[Busy-busyhan mode nitong mga nakaraang araw kahit wala naman talagang ginagawa]
Noong isang araw, habang ako eh abala sa kung ano, narinig ko si mama na sumisigaw - si tita mo! Nagulat naman ako, di ko alam kung ano nangyari, at sinong tita ko ang tinutukoy nya. Nanonood pala si mama ng Eat Bulaga, at doon pala nya nakita si tita na hindi ko na papangalanan dito. Sumali pala yung tita ko dun sa Juan for all - shit ng Eat Bulaga, at nanalo sya ng 10K (alam mo yung pakulo na may dadalhin ka na kung anong bagay tapos tatayo ka dun sa pila na de-numero, tapos bubunot sa studio ng numero at ang mabubunot ang maswerteng mananalo? ayun yown). Nanay ko talaga oh, kung makapagreact naman akala mo sya ang nanalo ng pera. Syempre lumapit naman ako agad sa tv, bihirang pagkakataon kasi na makakita ako ng kakilala o kamag-anak sa teevee...oo, aaminin ko, medyo naexcite din ako. Confiiirrmed, si tita nga, at may bitbit pa na tatlong plastic bottles, flashlight, at ulam - kapalit ng sampunlibong piso.
Swerte ni tita, pero sa totoo lang, sana ibang tao nalang ang nanalo. Wala akong inggit o galit sa kanya ha, hehe (close kaya ako sa kanya), ang akin lang kasi, mas maraming nangangailangan ng sampunlibong piso doon sa lugar nila higit sa kanya. Marami na kasing pera si tita, bukod pa sa water refilling station at mga pampasaherong jeep niya, at sa mga pinapasadang taxi at pinaparentahang eroplano. Pampasweldo nya lang sa mga katulong nila ang sampung libo na iyon eh (biro lang tita...peace, hehe). Joke lang yung taxi. Pero ok na rin na nanalo sya. Mainam din naman ang ay may extrang cash. Joke lang din yung eroplano, syempre.
Nagtanong naman si bunso, kailan daw kaya pupunta sa lugar namin ang Eat Bulaga. Mukang hindi ata narinig ni bunso ang tanong nya.
Bago ko pa makaligtaan -
HAPPY ANNIVERSARY YFFAR'S WORLD!
Dear Bloggie,
Dalawang taon na rin tayong magkapiling sa sangkablogosperyohan, akalain mo yun?! Sa lahat ng datkom ko simula noong 2005, ikaw lamang ang nagtagal ng dalawang taon, kahit na madalas ay hindi sapat ang oras at atensiyon na ibinibigay ko sayo. Pero, napansin ko, may mangilan-ngilan naring tao na dumadalaw sa iyo! :-) Dati kasi, tanda mo, parang tayong dalawa lang ang nag-uusap dito at muka tayong tanga. Kung sabagay, 'yon naman talaga ang layunin natin noon diba, ang bumuo ng mundo na para sa atin lamang dalawa, kalakip ng lahat ng ka-emohan at kabiguan natin sa buhay? English pa nga ang medium natin noon at iisang tao lang ang dumadalaw sa atin, kaibigan ko pa sya, at hindi pa sya nag-iiwan ng comment, haha.. Panay negavibes kasi tayo noon eh kaya walang gustong tumambay. Pero hindi na ngayong taon. XD (at talaga namang siningitan ko pa ito ng liham para sa iyo)
Oh sya, tama na ang pakikipag-usap ko sa sarili. Sa totoo lang, masaya ako dahil dalawang taon na ang kuta ko at mukang magtatagal pa ito (kaya mo pa diba?), lalo na ngayong meron ng limang tao na napapadpad dito paminsan minsan (yey). Maraming salamat sa inyong lahat! Pagpasensyahan nyo na kung minsan (o madalas) ay masyadong mahaba ang aking mga komento sa blogs ninyo. Nasabihan na kasi ako minsan na para daw akong gumagawa ng blog sa blog ng iba, haha, sorry naman. Iniiwasan ko na iyon ngayon. Nais ko ring humingi ng paumanhin kung sa inyo ay tunog-nagmamarunong ako sa pagbibigay ko ng komento sa inyong posts. Opinyon ko lang naman (at kung minsan ay sarili kong karanasan) ang aking binibitiwan sa comment box, isang paraan ng aking pagpapahayag kung sang-ayon ako, o kung nagustuhan ko man o hindi ang nabasa ko sa inyong datkom. Sana ay huwag masamain kung magbanggit ako ng ilang bagay na taliwas sa ipinapahayag ninyo sa inyong posts.
