Tuesday, January 4, 2011

Mon Objet D'Art V [yeah, i think i need to put up a new site for my paintings]

Kahapon ko talaga balak gumawa ng panibagong pinta, pero nagkaayaan bigla sa bahay na manood ulit ng sine.  Si Creamer ang dapat kong kasama na manonood ng Dalaw (takte sakit sa batok ng tili ni kris, ampanget pang umarte), pero dahil wala naman akong pera at ayaw ko namang magpalibre sa kanya, sinabi ko na ipagpaliban nalang muna namin ang movie-date.  Prinsipyo ko yan sa buhay - hindi dapat kelan man nagpapalibre ang lalake sa babae (pero kapag kapatid ko ang manlilibre, ok lang, nyahaha). Madalas ay gabi ako gumagawa dahil mas sanay ako na gising sa gabi dahil narin sa nagdaan kong trabaho (hindi sa putahan, pero parang ganun narin ang nature) pero tinamad ako bigla, medyo nandidilim kasi ang paningin ko.  Pakiramdam ko ay mas mabilis na tumatanda ang mga mata ko.  Bihira na nga ako magbasa ng libro ngayon sa dilim eh, at kumakain na rin ako ng kalabasa at kerots at iba pang gulay na pampalinaw ng paningin, pero parang hindi naman gumagana.  Oktubre lang noong 2009 ako nagpagawa ng bagong antipara, tapos ngayon parang kelangan ko na naman ng bago.  Pfft.  Magpapagawa na lang siguro ako ng panibago pag nagkapera na ulit ako.

Iniisip kong baguhin ang psuedo ko, o ang pangalan mismo ng site na ito.  Kasi, errr, nitong mga nakaraang araw, nadiskubri ko na meron din palang ibang blogger na gumagamit ng pangalang yffar at raffy (at napakaselfish ko talaga para isiping ako lang ang pwedeng magtaglay ng pangalang yan sa sangkablogosperyohan, haha).  Hindi naman sa pinagdadamot ko ang pangalan ko, ang akin lang naman eh, sa mundo kung saan hindi naman lahat ay kilala ako sa drama ng totoong buhay, tanging pangalan ko lamang ang maaarin kong iwanan bilang bakas ng pagkakakilanlan.  Hindi ko na ieexplain ng husto.  Pag-iisipan ko muna kung dapat nga ba akong magpalit-ngalan, o kung paninindigan ko nalang na isa lamang ako sa mga bloggers na may napakasimpleng pangalang yffar/raffy.  Pfft.

At para paikliin na nga ang mahabang pasakalye, dahil nahihilo nga ako kagabi, kanina na lang ako nagsimulang gumawa ng panibagong artwork.  Dyaran!

"untitled" Acrylic on 20x16 inch canvas.
Floral abstract using large brush strokes.  It was fun creating this. XD

Isang klase ng brush lang ang ginamit ko dito (1 inch brush), at natutuwa ako na maayos ang kinalabasan ng eksperimento ko.  Mas makulay yung nauna kong ginawa na still-life, pero parang mas gusto ko ang isang ito kasi mas nag-enjoy ako sa pag-gawa nito, kaya naisip ko na ito nalang ang ibibigay ko sa kaibigan kong ikakasal sa susunod na linggo. XD

Matatagalan pa bago ko masundan ito.  Wala na kasi akong canvas.  Marami pa naman akong oil at acrylic paints, pero ibat-ibang shades lang ng green, yellow, at red.  Kung marami lang sana akong pera pambili ng canvas/plywood/cardboard, mas mapapadalas ang pag-eeksperimento ko.  Kaso, kailangang magtipid, so tiis muna sa libog ko sa pagpipinta, haha. XD

Byerts!



7 comments:

JoboFlores said...

kung ako ang masusunod uunahan kitang gawarang nang national artist award bago si dolphy...pero siyempre pa pasweet lang yan...hehehe pero magaling kang lalake at mahilig ka sa bulaklak...hehehe

Superjaid said...

wow ang ganda naman ng painting..wala akong talent sa arts eh kaya supeer saludo ako sa mga tulad mong magaling sa pagpinta or sa pagdodrawing..^^

Kamila said...

ang gondooo ng painting..inggit much.

ano nga ba sasabihin ko? ah yun tungkol sa mata. ewan ko. pero wag ka masyado o madalas mag-padagdag ng grado.. kase tatagal at dadagdag pa din yan.. nag simula ako sa 150..halos 500 na ako ngayon.. legally blind... tapos hindi na ako nag-papadagdag (sa mata ito ah) hanggang 450 or 475 na lang lage... kahit na minsan an labo na din..may astigmatism pa..

tsaka title lang ba ng blog papalitan mo? kung sakaling magpalit ka ng url.. ipag bigay alam lang.. x)

Yffar'sWorld said...

@jobo - salamat! hindi ako mahilig sa bulaklak, yan lang kasi ang kaya kong ipinta.

@jaid - salamat! ako din naman, sinusubukan ko lang kung kaya ko, hehe. mukang kaya naman kahit papaano. XD

@kamila - thanks! more than 10 yrs na ako nagsasalamin and i know what u mean. XD yung grado ng mga ginagamit ko ngayon eh parehas lang nitong nakaraang tatlong taon. mataas din astigmatism ko (doble ng figure sa grado). ayoko naman magpalaser (actually wala lang budget, nyahaha). XD salamat

Vajarl said...

Talaga namang naiinggit ako ng bonggang bongga pag nakakakita ako ng nabiyayaan ng pagka artistic! ANg pinaka maayos na nagawa ko eh yung nag drawing ako ng Pokemon nung elementary ako. Haha.

Buti nalang exotic ang pangalan ko. Wala kong makakapareho. Kung meron man, nasalvage na.

Steph Degamo said...

mahilig ka rin palang mag color color ng flower. hahaha. mahilig rin kasi ako, yun nga lang gamit ang colored pencil. LOL

Yffar'sWorld said...

@vajarl - haha, nakakatakot ka palang maging kapangalan. XD salamat sa pagdaan dito! XD

@ester - wala akong tsaga sa colored pencil, masyado kasing effort ang pagdrawing. mas gusto ko yung diretso pintura. XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails