ako sa labi nung nangyari ang karumaldumal na krimen, at lumaki akong exposed sa balitang ito. Di lang naman ako ang dismayado sa pag dismiss ng SC sa kaso, mismo si "Hanging Judge" Justice Manuel Pamaran, nabadtrip nung masagap ang balitang acquitted ang tropa ni Webb. Guilty sa kanya si Webb. Sa akin din.

Haaay, the fact that they were acquitted doesn't mean they did not do the crime. Si Batman na bahala sa kanila.

Oplan Isnabero:
This is DOTC's drive against abusive and snobbish cabbies. Kasi naman, umaabuso, hindi naman sikat tapos ang lakas ng loob mang-snob. The nerve. Bawal na tumanggi sa mga pasahero, bawal mamili ng route, at bawal ring hindi gamitin ang metro. Ewan ko, matagal ng batas ang tamang paggamit ng metro pero ang dami paring bwakinang taxi drivers na hindi gumagamit nito lalo na sa pinagpalang bayan ng Alabang. Mabuti pa sa Makati, nakakapag taxi ako noon galing sa aking flat papuntang office sa halagang 60 pesos. Pero sa Alabang, papasok lang sa village mula sa mall, 250 pesos na! Pag may bagahe, 350! Kalokohan. Kinausap ko noon si Mayor San Pedro, sinumbong ko sa kanya ang mga taxi dito, sabi nya "I'll look into it and I'll get back to you." Hindi ko alam kung bat nya nasabi 'yon, di ko naman tanda na ibinigay ko ang number ko sa kanya. Na-reelect na sya sa office pero hindi parin sya nakakabalik. Pakshet.

Yep, I did speak with the mayor last year. Napanaginipan ko yun eh.

New Philippine Banknotes:
Excited ako dito.  All the seven banknotes denominations (20, 50, 100, 200, 500, 1000 and 2000), have a new design. Pati narin ang coins. Central Bank of the Philippines will start distributing the new 20 peso bill tomorrow. They upgraded the security features of all banknotes to make it easier for the public to detect fake money. Major change ang pagbabago sa perang papel at mas pinatingkad ang kulay. Maraming pagbabago; pinabata si Roxas, dinagdag si Cory kay Ninoy, sinama ang ilang natural wonders of the Philippines - kasama ang Philippine Tarsier. Sabi ni President Noynoy sa balita, kulang nalang daw sa 500 bill eh muka ni Kris at Bimby. Utot nya. Napakasamang joke kaya non. Pwede nyang isama muka ni Kris, pero dapat nakapatong sa ulo nya yung tarsier. [Insert Kris-laugh-here: Ahah, hah, hah, hah!]

Eto yung ubod ng bagong-bagong design.



Biro lang. Eto talaga.

Hindi ko alam kung ako lang, pero parang nakakaloko ang ngiti ng mag-asawang Aquino dito.
Galing dito ang larawan

Astig ang pagkakadesign.  Hanapin mo si Gloria sa Larawan.

Ayun si GMA.  Sinama pa talaga, lakas mang-asar ni Noynoy.

Gusto ko ang design ng mga bagong papel.  Nakakatawa lang makita na pinaliit ng todo ang imahe ng panunumpa ni GMA.  Parang sampal sa muka ni arroyo yan, kung ako ang tatanungin (pero wala rin talaga akong pakielam dito).

Kung hindi ka nag-skip read, naguluhan ka siguro sa "seven" banknotes na sinabi ko.  Anim lang talaga, wala pang 2000 bill.  Naexcite ka naman siguro.

O sya, byerts na!



Saturday, November 27, 2010

Takteng Kabinet (at ang reenactment ng gulo sa korea at pagsabog ng bulkang bulusan sa condo ni ate)


****Ilang araw na akong tuliro at hindi mapalagay. Ang hirap talaga, ako lang ba ang walang pera ngayong pasko? Kawawa naman ako.****

Galing ako kanina sa condo ng kapatid ko sa Boni. Actually, apartment lang talaga yun... condo lang ang tawag ko para mas sosyal pakinggan. Eh bakit ko nga ba binuking na apartment lang talaga 'yon kung gusto ko naman syang palabasing sosyal? Isang malaking paradox. Tuliro na naman.  Balik sa condo. Nagbalik loob kasi ulit ang ate ko sa kanyang condo matapos ang dalawa o tatlong araw na pananatili sa ibang unit dahil sa pagbabakbak ng sahig para palitan ng mamahalin at makinang na tiles na wangis ng sa Edsa Shangrila Hotel. Yung tipong pwede ka ng manalamin sa sobrang kinang, kita pati panty pag nakapalda ang nakatayo. Ganown kakinang. Bago ang sahig, pero dyos ko, sobrang kalat. Ang alikabok. Ang baho. Ang gulo-gulo sa loob ng condo. Parang nagsabong ang North Korea at South Korea, katulong ang US, kasabay ng pagputok ng Bulkang Bulusan, sa loob ng condo ni ate. Letseng kalat. Kaya pala gaun nalang ang pagpilit ni ate na tulungan namin sya sa paglinis. Actually, kami lang ang naglinis dahil pagkatapos nya sa opisina ng hapon eh dumiretson naman sya at naglaro ng badminton kasama ang kanyang mga kaopisina. So ang ending, hindi ako tumulong maglinis, kundi ako ang naglinis. Kasama pala si bunso. Hindi ko kasi masyado naramdaman ang presensya ni bunso dahil ako lang halos ang naglinis ng buong condo. Haaay.

Kagabi palang nag-uusap na si bunso at si ate sa telepono kung ano-ano ang kailangang gawin sa condo. May mga bilin. Kampante naman ako na nayakap ng comprehension skills ni bunso ang mga habilin ni ate. So go kami kanina sa condo. Meron dun isang napakalaking cabinet na dating nakadikit sa dingding. Mataas yung kabinet, mga 7-talampakan ang taas, at isang metro ang lapad. Mabigat dahil gawa sa solidong kahoy. Di ko alam kung anong klaseng kahoy 'yon, pero parang sa puno ng malunggay. Basta matibay at mabigat. Nagulat na lang ako pagdating namin sa loob dahil binaklas pala ng nag-ayos ng condo ang malaking cabinet at inilipat ng pwesto - tapos hindi binalik! Pothang ina!!! Naiwan tuloy yung bakas ng pinaglagyan ng cabinet sa dingding.

Hindi pa ako kumikilos eh nanghihina na agad ako. Tinanong ko si bunso, "ano daw ang balak nya (ni ate) dito?"

Sagot naman si bunso, "ikaw na raw ang bahala mag-ayos eh."

Pothang-ina. Prinoblema ko kaagad yung bakas sa dingding na dating pwesto ng malaking kabinet. Iba na kasi yung kulay nya sa mismong kulang ng condo. Kelangan pinturahan. Pero wala akong pintura, at ayoko naman lumabas at mag-effort na bumili ng brush at pintura. Pero sa totoo lang, mas madaling magpintura kesa iurong yung napakabigat na kabinet na yon. Pero, naisip ko na baka sabihin ni ate eh trabahong tamad ako. Kilala ko si ate, ayaw nya ng trabahong tamad, at isa pa, isa syang cold-blooded at heartless na kapatid (oo, nanonood ako nung palabas sa hapon - ako na ang tambay), kaya imbes na bumili ng pintura, nagtyaga ako na itulak ang makalaglag-itlog na cabinet papunta sa orihinal nya na pwesto. Estima ko higit 12 feet ang distansya. Takte ang bigat!  Hindi ko na pinatulong sa bunso sa pagtulak sa kabinet dahil bukod sa babae sya eh medyo may pagkalampa rin. Kaya sariling sikap ako sa pagtulak ng cabinet.

Solb. Nasalo naman ng boxers ko ang itlog ko.

Madami pa akong ginawa pagkatapos ng pakikipagbuno ko sa kabinet na walastek. Punas dito, punas doon; pagpag dito, pagpag doon; kain dito, kain doon. Madami. Limang oras din ang inabot namin ni bunso para linisin ang buong condo. Kisame lang ang hindi dinapuan ng basahan. Gabi na nang dumating si ate. Sakto, may dala syang pagkain para sa mga inalipin nyang kapatid. Natuwa agad si ate dahil wala na ang mga kalat at basurang iniwan nya nung pumasok sya sa trabaho. Pagpasok nya ng kwarto, biglang "Nyek, anong ginawa nyo dito???"

Nagulat naman ako. Bakit daw bumalik sa dating pwesto yung cabinet.  Sabi ko naglakad mag-isa (patawang vice ganda, ang korni).  Sabi ko, "eh dyan naman talaga yan nakalagay diba?"

Sabay kamot ng ulo ni ate, "Eh pinabaklas ko nga yan kay Mang Kepweng at pinalipat doon (turo sa sulok) para ma-maximize ang space, tapos ibinalik mo din??? Kawawa naman yung matanda. Ang bigat-bigat kaya nyan!"

Takte, mas naawa pa sya sa matandang hindi kaano-ano kesa sa akin.

Hindi naman pala kasi pinapabalik ni ate ang cabinet sa dating pwesto. Ang bilin nya kay bunso, ako na raw ang bahala mag-ayos sa mga kasangkapan at "magpintura sa dating pwesto ng kabinet". Dyoskopo. Ilang lapad ng mantika ang ibinuwis ko sa pagbalik ng cabinet nya sa dati nitong pwesto, tapos hindi naman pala dapat ibalik.  Halos isang oras ko kayang itinulak ang lintek na kabinet na yon!  Mabuti na nga lang at hindi natuluyan ang itlog ko at hindi ako nalagutan ng main artery.

Matapos ang ilang minutong pagpapalitan ng laway, confirmed - di na-gets ni bunso ang bilin ni ate. Hindi naman daw nya ipapabalik 'yon dahil una, pinalipat nya talaga yon; at pangalawa, sobrang bigat daw nung kabinet para ipaurong sa cute nyang kapatid (ako 'yon).  Hindi raw kaya ng konsensiya nya at alam daw nyang tamad ako kaya imposibleng gawin ko rin 'yon.  Kaya nga daw si Mang Kepweng ang tinawag nya para magbaklas at maglipat ng kabinet kahapon kasi ayaw nya akong pahirapan. Sapul tuloy ako at ang aking maling akala na isa syang cold-blooded at heartless na kapatid. Alam nyang ubod-ng-bigat ng kabinet kaya hindi na nya ulit pinaurong sa akin. Salamat naman.