Tuwiran ako kung magkomento, ngunit hindi ko kailanman intensiyon na makasakit ng iba, kaya LAGI kong pinipili ang mga salitang ginagamit ko. Kung taliwas man ang komento ko sa anumang pahayag ninyo sa inyong post, hindi ito nangangahulugan na mas magaling ako kesa sa inyo kaya wag sana ninyong masamain. Hindi bat mas mainam na makakuha ng komento na may talino at laman lalo na sa mga usaping seryoso, kesa makakuha ng mga komentong nakikipag-kiss-ass lang naman talaga para lang makahirit ng "follow my blog naman po"? Hindi ba?
Kaya rin siguro wala gaanong bumibisita dito - bukod sa boring ang mga pinaglalalagay ko, eh mahina pa akong makipag-kiss-ass sa ibang bloggers. :-(
May nagtampo kasi sa aking blogger at mukang tinanggal talaga ako sa kanyang blogroll nang dahil sa isang komento, hehehe. Oo, napansin ko talaga ang pagkawala ng link ko dahil madalas akong mapagpad sa datkom nya. Nandun 'yon dati pero biglang nawala, hehe. Pero hindi naman ako galit.
Pasensya na kung hindi mo nagustuhan ang komento ko. Hindi ako nagmamarunong at lalong HINDI ko sinasabi na mali ka sa iyong punto. Nais ko lang naman na ibahagi ang aking pananaw tungkol doon. Alam kong WALANG MALI sa binitiwan kong komento (oh eto ha, wala itong bahid ng pagmamarunong at pagmamayabang. Sinasabi ko ito ayon sa pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko; sa kung ano ang alam kong tama at hindi.) Hindi mali ang magpahayag ng pananaw kung sa maayos na paraan ito gagawin - na sa tingin ko eh ang ginawa ko. Simpleng komento lang naman ang ginawa ko eh, nagkataon lang na taliwas ito sa nabanggit mo sa post mo. Gayun pa man, humihingi ako ng tawad sa'yo. Hindi ko alam na sensitibo ka pala sa mga taong sumasalungat sa iyong pananaw. At para hindi ka na mabadtrip sa aking matapat-at-bukal-sa-puso na mga komento - hindi na lang ako magko-comment sa blog mo. Ayoko naman palaging "i agree" o "oo nga" na lang ang magiging komento ko sa blog mo. Mahirap 'yon.
Sa mga napapadpad dito, maraming salamat sa inyong lahat. XD
25 comments:
kahit minsan hindi ako nagisip na nagmamarunong ang isang tao pag mahaba ang comment...mas kinagagalak nga ng puso ko pag mahaba ang comment kasi isa yun na sign na naintidihan at nakarelate ang isang mambabasa sa sinulat mo.
ang masama ay yung mahaba nga ang comment pero wala namang karelasyon relasyon sa post mo...eh gusto niya lang i copy and paste ang draft niya para sa new post.ahahahaa...
happy anniversary po sa inyo..ang painting mo hinhintay ko pa rin..wag ma pressure...I can wait.lols
wahahaha! XD hindi pa ba ako dapat mapressure sa lagay na 'yan? hehehe... o siya-siya. balang-araw, pagnagkita tayo (taguan ito) bibigyan kita ng sample, wag kang aangal kung panget ha dahil hindi naman ako totoong pintor at isa pa wala namang bayad! (wala na sanang mam-pressure na iba pagkatapos mo, haha. XD) salamat sa pagbati glenn! XD
i agree. oo nga. hehehe.
dahil gullible ako ng onte, medyo 5 mins after pa nagregister ang pinaparentahang eroplano. ako naman si tange, inisip ko, pwede pala parentahan yun? haha.
''oo nga''
hahahah raffy happy anniversary sa yo!!!
hanggat may nagbabasa go lang ikaw nang go....dahil kapag tumigil ka may malulungkot...
isa na ako dun...
heheheh matouch ka naman sa message ko...heheheh
Happy birthday sa blog mo!
