Sabi nga nila, mas mabilis pumukaw ng atensiyon ang mga negatibo o di kaya ay mahalay na titulo. Halimbawa, pag nilagyan ko ito ng titulo na "Patnubay ng Magulang ay Kailangan", magtatanong ka kung bakit kailangan ng patnubay ng magulang at lalong lalalim ang interes mo na malaman ang nilalaman nito, o kaya pag ang title naman ay "Bawal sa Pinoy", magtataka ka kung bakit bawal ito sa Pinoy kaya babasahin mo ito. Ne-excite ka siguro. Pasensya na, pero hindi ito tungkol sa pagtatalik. Char-char lang yan. XD
Pero kapag nagkatrabaho na ako, pwede kitang ayaing magsex. Ilang beses din kaming nagsex ng mga katrabaho ko dati. Oo, merong Sinangag EXpress malapit sa opinsina namin dati. 24 oras yan bukas kaya pwede tayong magSEX kahit anong oras. XD
| Eto ang tinutukoy kong SEX. (larawan mula dito) |
Bakit nga ba ako nagsulat ngayon? Mula kasi sa aking pagba-blog-hop kanina ay napadpad ako sa datkom ni jkulisap. Mag-iiwan sana ako ng komento sa kanyang huling post, pero, gaya nga ng madalas mangyari, napahaba na naman ang comment ko (oo, kung minsan ugali ko ang magcomment-ala-post sa blog ng iba) - kaya naisipan ko na lang na gumawa ng isang buong post imbes na mag comment.
Ang tanong: Bakit nga ba madalas nating gamitan ng mga salitang panghalili ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa usaping sex? Halimbawa, imbes na tite ay talong, junior, batuta, at iba pa, ang itinatawag natin dito. Ganundin sa pambabaeng kasarian - merong mani, tahong, talaba, at marami pang iba. Ang sarap di ba?
Eh bakit nga naman binigyan pa ng pangalan kung hindi rin naman ito tatawagin sa tunay na pangalan? Sa tingin ko wala naman sa pangalan yan, kundi sa kahulugan ng mismong bagay. Isipin mo, kung ang kilala mong talong ay tinawag na tite, at ang nakalawit sa pagitan ng binti mo ay bininyagang talong - hindi bat tite naman ang itatawag mo sa talong? (Sana ay naunawan mo ang paghahambing ko.)
Pero kung ikaw ang tatanungin ko, komportable ka ba na sabihin ang mga salitang iyan sa harap ng ibang tao? Halimbawa, sa teacher mo sa school, o sa pari nyo sa simbahan, or sa babaeng nililigawan mo, o kahit na sa mga kapatid o magulang mo, kaya mo kayang sabihin na, "malaki ang tite ko" nang hindi nagtutunog malaswa? Yung parang tunog "malaki-ang-kamay-ko" lang?
Malamang ay hindi.
Maging ako ay hindi kayang sabihin ang mga salitang tite at puke ng harapan sa ibang tao, lalo na sa mga hindi ko kilala. Hindi naman sa naaasiwa akong sabihin ang mga ito. Aba, kating-kati kaya akong sabihin at ipagkalat na malaki ang ano ko (ang alin?). Pero hindi ko ito kayang sabihin sa ibang tao ng diretso. Ito'y bilang "respeto" sa mga nakakarinig. Oo, ito'y pagpapakita ng respeto sa iba. Hindi kasi lahat ng tao ay bukas ang isipan sa pagtanggap sa mga ganyang salita o pahayag. Maaring hindi ito mahalay at normal lang para sa iba, pero hindi parin natin maikakaila na ang mga pahayag na tulad noon ay maaaring offensive para sa iba.
Kung tama man ito o mali, nasa kanya-kanyang pananaw na yan ng mga tao, base narin sa kung ano ang kinalakihan nila bilang moral at imoral. Maaari kasing ang amoral (hindi moral at hindi rin imoral - gaya kapag terminolohiyang medikal na ang usapan) para sa isa ay imoral pagdating sa iba. Kaya para hindi makasakit ng iba, o makabastos (bastos - pumapasok ulit dito ang kinalakihan ng isang tao, kung moral o hindi ang isang bagay), nakaugalian na natin na gumamit ng mga panghaliling salita. Ang iba naman, ginagawa ito para sa katuwaan lamang.
Pero, kung kami-kami lang nga mga kaibigan ko ang nag-uusap, normal lang na mapag-usapan ang sex, walang hiya-hiya at walang pag-aalinlangan, dahil lahat naman kami ay nagkakaunawaan.
Sa usapang sex education naman - sang-ayon ako dito. Sa totoo lang dapat ay magulang ang gumagawa nito. Sa tingin ko ay mas nagiging makabuluhan at importante ang "mga aral" kapag nagmula ito sa mga mismong magulang o guardian ng bata, kumpara kung ito ay galing sa guro. Ito'y personal na pananaw lamang, dahil noong bata ako ay mas nakikinig ako sa mga magulang ko higit sa mga guro ko. Pero kung ang ibang magulang naman ang tatanungin, marami parin sa kanila ang hindi handa sa ganitong usapin at mas nanaisin pang mga guro na lamang sa paaralan ang gumawa ng tungkulin. Pero maging sino man yan, magulang o guro, ang importante ay magkaroon ng wastong paggagabay. Dapat habang bata palang ay itinuturo na sa mga bata na hindi normal ang hawakan ng ibang tao ang kanilang maseselang parte ng katawan, at kung mangyari man ito ay dapat magsumbong agad sila sa ibang nakatatanda. Ganyan kami pinalaki sa Australia (jowk). XD Maraming kaso narin kasi dito sa bansa natin ng mga batang naabuso dahil sa kakulangan sa kaalaman ng kanilang karapatan. Hindi naman ang aktuwal na "sex" ang ituturo, kundi ang mga realidad na sumasaklaw dito na hindi dapat ipagwalang-bahala. Kailangan lang talaga ay tamang ipormasyon na may aral at hindi kwentong-libog lang. Ayoko nang ungkatin pa kung ano-ano nga ba ang mga tamang paggabay. Alam mo na yan. Matalino ka di ba? Huwag mo sanang masamain kung anti-sex education ka. Hindi kita tatawaging bobo. kasi nga, gaya ng sinabi ko kanina, maaaring ang normal para sa akin ang imoral para sa iba. So kung anti-sex education ka, irerespeto parin kita, basta wag mo lang akong sasabihan na imoral dahil lang sa pabor ako dito.
Tinatamad na ako. Kasi naman dapat comment lang ito, napahaba lang, kaya ayan ginawa ko nalang post.
Sige na, byerts! XD