Kung minsan talaga, wala sa tamang hulog ang kasipagan ko.  Tsk tsk.

Pero kanina, nung pauwi na ako, nakonsensya ako bigla. Kasi binigyan nya ako ng pera bago kami umuwi (oo na, oo na, tambay ako, binibigyan lang ako ng mga kapatid ko ng pera!). Tinext ko tuloy sya, sabi ko sa off nya babalik ako sa condo para iurong ulit yung kabinet. Di pa sya nagrereply, malamang tulog na. Pero sigurado ako papayag 'yon.

Tahimik lang si bunso buong byahe pauwi sa bahay. Guilty, haha. XD Ok lang, at least nalaman ko ang tunay kong kakayahan. Mag kargador nalang kaya ako sa palengke. Magkaka-abs pa ako. Good idea.

****Nabanggit ko ang Bulkang Bulusan kanina.  Sana ok lang ang mga kababayan ng nanay ko sa Sorsogon.  Taga-Bulusan ang nanay ko, pero hindi naman apektado yung mga mayayaman naming kamag-anak doon.  Yung mga taga Irosin ang apektado, yung nasa likod ng Bulkan.  Sabi ng mga taga-Irosin, ang dugas daw ng bulkan.  Naturingang Bulusan Volcano ang pangalan pero sa ibang bayan namiminsala.****

Yan ang ate ko sa gilid ng Bulkan noong July. Ex-model ng Ford.
Sa totoo lang. sobrang lungkot ako dahil naubos na yung pinagmamalaki kong ipon.  Buti nalang nandyan ang pamilya ko na patuloy ang pagkupkop sa akin (syempre may kasamang sermon, pero ok lang, LOL).  Yung mga kainuman ko, wala na.  Letse.  Wala man lang mag-aya ng inom ngayon.  Kapag nasa ibaba ka na talaga, tanging pamilya lang ang siguradong hindi ka iiwan.  Positibo naman ako na may trabaho na ulit ako bago matapos ang taon.  Sure na yan.  Ang galing-galing ko kaya. XD

Ayan, nanghihinayang na naman ako sa nilisan kong trabaho. Shit.

Byerts now! XD




Tuesday, November 23, 2010

SEX TAYO!

Sabi nga nila, mas mabilis pumukaw ng atensiyon ang mga negatibo o di kaya ay mahalay na titulo.  Halimbawa, pag nilagyan ko ito ng titulo na "Patnubay ng Magulang ay Kailangan", magtatanong ka kung bakit kailangan ng patnubay ng magulang at lalong lalalim ang interes mo na malaman ang nilalaman nito, o kaya pag ang title naman ay "Bawal sa Pinoy", magtataka ka kung bakit bawal ito sa Pinoy kaya babasahin mo ito.  Ne-excite ka siguro. Pasensya na, pero hindi ito tungkol sa pagtatalik. Char-char lang yan. XD

Pero kapag nagkatrabaho na ako, pwede kitang ayaing magsex. Ilang beses din kaming nagsex ng mga katrabaho ko dati.  Oo, merong Sinangag EXpress malapit sa opinsina namin dati.  24 oras yan bukas kaya pwede tayong magSEX kahit anong oras. XD

Eto ang tinutukoy kong SEX. (larawan mula dito)

Bakit nga ba ako nagsulat ngayon?  Mula kasi sa aking pagba-blog-hop kanina ay napadpad ako sa datkom ni jkulisap. Mag-iiwan sana ako ng komento sa kanyang huling post, pero, gaya nga ng madalas mangyari, napahaba na naman ang comment ko (oo, kung minsan ugali ko ang magcomment-ala-post sa blog ng iba) - kaya naisipan ko na lang na gumawa ng isang buong post imbes na mag comment.

Ang tanong: Bakit nga ba madalas nating gamitan ng mga salitang panghalili ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa usaping sex? Halimbawa, imbes na tite ay talong, junior, batuta, at iba pa, ang itinatawag natin dito. Ganundin sa pambabaeng kasarian - merong mani, tahong, talaba, at marami pang iba. Ang sarap di ba?

Eh bakit nga naman binigyan pa ng pangalan kung hindi rin naman ito tatawagin sa tunay na pangalan? Sa tingin ko wala naman sa pangalan yan, kundi sa kahulugan ng mismong bagay. Isipin mo, kung ang kilala mong talong ay tinawag na tite, at ang nakalawit sa pagitan ng binti mo ay bininyagang talong - hindi bat tite naman ang itatawag mo sa talong? (Sana ay naunawan mo ang paghahambing ko.)

Pero kung ikaw ang tatanungin ko, komportable ka ba na sabihin ang mga salitang iyan sa harap ng ibang tao? Halimbawa, sa teacher mo sa school, o sa pari nyo sa simbahan, or sa babaeng nililigawan mo, o kahit na sa mga kapatid o magulang mo, kaya mo kayang sabihin na, "malaki ang tite ko" nang hindi nagtutunog malaswa? Yung parang tunog "malaki-ang-kamay-ko" lang?

Malamang ay hindi.

Maging ako ay hindi kayang sabihin ang mga salitang tite at puke ng harapan sa ibang tao, lalo na sa mga hindi ko kilala. Hindi naman sa naaasiwa akong sabihin ang mga ito. Aba, kating-kati kaya akong sabihin at ipagkalat na malaki ang ano ko (ang alin?). Pero hindi ko ito kayang sabihin sa ibang tao ng diretso. Ito'y bilang "respeto" sa mga nakakarinig. Oo, ito'y pagpapakita ng respeto sa iba. Hindi kasi lahat ng tao ay bukas ang isipan sa pagtanggap sa mga ganyang salita o pahayag. Maaring hindi ito mahalay at normal lang para sa iba, pero hindi parin natin maikakaila na ang mga pahayag na tulad noon ay maaaring offensive para sa iba.

Kung tama man ito o mali, nasa kanya-kanyang pananaw na yan ng mga tao, base narin sa kung ano ang kinalakihan nila bilang moral at imoral. Maaari kasing ang amoral (hindi moral at hindi rin imoral - gaya kapag terminolohiyang medikal na ang usapan) para sa isa ay imoral pagdating sa iba.  Kaya para hindi makasakit ng iba, o makabastos (bastos - pumapasok ulit dito ang kinalakihan ng isang tao, kung moral o hindi ang isang bagay), nakaugalian na natin na gumamit ng mga panghaliling salita. Ang iba naman, ginagawa ito para sa katuwaan lamang.

Pero, kung kami-kami lang nga mga kaibigan ko ang nag-uusap, normal lang na mapag-usapan ang sex, walang hiya-hiya at walang pag-aalinlangan, dahil lahat naman kami ay nagkakaunawaan.

Sa usapang sex education naman - sang-ayon ako dito. Sa totoo lang dapat ay magulang ang gumagawa nito. Sa tingin ko ay mas nagiging makabuluhan at importante ang "mga aral" kapag nagmula ito sa mga mismong magulang o guardian ng bata, kumpara kung ito ay galing sa guro. Ito'y personal na pananaw lamang, dahil noong bata ako ay mas nakikinig ako sa mga magulang ko higit sa mga guro ko. Pero kung ang ibang magulang naman ang tatanungin, marami parin sa kanila ang hindi handa sa ganitong usapin at mas nanaisin pang mga guro na lamang sa paaralan ang gumawa ng tungkulin. Pero maging sino man yan, magulang o guro, ang importante ay magkaroon ng wastong paggagabay. Dapat habang bata palang ay itinuturo na sa mga bata na hindi normal ang hawakan ng ibang tao ang kanilang maseselang parte ng katawan, at kung mangyari man ito ay dapat magsumbong agad sila sa ibang nakatatanda. Ganyan kami pinalaki sa Australia (jowk). XD Maraming kaso narin kasi dito sa bansa natin ng mga batang naabuso dahil sa kakulangan sa kaalaman ng kanilang karapatan. Hindi naman ang aktuwal na "sex" ang ituturo, kundi ang mga realidad na sumasaklaw dito na hindi dapat ipagwalang-bahala. Kailangan lang talaga ay tamang ipormasyon na may aral at hindi kwentong-libog lang. Ayoko nang ungkatin pa kung ano-ano nga ba ang mga tamang paggabay. Alam mo na yan. Matalino ka di ba? Huwag mo sanang masamain kung anti-sex education ka. Hindi kita tatawaging bobo. kasi nga, gaya ng sinabi ko kanina, maaaring ang normal para sa akin ang imoral para sa iba. So kung anti-sex education ka, irerespeto parin kita, basta wag mo lang akong sasabihan na imoral dahil lang sa pabor ako dito.

Tinatamad na ako. Kasi naman dapat comment lang ito, napahaba lang, kaya ayan ginawa ko nalang post.

Sige na, byerts! XD


Friday, November 19, 2010

Bored? Try this:

1. Go to Google Maps.

2. Click "Get Directions".

3. Type Taiwan as the start location.

4. Type China as the endlocation.

5. Read STEP 24 of the directions.

6. have a safe TRIP!! XD



Saw this on a friend's wall in FB.  You see, may gamit din ang facebook, LOL.

Pero sa step 34 pwedeng mag Ferry. Gagong google maps yan oh. XD





UPDATE:
check nyo rin Taiwan to Japan, step 61 (kung may extra time ka pa), kinabog ang swimming. XD




Saturday, November 13, 2010

Clinton Aide Shouts at VP Binay [hindi porket mukang masama ay masama na ang intensiyon! huwag kang judgmental!]


Vice President Binay
(This happened last Thursday.  A female staff from the Clinton Foundation shouted at VP Binay and asked him to leave the VIP area where  former US Pres. Clinton was staying before his speech at the Manila Hotel.  The female staff didn't know who she was shouting at till Binay introduced himself as the Vice President of the Philippines.  Binay Obidiently exited the VIP area and the female staff immediately apologized to him.)

What happened here is abominable on three counts.  First, there's really no point in shouting at Vice President Binay (or anyone), no matter where angle you regard it from; second, it's stupid of her not to know at least the Vice President of the country she's visiting; and third, she's not in her own country to act like she's some sort of a greater entity.  Filipinos, in general, are nice and respectful to foreign visitors, and we always try to make them feel at home.  Looks like this Clinton aide took the feel-at-home-invitation to heart, errr, a little bit too much. (Sisigaw-sigaw, nasa bahay ka ba, ha ate? ha?)  She should get a comprehensive foreign diplomacy training for chrisake!  Well, I know Binay is short and dark and, errrr... (***i'm trying to be nice here***), very simple looking, so I guess he was mistaken as somebody gatecrashing the event. Clinton's staff was just doing her job but it is not safe to assume that people whose personal appearance (or faces, lol) she doesn't like are there to mess up the event. And shouting is very disrespectful as it is unnecessary.

Well, shouting maybe necessary if one is really being stubborn and unreasonable and you want to get your message delivered.   That just doesn't apply to Binay.


Eto ba ang mukang gagawa ng masama?  Hindi naman ah!


Moral: Hindi porket mukang masama ay masama na ang pakay.  Huwag judgmental!  Don't judge the book by its cover (especially if you're not a judge - waaah, corny! XD).

The aide's disrespectful action doesn't speak for most Americans though, or most people from other countries for that matter, so this is NOT an anti-American post.

Byerts now! XD



Friday, November 12, 2010

Blah for 11/12/2010 [Myself, birthdays, and stumbleupon]

It dawned on me just now that the post prior this is equally self-centred as the rest of this blog. I was this - I was that - I am blah bah blah sheeesh blah, and that. MEEEEEEEE.......

Don't get me wrong. The idea of telling parts of my life's story isn't bad. In fact, much has been said in this blog about who I am/was. It's the frequency of doing it that makes me a little sick now. How poor can that be - I'm sick and tired of me own stuff, pfft. I don't want to talk about myself anymore, but, errr, I don't have any other news to share neither. And that's what the problem is - I want to get this little psuedoworld going as part of my fresh-new-start-blah but I don't have enough coins in hand. Bad news, I sure have a couple, but this is not the right place to rant about them.

Now I think I am ranting again. Sorry.

Btw, It's my father's birthday on the 14'th - just a little info for you to digest. I miss him. I think my life would have been better if he's still alive. That I'd be better in making choices and in setting my priorities if he was around during the critical moments of my life. My life is a total bullets (bs), though, I am now on the process of pulling myself back together. Pfft...I better stop now before this turns again into another emoish-blah.

It was my yougest sister's birthday last Nov. 9, geee - I forgot to mention it here. Until now I feel bad that I wasn't able to contribute anything on her birthday. I'm sorry, panget.

Oh (insert-yellow-light-bulb-here) - i got something to share! Just the other day, I stumble upon this website called stumbleupon. Go check it! (Note: Don't laugh if you've been introduced to that site a long time ago. Please understand I only learned to use the computer last month and that site is completely new to me.) It is pretty useful especially during idle moments, when one has nothing better to do. The site allows its registered users to pull up random websites related to the interests they marked during the account set-up. I found some cool websites, and they're just soooo effing cool I'd rather not share them here. Go try it!

What else, errr, I guess that's it for today. Let's call this a post. Byerts! XD



Wednesday, November 10, 2010

Public Elementary School [mahaba ang original title kanina pero pinaikli ko nalang kasi baka ma-bore ka magbasa kapag title palang ay sobrang haba na, tapos yung aktuwal post eh sobrang haba din.]

Isang pangkaraniwang araw/gabi lamang ngayon. Walang bago. Puro luma't inaamag lamang na karanasan at ideya ang maaaring kong ibahagi dito. Haiks. Eh paano ba naman magkakaroon ng bago, ikaw ba naman itong tumambay sa bahay ng ilang buwan at walang ibang gawin kundi magkamot ng ano, wala talagang interesanteng bagay ang maaari mong maikwento.

Nakita ko sa blog ni gillboard noong isang araw ang kwento ng kanyang buhay elementarya, at naisipan ko itong gayahin. Ingetero lang ako, ipagpaumanhin.

Tutal naman ay bored ako, idadamay ko narin kayo.  Kung ayaw mong magsisi dahil sa haba nito, wag mo nalang basahin.  Payo lang.


Grade 1:

Mahirap lang kami, kaya sa public elementary school ako pumasok. At dahil natural na sa pamilya namin ang pagiging late kahit saan mang lakad - late rin ako na-enroll ng nanay ko. First-come-first-served ang siste sa public school. Dahil late ako na-enroll, section 20 ako napunta. Kada section noon ay may 50 na estudyante. Samakatuwid, nasa pagitan ako ng ika-950 at ika-1000 na enrollee. Ang room namin ay nasa pinakadulong building at pinakamabahong parte din ng eskwelahan. Bakit pinakamabaho? Kasi ang pinakaluma at pinakamabahong cr ng eskwela ay nasa likod lang ng room namin, at ang opisyal na basurahan ng eskwela ay 5 kandirit lang mula sa room. Mas Malas ang section 21, dahil isang hakbang palabas sa pinto, sabay pihit sa kaliwa, ay basurahan na.

Hindi naman ako nagtagal sa section 20, dahil pagkatapos ng dalawang buwan ay inilipat ako ni titser sa section 3. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari. Siguro ay narealized ng teacher ko na hindi ako nababagay sa mabahong lugar na yon (arte lang, haha). Pagkatapos nga ng dalawang buwan ay nanibago akong muli dahil iba na naman ang mga muka ng classmates ko. Akala ko noon makakahinga na ako ng maluwag kahit papano, pero hindi pala doon nagtatapos ang usapang baho. Nagkaroon ako ng seatmate na may luga, at hindi kaaya-aya ang amoy nito. Katabi ko sya sa upuan. Hindi ko naman talaga sya katabi noong unang lipat ko dahil nakaupo siya sa unang row at nasa bandang gitnang row ako. Mangyaring hindi na nakatiis ang titser namin sa kanya, kaya ilang araw mula noong lumipat ako, pinalipat din nya si classmate-na-may-luga ng upuan - sa tabi ko. Lahat ata sila ay pinagdaanan ang karanasang iyon, at nagkataon lang na ako ang huling mag-aaral sa klase, kaya ako narin ang nagdusa buong taon. Hindi naman ako lugi. Quits lang kami nung katabi nya sa kabilang silya.