Tungkol sa Tita mo. Meron lang talagang mga taong maswerte. Dami niyan sa kumpanya namin. Mayaman na sila pa nananalo pag may paraffle. (bitter lang.. hahaha)
Yung tungkol sa mga comments, wag ka paapekto dun. Meron talagang mga tao na hindi sanay na sinasalungat sila. blog naman nila yun, kung ano gusto nila isulat, hayaan mo lang sila. :)
@nyabachoi - hahaha, ikaw talaga. XD meron din silang barko for rent, extra charge pag may kapitan, hehe. XD
@jobo - salamat sa pagbati! haha, natats naman ako, at sa totoo lang, kinilig ako ng slight, hehe, salamat ng marami! XD
@gilbert - thanks sa greeting! magkasama tayo sa bitter-team, haha. XD tama - at hahayaan ko na lang talaga. live and let live. XD
happy birthday sa blog..
at dahil dyan..
parent naman ng eroplano ng tita mo?
pede????
:))
pwede...pero depende, saan ba ang byahe? XD salamat sa pagbati cheenee! XD
weeeehhhh???!!! hahahahah
mas gusto ko ung comment na mahaba na pinag-isipan hindi ung basta batsa na lang nagcomment.
tinignan ko agad ang list ko... wahhh sorry nawawala ka sa list ko, nawala kasi ung list ko nung nag datcom ako, feeling ko ako ung tinutukoy mo (feelingera?lol) dahil sa last comment mo sa kin, mas gusto ko nga yung ganung comment ung hindi palaging oo.. sana nagkataon lang.. pero hindi ako ganung kababaw para magdelete dahil lang sa comment haha
Toddler na ang blog mo!! Waaaah naka-relate naman ako ng marami.. kase blog ko din eh.. two years old na nung january one..pero dahil ang dami ko ng kwento tungkol sa bagong taon..parang ang korny kung sasabiihin ko na happy birthday..
kase may happy new year
may 100th post
tapos may mga patungkol pa sa kin..
kaya di ko na lang ginawa..
tas ganun din..wala din dumadalaw..may pa-english english pa daw na nalalaman.. at puro hinanakit at sama ng loob... kaya nga feeling ko wala dumadalaw dahil dun..
mahabang comment? masama ba ang mahabang comment? totoo lang gusto ko nga ng mahabang comment eh..
hay... nagrereklamo pa sila nagcomment na nga...
hahaha.. naku kung may mga tao na ayaw ng mahabang comment? ano na lang gagawin ko? eh mahilig ako mag comment ng mhaba..?? x(
hahahaha...
hellow raffy
@jobo - aba...sumasabat pa? hahaha XD
@ro anne - waaaaaaaah, naku naku, hindi ikaw ms ro-anne! XD parang nahiya naman ako ng bigla ng bunggang-bungga na inisip mong ikaw 'yon, hehehe, at napacheck ako agad sa kung ano nga ba yung last comment ko sa blog mo, haha! isa lang yan sa mga tinutukoy ko na komento, but it's not it, definitely. recently lang ang tinutukoy kong comment (just a week ago, at sumagot si blogger sa komento ko kaya alam kong may poot sya sa akin, hehe, otherwise hindi ko malalaman na may tampo sya), nung dec23 pa yung huling bakas ko sa 'yo eh. tsaka wala naman talaga ang link ko sa blog mo dati pa, haha (at nakikita ko na ito ngayon, hehe. salamat ng marami!) XD at talagang nag-explain pa ako sayo, hahaha. XD
@kamila - happy birthday din sa iyong bloggie! XD wahahaha, parehas tayo, kasi may kahabaan din ako madalas mag-comment. pero pansin ko hindi naman masyadong mahaba ang comment mo ngayon eh, konti nga lang ang sinakop na space eh, oh. hahaha. XD
nahihiya na ako magcococomment kahahaba kasi nang mga comment nang iba...kayo na...hahahaha raffy naalala mo ba yung taba awards? ninominate kita na friendliest blogger kasi dumidiskarte ako nang painting mo?...naku ako lang nagnominate sa yo...nasira tuloy ang plano kong huthutan ka nang bulaklak heheheheh pero ito ang bad news talaga tatawanan mo ako dahil sa pagnominate ko sa aking sarili kasali ako sa top 3 hahahahahahahahahahahah
Hindi ko na tatanungin kung may eroplano, barko at ano pang yaman ang tita mo. Ang tanong ko lang naman... single pa ba siya? Juk! Happy birthday sa iyong blog.
@jobo - WAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAAHHAAHAHAHHAAHHAHAHAHAHA!!!congratulations jobo!!! XD mabuti na lang talaga at ibinoto mo ang sarili mo, haha. XD
wag mo na ulit akong iboboto sa ganung kategorya dahil hindi naman ako friendly. ayokong mapressure magpakafriendly! XD
wow naman, marami palang nagnominate sa bukas na liham mo kay kemelou eh. boboto pa ba ako sa entry mo? kahit hindi na, tiyak na naman ang tagumpay ni kemelou eh. XD uy, dapat gumawa ka ng bagong entry pasasalamat kay kemelou, hahahaha. XD (eh ano kung mahaba koment ko, blog ko kaya to, haha)
@sean - hahaha sure ka ba dyan? 4 na ang apo ng tita ko! XD haha
i like this entry.. i like your blog kuya... (ahaha kuya agad, feeling close? haha... ung name mo kasi, halos napagkakamalan din same ng name kong "ralphy".....)
anywiez, regarding your comment bout comments... tama naman mga pinagsasabi mo eh. Lahat ng tao, may kanya-kanya point of view sa bawat comment na yun - depende kung pano nila iinterpret yun. I believe na open-mindedness lang ang kelangan.... walang personalan. hehe... (nakikiuso sa haba ng comment sa page moh. ahaha... tenks for the space)
at bout dun sa tita mong may 10K, isa din akong sa higit na nangangailangn nun! ahahaha...
Happy Happy Happy Blog Anniversary!!! Isang malaking achievement and more years to come pa sa blog mo hehe...
@leonrap - hehehe, salamat. XD hindi naman ako ganon katanda kaya pwede mo nang tanggalin ang kuya. psuedo lang ang raffy. it's not my real name. XD parehas tayo, kelangan ko din ng 10K, haha.
@glentot - salamat sa pagbati! achievement talaga? hehehe, more years to come pa nga sana! XD
Happy Anniversary sayo at sa blog mo! :)
sana magtagal ka pa sa blogging world. mukhang nag eenjoy ka na rin naman sa pagsusulat at kung ano man yung nakaraang emo posts mo eh wala na yun. moving on at positive outlook na.
congrats!
at talagang pinangalandakan mo mo na ninominate ko ang sarili ko...gusto mo paghahahampasin kita nang marshmallow at lagyan nang glitters sa mata...tulad nang gusto kong gawin kay kemelou?....hehehehe
andami mong fans...at dadami pa kami dahil magaling ka
...at bibigyan mo ako nang painting...hehehe happy anniversary ulit!!!!
@sir gasti - naku, maraming salamat sir! XD muka namang magtatagal pa nga ang blogtrip ko. XD
@jobo - wahahaha, bat ba palagi na lang akong natatawa sa comments mo?...naalala ko na naman tuloy ang malandi mong paraan ng pagto-torture! haha XD uy, magpasalamat ka kay kemelou pag nanalo ka! utang mo yan sa kanya!
kamusta naman ang painting?.nagsisipsip lang yang si jobo para sa painting..
@jobo: ang arte mo..kahit kelan ka..kala mo petite!:))
@YFFAR eh sa kelangan ko nang pandekorasyon sa malungkot kong kuwarto eh...lage mo sinasabi na pasalamatan si kemelou pag nanalo...mamaya mausog...naku kasalanan mo talaga...
@cheneepot...hindi ako maarte...hindi ako feeling petite....umaasta lang ako nang ayon sa aking hitsura hahahahahah
kunwari lang...
gawin bang chatroom ang comment box ni yffar...
Buti ka pa at sinipag kang magbigay ng saludo sa blog anniversary mo. Ako magtatlong taon, tinamad at kinapos ng isip sa mga bagay na ibig kong ibulalas sa mundo. May mga umpisa pero hinding-hindi ko matatapos. Sulat na walang katapusang umpisa.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong silipin ka dahil ako ay isang anod.
Happy Blog Anniversary.
Post a Comment