Grade 2:

Nalipat ako sa section 2. Dito ako unang nagkaroon ng mga kaibigan. Naging matalik na kaibigan ko si.... errr....shit, sorry, nakalimutan ko ang pangalan nya. Basta tanda ko yung water jug nya na tadtad ng stickers ng teenage mutant ninja turtles na lagi ko ring iniinuman. Lumipat kasi sya sa isang private school pagkatapos ng taon kaya hindi ko na sya matandaan. Bata palang ay pawisin na ako. Lalo na ang kamay ko, sa sobrang pasmado ay pwede na itong lagyan ng gripo kapag pinagpapawisan, kaya naman lagi akong may baon na panyo - at walang palya yan. Trademark ko nung estudyante ako ay laging may pinapatungang panyo ang kamay ko pag nagsusulat. Isang araw, may pagsusulit kami. Ang masamang balita - naiwan ko ang panyo ko, pumalya ako. Kung nag-aral ka rin sa public school, malamang ay alam mo na laging sira ang bintilador sa mga classrooms. Habang nag-e-exam kami, habang tahimik ang buong klase, ako ay pawis na pawis at init na init, at ang test paper ko - basang-basa. Sa sobrang basa ay hindi na ako makapagsulat ng maayos. Nabubutas ang papel kapag sinusulatan ko na ng lapis. Natakot ako na hindi ko matatapos ang exam, at napaiyak ako dahil dito. Nakakahiya mang aminin, umiyak ako sa klase. Pinuntahan naman ako ni titser at tinanong kung bakit ako umiiyak. Awang-awa sa akin si Mrs. Flores, kaya pinaypayan nya ako habang nakaupo, at nagtanong rin sya sa klase kung sino ang may extrang panyo, at di naman ako nabigo dahil may nagkusang magpahiram ng bimpo. Natapos ko rin ang exam at umuwi ng maligaya.

Kinabukasan, maaga ako dumating ng school dahil maaga kami sinundo ng tricycle na service ko. Panghapon ang mga grade 2, at habang naghihintay kami ng mga kapwa-ko-maaga-dumating-na-classmates na lumabas ang mga morning shift na grade 1, nagdesisyon kami na maglaro muna ng habulan. "Mataya-taya" kami sa quadrangle sa ilalim ng araw sa katanghaliang tapat. Hindi namin namalayan na lumabas na pala ang mga grade 1 students at napansin nalang namin na tinatawag na kami ni Mrs. Flores. Patay, galit si ma'am! Lahat kami na nag mataya-taya ay napalo (namamalo pa ang mga titser noong dekada 90), pero dahil espesyal akong estudyante, may bonus ako kay ma'am. Sobrang sakit sa pingot na halos pumilas sa tenga ko. Sabi ni Mrs. Flores, "At ikaw, tatakbo-takbo ka dyan, tapos pag pinawisan ka na naman iiyak-iyak ka!!!" -sabay pingot. Hindi na ulit ako naglaro ng mataya-taya kapag malapit na magsimula ang klase simula noon.


Grade 3:

Section 2. Si Mrs Amante ang adviser ko. Meron syang kakaibang katangian, at dahil dito ay sobrang sakit nyang mamingot at manghila ng patilya. Ano ang kakaiba nyang katangian? Dalawa ang hinlalaki nya sa kanang kamay!  Titser rin namin sya sa math. Hindi ako mahilig mag-aral noong bata ako. Hindi naman kasi ako pinipilit na mag-aral sa bahay ng magulang ko gaya ng ibang bata na kilala ko. Understanding si erpat at ermat sa karapatan kong makapaglaro at makapaglibang bilang bata kaya naman lagi akong laman ng kalsada. Pero dahil dalawa ang hinlalaki ni mam sa kanang kamay at ayaw kong masabunutan sa patilya ng ubod-ng-sakit, napilitan ako na sauluhin ang multiplication at division table.  Kabisado ko yan, kahit pagbalig-baligtarin mo pa dati - salamat sa takot ko sa titser ko. Feeling ko tuloy noon ay matalino ako sa math kahit kabisote lang naman talaga ako.

Grade 3 din noong una (at huli) akong tumae sa cr sa eskwela. Hoy hoy hoy, alam ko iniisip mo. Iniisip mo na sa classroom talaga ako tumae at nagkukunwari lang na sa cr ako tumae, ano? Loko, hindi no. Sa cr ako tumae, pero may nakakita sa akin na tumatae ako sa cr, si Palito (di tunay na pangalan ng hayop). Bihirang-bihira lang ako pumasok sa cr dahil nakakawala sa tamang pag-iisip ang amoy ng cr sa public elementary school.  Isa iyong buhay na patunay ng impyerno sa lupa.  Balik sa cr: noon ngang oras na yon, meron palang sumunod na nag may-i-go-out sa klase, at nakita nya nga ako na lumabas mula sa cubicle. Siya ang mortal enemy ko noon at dalawang beses kami nagsuntukan (may kwento tungkol dito mamaya). Tumae si Palito sa klase noong grade 2 kami, at akala nya ay pagkakataon na nya iyon para makabawi sa lahat ng kanyang pagdurusa noong grade 2. Pagdating ng break, tuwang-tuwa niyang pinagkalat sa buong klase na nakita daw nya akong tumatae sa cr. Ang walangyang hitad, gusto pang dungisan ang karangalan ko sa school. Syempre hindi ako nagpatalo.  Kaya para ibangon ang sandaling-nadungisan ko na dangal, inungkat ko ulit ang pangyayari noong grade 2, na buti pa ako at sa cr tumatae, hindi kagaya nya na sa klase nagkalat ng lagim. Ang ending - sya parin ang talo. Bihira ako mang-asar noong bata, pero grabe ako mang-asar pag nasa mood.


Grade 4:

Section 2 parin. Mabait ang titser namin, si Mrs. Gudoy, siguro ay dahil sa ang anak nya na si Cherry ay kaklase din namin. Nabanggit ko kanina na nakipagsuntukan ako ng dalawang beses kay Palito.  Dito 'yon nangyari.  Dati ng mabigat ang loob ko kay Palito dahil alam kong ninakaw nya ang paborito kong lapis noong grade 3. Sinasabi nya na kanya ang lapis, pero alam kong akln yon dahil may palatandaan ako. Uso ang gagamba noon (spider derby) at bida ang mga batang may malaking panlabang gagamba. Isang araw, habang ipinapakita ko ang aking gagamba sa mga kaklase, sinadya ni Palito na pitikin ito. Nalaglag ito sa sahig at nagkagulo ang iba hanggang sa natapakan ang gagamba ko. Right there and then (umiinglish bigla) ay tinulak ko sya, sabay kantyaw ng "hawakan mo nga sa tenga" ng iba kong kaklase, at nauwi na nga ito sa suntukan. Hindi ko alam kung papaano kami naawat.

Hindi doon natapos ang suntukan namin. Dahil hindi ako makaget-over sa ginawa nya sa gagamba ko, kinabukasan ay gumanti ako. Habang break, inubos ko ang laman ng malaking lalagyan ng paste ko at nilagay ko sa isang papel, sabay punta kay Palito na noon ay nakaupo lang. Binatukan ko si Palito habang nasa kamay ko ang papel na punong-puno ng paste. Hindi sya nakapag react agad, nagulat sya. Mabait akong bata, pero lintik lang talaga ang walang ganti. Mangiyak-ngiyak nyang tinanggal ang papel sa ulo nya at maghapon syang nagtatanggal ng paste sa buhok. Hindi sya nagsumbong sa titser, pero pagkatapos ng klase ay nag-aya syang magsuntukan kami sa bukid sa likod ng eskwela. Lalaki sa lalaki. Kaming dalawa lang ang usapan. Pagdating sa bukid, takte, ang daming estudyante na hindi namin kilala. May iba rin palang nagsusuntukan, haha. At iyon nga, habang may nagsusuntukang iba ay nagsuntukan narin kami habang may bitbit na bag. Syempre, ako ang nanalo. Kwawa siya sa akin. Simula noong huling sapakan namin ni Joel Q (ay si Palito pala), hindi na nya ako ginulo. Hindi ko narin sya tinigilan, este, ginulo.

May magaganda rin namang bagay na nagyari noong grade 4. Dito ako natutong magdrawing at gumawa ng komiks sa likuran ng mga notebooks, dahil narin sa impluwensya ng mga kaklase at kaibigan ko na sina Danmilson at Ogie.  Paborito kong idrawing sila combatron at son gokou.  Dito rin ako nagkaroon ng seryosong crush - Si Aiza. Hindi na ako mahihiya kahit mabasa niya to, bata pa kaya kami noon! 

Pahabol.  Dito ko rin unang nadiskubre ang baho ng mga public school pagdating sa mga achievement tests laban sa iba pang public elementary schools.  Hindi ko alam kung anong tawag noon sa exam na 'yon, pero ilang beses ako nag-take ng exam gamit ang pangalan ng ibat-ibang estudyante.  Hmmm.... Pampataas ng over-all performance ng eskwelahan.


Grade 5:

Nalipat ako sa section 1. Medyo na culture shock ako noong una dahil hindi ako sanay na panay matatalino ang kaklase ko. Nakasanayan ko noon na naglalaro lang ang buong klase kapag breaktime., pero doon ko lang nalaman na iba pala ang kultura sa honor section. Mas mukang seryoso ang mga estudyante. Wala na noon si Aiza dahil lumipat na sya sa private school, kaya nakahanap ako ng bagong crush(es) - Si Christia L at si Sheila Marie C. Ang room namin ay doon sa pinakamagandang room sa main building, malapit sa principal's office kaya bawal mag-ingay ng malakas. Swerte kami sa room, pero may kaakibat din itong kamalasan. Kapag may meeting ang mga school officials/teachers/visitors, room namin ang laging ginagamit. Ang bagsak namin - doon sa malawak na waiting shed sa quadrangle. Kamusta naman, doon kami nakaupo sa maalikabok na semento/hagdan ng quadrangle.  Pero tuloy parin ang klase. Actually, masarap naman kahit papano ang pakiramdam ng magklase sa labas ng room. Mas malaya ang pakiramdam dahil mas marami kaming nakikita sa labas at hindi lang panay muka ng titser at blackboard. Minsan naman, pagsuswertihin, doon kami ini-evacuate sa library. First time ko makapasok sa library noon. Di ko talaga maintindihan, pero doon lang sa public school namin ata ang library na bawal ang estudyante sa loob. Nakakapasok lang ako ng library noon kapag doon kami nagkaklase.

Nagkasakit ang driver ng tricycle service ko kaya nawalan ako ng service noong grade 5. Hindi na ako kinuha ni tatay ng bagong service dahil malaki na raw ako.  Meron akong kaklase na sa tapat lang ng compound namin nakatira, at hatid-sundo siya lagi ng lolo nya na may traysikel,  kaya kinaibigan ko sya. Si Ramon. User friendly lang ako. Kaya ayun, libre sakay narin ako pauwi. At ang natitipid ko noon sa traysikel na pamasahe, pinang-vi-video ko sa may Bergado kapag weekends, sa kanto ng Montillano, Alabang. Favorite ko noong video ay Street Fighter at Samurai Showdown.  Baligtad pa noon sa video ang pangalan ni Vega at Balrog ng Street Fighter. 

Noong grade 5 ako nagsimulang matutong mag gitara, kasabay ng kaibigan ko at schoolmate na si Noel. At dahil naawa si tatay sa akin dahil nakikigitara lang ako, binilhan nya ako ng sarili kong gitara. Walang marunong tumugtog noon sa klase namin ng gitara, kaya feeling ko ay ang galing-galing ko. Gusto ko rin noon na matuto mag piano, pero dahil nga mahirap lang kami, hindi nasunod ang wish ko kay santa claus na magkaroon nito..


Grade 6:

Section 1. Tumindi lalo ang kompetisyon sa honor section dahil graduating na. Pero wala parin akong pakialam. Chill lang. Mas madalas ang petiks mode namin noong grade 6 dahil graduating na. Dahil honor section, madalas kaming maimbitahan ng ibat-ibat private high-school. Special ang treatment. Minsan kami ang pumupunta sa school nila, minsan naman ay sila ang dumadayo sa amin. Lahat ng ate ko ay sa isang Catholic School nag-aral at alam kong doon na rin ako mag-aaral ng highschool. Pero isang araw, may dumating sa room namin na representative ng isang private school for boys - Southrigde School of Alabang. Tradisyon pala nila ang magbigay ng scholarship sa mga male students ng honor section sa mga public schools. Ang requirements - no grades below 85%, ipasa ang exam nila, at dapat ay medyo may kahirapan sa buhay ang mga magulang/pamilya. In short, yung medyo walang kapasidan na makapag-aral sa private school. Nagpunta kami sa school para magexam - at ampota, sosyal ang students! Sanay kami na nakakakita ng mga batang nagtatakbuhan sa labas ng classrooms, pero hindi kami sanay na mga inglisero ang estudyanteng nagtatakbuhan at labang tide ang mga uniform. Mga taga Ayala Alabang at Alabang Hills kasi karamihan ang estudyante.  Mga may kaya at angat sa buhay, at mga spokening-dollars.  Pumasa ako sa exam, pero dahil maganda ang trabaho noon ni tatay, hindi rin ako nabigyan ng scholarship. 5 lang ang nakapasok sa scholarship. Ang ending, sa catholic school din ako napunta.

Pinakamemorable ay ang graduation. Nagstart ang graduation ceremony mga bandang alas-kwatro Maraming pasakalye, bago ang awarding of honours at ang pagtanggap ng diploma. Ang section namin ang unang umakyat ng stage. Cool lang kami lahat - ninanamnam ang bawat sandali sa stage. Pero, potah - pasado alas-nuebe na nang matapos tawagin ang lahat ng estudyante. Imagine...21 sections ang grumadweyt...mahigit isang libong estudyante ang tinawag, kumaway, nagmoment, umiyak, at nagpapicture sa stage - isa-isa!!! Nyeta! Pancit lang ang hinanda ni nanay noong grumadweyt ako.  Pero dahil naibenta ni daddy ang kanyang sasakyan noong panahon na yon, binilhan nya rin ako ng bisekleta. Grad gift. Para daw sa pagiging mabuti kong mag-aaral. Ayaw nya akong bilhan ng bike noong una, pero nagdrama ako. Bata pa ako noon, at feeling ko madami kaming pera dahil nabenta ang kotse. Gumana naman ang pagdadrama ko at nakuha ang inaasam na bmx. XD  Gusto kong palagyan noon ng rotor ang bike ko pero hindi na ito nasunod, mahal kasi ang mag-upgrade.

Malamang-lamang ay nag skip-read ka kung andito ka na sa huling talata. Alam kong walang moral ang kwento, pero wala akong pakialam sayo. Hahaha. O sige na, sa susunod susubukan ko naman ang highschool - mas maikli yun dahil hindi ko natapos ang highschool ko. Hahaha.. joke lang.

Byerts!






P.S.  puta - ito na yata ang pinakamahabang walang-kwentang-lathala na naitipa ko dito. Ipagpaumanhin nyo.  salamat din kung binasa mo ng buo, haha. XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails