Friday, December 31, 2010

Dear 2010...Goodbye! XD [and I really feel happy to be finally saying goodbye to you] [Happy New Year!] [Insert-another-title-here..XD]


While to some the end of the year is more appropriate for a retrospective (reminiscing-the-best-of-the-past-shitness-oo-na-kayo-na-ang-masaya-at-maraming-achievement-blah-hindi-ako-bitter-ha-hehehe), it is best, for me, to just let everything that happened this year go. My life has been kinda unpleasant (I was about to type shitty) in the past 2 years, and I sure don't want to drag all those negative vibes along with me in 2011, so I'll just let the negavibes go (before this blog gets too depressing for anyone to read).  (The word negavibe doesn't exist.  I just invented it, ok.)

(Now, I'm getting too comfortable {again} using parenthesis that I'm forgetting to type outside it).  (This is becoming habitual). (Cure me, please).

No matter how unpleasant the year was, as they say, "past is past", and I don't want to wallow in it.  Much like reading a book, turn the page when it's over!  I know life is far more complicated than reading a book, hmmmkei, but that's the best analogy I can think of at the moment (bite me).  Mistakes don't really matter, and what's important are the lessons learned - which must all be kept. You know, like a journal that one can go back to and read for self-help in case something unlikable comes up in the future. No advice beats one's own experiences.

So, as the year 2010 ends (yeabah), I want to sit down and put into writing what I learned this year. Let me share it with you:
  • Goals without action are called, errrr, fantasies.
  • The best way to get something done is to begin doing it.
  • Depression is different from dissatisfaction.
  • Whining about your misfortunes and feeling sorry for yourself will get you nowhere.
  • When you reach the bottom, learn to pull yourself up.  Otherwise, you'll just go sideways.
  • Life is unfair no matter where angle you regard it from.  Quit whining and deal with it.
  • Know what you want and be happy when you get it.  Contentment is the key to being happy.
  • Don't expect things that you're not willing to work for because you'll only get disappointed.
  • In choosing the right job/career, your heart has to really be in it.  It can't just be about money.
  • And when you get the job you want - keep it!  2 million Filipinos (or close to that number) are jobless, and they're out to get yours.
  • Knowing your weakness and acknowledging it will help you make yourself better.
  • Health is wealth. (dyan mo katulong ang bearbrand).
  • Say what you need to say and do what needs to be done.  Procrastination is evil.
  • Walk your talk!
  • It's not safe to assume that the people you like like you.
  • It's never safe to judge people by their appearance.
  • You make your own bed.  Make it comfortable.
  • Harsh words drill deeper in heads.
  • Depression is destructive.  Get a shrink if you must.
  • Interacting with fellow bloggers can be fun.
  • Mas maraming nagbabasa sa blog ko pag Filipino ang medium. (proven).
  • Karamihan ng nasa Followers sa gilid eh hindi nagcocomment (prove me wrong, com'on).
  • At yung mga wala sa Followers ang madalas magcomment (salamat sa inyo!)

So, there.  This will be the last post for 2010 (unless something super-extraordinary happens in the next hours before new year's eve), and I bid everyone a Happy New Year! XD  Huwag magpapaputok sa loob, sa labas lang! Teee heee heee. XD

Byerts 2010! XD


Friday, December 24, 2010

Fa la la la la, la la, la la...♫♪


[Aminin mo, sinubukan mong kantahin yung title] Sinubukan kong balikan ang huling post na ginawa ko noong nakaraang taon. Titingnan ko sana kung meron ba akong ginawang Christmas post o new-year-resolution-shitness o kahit ano tungkol sa pasko at bagong-taon, at kung nasunod ba ito o hindi. Wala pala. Balak ko pa ngang tuluyang patayin si bloggie noong mga panahong iyon. I-li-link ko sana dito sa post na ito ang ka-emo-han ko dati, kaya lang wag na, baka hindi mo pa tapusing basahin itong post na 'to. Napakaloser ko pala noong nakaraang taon - hanggang ngayon, haha. 'Yon lang, wala na ang dating bigat. Mas maluwag na ang kalooban ko ngayon dahil wala na akong inaasahan. Madalas kong marinig ang ibang tao na nagpapayo na dapat daw kinakalimutan ang mga masasamang bagay/alaala/guni-guni at suicide attempts. Wala akong balak na kalimutan ang mga kasawian ko noon dahil gusto kong manatili ang mga iyon bilang aral na maaari kong balik-balikan kung sakaling maharap ulit ako sa ganoong klase ng sitwasyon balang-araw.

Nagbackread ako ng posts ko noong Disyembre ng nakaraang taon.  Medyo nalulungkot ako sa katotohanan na hindi natapos ang 2009 ko na masaya, tapos ngayong 2010 eh, well, so-so lang, kung yung makalumang standard ko ang pagbabasihan. Walang engrandeng pangyayari eh. Parang, wala lang. Nabuhay lang ako ngayong taon para kumain at matulog at kumunsumo ng oxygen. Kung mamatay ako, tae lang, walang magiging laman ang CV ko na ibibigay sa Kanya.

Hindi ko talaga gustong pahabain pa ang post na ito. Gusto ko lang sabihin na, hindi gaanong maganda ang papatapos na taon, angat lang ng bahagya, mga dalawang level, kumpara last year, PERO (yes, may malaking BUT) - syempre, hindi ko naman hahayaan na magtapos ang 2010 sa napaka-loser na paraan. Gustong kong maging masaya! :-) Eh ano kung wala ako ng mga bagay na nais ko - meron naman akong nauuwiang bahay at pamilyang maaari kong balik-balikan ano mang oras, sakaling maubusan na ako ng batong maipupukol sa madugas na mundo. Hindi na ako magrereklamo sa madugas na mundo, dahil lahat naman ng tao eh nadudugas nya.  Quits lang kumbaga. Madugas naman talaga ang mundo eh. Kahit saang anggulo mo pa ito tingnan, hindi kailanman naging patas ang daigdig,  mapa-pinansyal, intelektwal, pisikal na itsura, lugar na pinagmulan, lahi, buhay-pag-ibig, size ng kwan, at marami pang ibang pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay ng tao.  Aminin man natin o hindi, meron talagang napapaboran.  Ang magagawa lang natin para maging mas kaiga-igaya at masaya ang mundo ay tanggapin ng bukal sa puso kung ano man ang ibinigay sa atin ng nagbigay (universe man yan o dyos ayon sa iyong paniniwala) - at ito ang nais kong gawin. :-). Sa ngayon, marami akong kakulangan sa maraming aspeto ng buhay - alam mo na, yung mga bagay na madalas tingnan ng lipunan, gaya ng malusog na bank account at kotseng minamaneho, magandang chick, at makisig na pangangatawan. Sa ngayon, masaya ako sa tahanan at malusog na pamilya, at sa bonus na mga kaibigan.  Kung iisipin, fair naman ang daigdig sa pagiging unfair sa mga tao.  Paradox?  Haaay, ayoko na i-explain.  Basta, hindi nalang dapat pag-aksayahan ng panahon kakamukmok ang mga bagay na wala sa abot ng ating kamay. 

Marami akong pwedeng kainisang mga pangyayari sa taong 2010, pero mas madami akong dapat ipagpasalamat. Isipin mo, 365 days akong gumising at natulog para lumamon kinabukasan! 365 na blessings na 'yon!  Thank you Lord!

O sya at humahaba na ang sinabi kong maikli lang na post. Bumabati ako ng Maligayang Pasko sa lahat ng nagpapasko sa inyo. Kung hindi ka man nagpapasko, kagaya ng kaibigan kong si Tobey, wag mo sanang masamain ang pabati ko na ang nais lang naman talaga eh mag wish ng isang magandang araw. XD


Kuha ito ng isang kaibigan sa Sitka, Alaska, noong nakaraang taon.  Yan ang view nila sa likod ng bahay.  Ayoko naman ng snow halos buong taon, pero gusto ko ma-experience ang snow kahit sa pasko lang. XD

Muli, maligayang pasko sa inyong lahat! Hindi pa ito ang last post ko sa taong ito. Hindi ako nakapagpaalam ng matino sa 2009, ayokong ulitin ito sa 2010.

Byerts!


Tuesday, December 21, 2010

Christmas Carols [at kung paano ito winasak ng mga batang wala sa tono at tamang huwisyo]


Ano na bang nangyari sa mga batang nangangaroling ngayon? Takte, wala na sa tono, mali na ang lyrics, uma-attitude pa! Nung nakaraang gabi, may grupo ng mga dalaginding (mga batang edad high-school sa tingin ko. Tipong mga no-longer-a-girl-not-yet-a-woman... base sa looks). Kumanta sila ng pinakasikat na pamaskong kanta na Sa May Bahay (ito ang madalas na unang kinakanta ng mga batang nangangaroling, na susundutan ng ♫♪we wish you a merry christmas, we wish you a merry chrsitmas♬♪... na susundan ng ♬♫tuwing sasapit ang pasko, namimili ang nanay ko♫♪... ganown). Nung makapwesto na ang mga batang chicks, mahinang bumilang ang isa ng 1-2-3-go, sabay, "♫♪Sa may bahay, ang aming bati, meri krismas na wawalhati...♫♪". Potah! Madalas kong marinig itong mali-maling paraan ng pag-awit ng kantang ito, pero madalas ko rin palampasin lalo na kung mga bata (as in bata - tipong sampung taon pababa) ang kumakanta. Pero yung grupo ng nangangaroling na nabanggit ko sa taas ay hindi na mga bata (sabi ko nga, kung tama ang estima ko, edad highschool na silang lahat). Di ko lang talaga alam kung matutuwa ba ako o maiinis o maaawa sa nakakahiyang katotohanan na hindi nila alam na wala sa Filipino dictionary ang salitang wawalhati (baka sa english or portuguese dictionary meron). (Teka, napapansin nyo rin ba, kung paano nagiging kumportable ang maraming manunulat na magsulat sa loob ng panaklong {parentheses}? Yung iba nga hindi na nila namamalayan na nasa loob parin ng panaklong ang pinagtatatype nilang shit. Sabagay, malamig naman ang panahon, hindi siguro masama na kumutan pati ang mga salita.)

(Mabalik sa mga nangangaroling). (Ayun nga, dahil nakatambay lang ako sa garahe habang patagong humihithit ng yosi na binili ko pa noong birthday ng kaibigan kong si Tonyo, nakita ko kaagad ang mga papalapit na carolers. Patay ang ilaw sa garahe kaya hindi nila ako agad nakita na nakaupo sa harap. Nakakailang linya palang sila sa kanta ay pinahinto ko na sila kaagad. Sayang ang effort nila dahil wala naman akong maiaabot, kaya imbes na patagalin ko pa ang pagkanta nila (na kasingkahulugan ng paghihirap ko sa pakikinig) sinabi ko na agad ang salitang ayaw nilang marinig... patawad. Mabilis pa sa 0.01 na segundo ay sumagot agad ang isa sa kanila na "ano ba 'yan?!" sabay talikod, na ginaya naman ng mga sugo nya. Uma-attitude???  Suplada ang mga punyeta, haha! Akala ko mali lang ako ng pagkakarinig sa pagsambit nila sa maluwalhati. Takte, paglipat nila sa katapat naming bahay, wawalhati parin ang kanta nila. @_@ Hindi pa ba nila naririnig ang salitang maluwalhati??? Hindi pa ba nila kailanman nabasa sa libro ang salitang luwalhati na nilagyan ng unlapi na "ma"?  O ang dalawang salita na "may luwalhati"? Wala naman sigurong textbook na may nakasulat na wawalhati (wala di ba?), pero bakit ganun nila bigkasin ang liriko ng kantang Sa May Bahay?) (Nakalungkot isiping maging sarili nating salita/awitin ay hindi alam ng karamihan ang tamang paggamit/kahulugan).

(Haaaay...)
hugot mula sa google image

(Hindi ko na rin naririnig ang tunog ng tambol na gawa sa lata ng gatas o ice cream. Pati narin yung mga pinitpit na tansan na binutasan sa gitna para itinuhog sa alambre, wala na ring gumagawa. Gumagawa ako ng mga ito noong dekada '90, noong elementary pa ako. May maliit kaming grocery (pinasosyal na sari-sari store) noon kaya sagana kami sa tansan ng softdrinks at beer. Yung lata ng gatas noon pinupulot ko lang sa mga basurahan sa paligid, lilinisan ng kaunti, tatakpan ng binatak na plastik ng SM o Lianas Supermarket gamit ang maraming piraso ng goma - at bwalaah!... tambol na! Yung drum stick gawa lang sa bananaque stick na may plastic at goma sa dulo. Bakit kaya wala ng gumagawa nito ngayon? Tatlo kaming madalas mangaroling noon; ako, si Noel, at si E-et (Ace na nung nagbinata kami). Kami ang tinaguriang batang-gwapings sa lugar namin noon. Anim na taon palang ako noon. Pinagtatalunan pa namin noong una kung sino sa aming tatlo si Mark Anthony Fernandez na syang lider ng gwapings, pero dahil mas matanda si Noel ng isang taon sa amin, siya rin ang nasunod at naging Mark Anthony ng grupo. Marami akong mga batang kaibigan dati, pero silang dalawa ang bestfriends ko, kaya hindi na naging malaking issue sa amin kung sino ang Mark Anthony ng grupo (konti lang). Minsan madami kami kung mangaroling, pero madalas kaming tatlo lang - choice narin namin. Mas gusto namin kapag kaming tatlo lang dahil mas malaki ang nagiging hatian ng pera. Kung minsan, pinambibili na namin diretso ng malaking chichirya o kaya ng maraming candy o chocolate sa tindahan nila Lola Bumbay, at saka namin hahatiin sa tatlo. Pero noong naging 10 na si Noel, at ako ay 9, hindi kami nakapagkaroling. Ayaw na ni Noel eh - binata na raw kasi sya, at nahihiya sya na makita ni Rona na nangangaroling habang may hawak-hawak na tambol na gawa sa lata. Dyahe daw. Arte lang. Pero hindi naman natapos doon ang pagkakaibigan at pangangaroling namin, dahil noong sumunod na taon, 10 na ako at 11 naman si Noel (ang galing no, lagi kaming magkasunod ng edad), parehas kaming natutong maggitara. Hindi lahat ng bata na ka-edad namin ay marunong mag gitara. COOOOL ang dating namin parehas! Kaya noong sumunod na pasko, napagkasunduan naming tatlo na ibalik ang pangangaroling sa mas COOOOL na paraan. Wala na ang tambol na gawa sa lata at wala narin ang mga tinuhog na tansan. Gitara na! Lumevel up kami, kumbaga. At paborito namin puntahan ay ang bahay ng magkapatid na Rona at Rhea....isang napakabisang paraan para magkapera at maipamalas ang COOOOLNESS at galing namin sa paggigitara.)

Hindi na kami ulit nangaroling pagdating ng highschool. Syempre, binata na. Pero naging ugali parin namin ang tumambay sa may kanto ng 4'th road habang may bitbit parin na gitara. COOOOL eh. XD

(Bihira na lang ang nangangaroling ngayon. Siguro nadala narin ang mga bata ngayon. Bihira nalang din kasi ang mga nagbibigay sa mga nagkakaroling - baka daw kasi mamihasa at balik-balikan ang bahay nila. Aminado ako na bihira akong magbigay sa mga nangangaroling. Ang lagi kong sinasabi sa mga bata, balik nalang kayo sa 24. Ngayong gabi - wala akong narinig na nangaroling. Kahapon isa lang. Nung isang araw dalawa lang. Nakakalungkot na hindi na gaanong ginagawa ang masayang tradisyong kinalakihan ko. Pero naging bahagi rin kasi ako ng dahilan kung bakit unti-unti itong nawawala. Ah ewan. Basta, sana bumalik ang kaugaliaang ito. Sana dumami ulit ang mga carolers (basta nasa tamang tono), tutal apat na gabi nalang naman bago magpasko...basta doon sila lahat kumanta sa kapit-bahay naming kalbo.  Makikinig na lang ako.)


Saturday, December 18, 2010

Entry para sa pakontes ni Lio Loco [oo, eto na yung title]


Ito'y hindi isang ordinaryong post. Bakit? Hindi ko rin alam. Haha, biro lang.

Ito kasing si Lio, may pakontes sa datkom nya. Hindi ako mahilig mag-abala sa mga ganitong kontes, lalo na kung kailangan pang gumawa ng isang post - in short, kailangan pang mag-effort. Haay. Pero, si Lio Loco ang nagpakontes eh. Kaya gow.

Hindi mo kilala si Lio Loco? Weh?

Noong nakaraang taon ko pa nasimulang subaybayan ang ating bida. Pero, hindi naman kasi ako mahilig mag-iwan ng komento noon sa mga blogs na nabibisita ko, kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makaututang-dila itong si Lio noon kahit sa comment section man lang. Nitong nakaraang mga buwan lang ako naging aktibo sa pag-iwan ng komento sa mga nadadalaw kong blogs. English pa ang medium na ginagamit nya noon at talaga namang nakakabalinguyngoy itong basahin. Noong nag shift sya sa Filipino - ganun parin! Yung maka-nosebleed, naging maka-duguang-ilong lang. Tsaka hindi parin nawawala ang shit (and sort of) at Ttng maugat sa content ng datkom nya, haha.

Baka mag skip-read si Lio, kaya iiklian ko na lang ang intro at didiretso na ako sa tunay na paksa ng entry na 'to. At dahil gusto kong manalo ng hardbound na kopya ng kahit anong libro ni Chuck Palahniuk, at dahil magpapainom din sya pagkatapos ng buffet dinner sa HEAT sa Edsa Shangri La na libre din nya, sasali ako. (At alam kong nagreact agad si Lio sa sinabi kong hardbound at buffet dinner, LOL).  Kailangan daw sagutin ang tanong ni Lio para magkaroon ng entry sa paraffle. Sana lang ay mabunot ng ngipin ni lio ang entry ko sa grand raffle draw.

Ang Tanong: "Bakit Ako Nagbabasa ng Kung Anu-anong Shit sa Datkom ni Lio?"
Ang Sagot ko: Masama ba?

Yan na ang  entry ko Lio. Kulang ang sagot ko?

O sya, eto na, ang mga natatanging dahilan kung bakit ko binabasa ang mga panulat ni ssdd boy (in no particular order):

  1. Maangas. Oo, maangas ka Lio! LOL. Normally, galit ako sa maangas. Pero iba ang pagkaangas ni Lio. Yung angas na may karapatang mag-angas. 'Yon!
  2. Matalino. Parang laking united american tiki-tiki at batang promil si lio. Bihira ang mga bloggers na may tunay na talino sa paghahabi ng mga salita. At sa totoo lang, walang halong buladas, isa si Lio sa masasabi kong nakakabilib na bloggers. Rare, kumbaga.
  3. Challenging basahin ang mga panulat nya dahil nasusubok nito ang bokabularyo ng mga mambabasa.
  4. Interesante. Lalo na ang mga reviews nya ng pelikula, libro, atbp. Kahit na yung mga isyung hindi naman talaga ako interesado, kapag nakita kong ginawan ni Lio ng post, naeenganyo ako na basahin.
  5. Malalim at malaman ang bawat bato nya ng pangungusap. Pakiramdam ko, graduate talaga si Lio ng Kurso sa Malikhaing Pagsusulat (Creative Writing) sa isang mataas na unibersidad at nagpapa-low-profile lang sya.
  6. May puso. Dahil siguro inlabo sya ngayon. Eto nga oh, mamimigay pa sya ng apat na mamahaling libro sa pakontes na 'to! may painom pa at buffer dinner!  Ambait! XD
  7. Dahil minsan nya akong isinama sa nomination nya sa Top 10 Emerging Influential Bloggers na pakontes noong nakaraang taon.  Naging finalist pala ang entry nya na ito sa Pinoy Blog Awards last 2009. Sabi nya, "Yffar's World - para sa mantrang nakikita ko lang sa napakakonting bilang ng mga androids at drones sa lipunang walang bayag".  Nasabi ko nalang. "Weh?"   Napapadpad pala sya sa blog ko last year??? Isang taon ang lumipas bago ko nakita ang post nya, sa Google search ko pa nakita (salamat Google). Sa totoo lang, ni-hindi ko man lang nga naintindihan kung ano ang sinabi nya, hehe.
  8. Nahihiya akong sabihin na magka-wavelength kami, pero feeling ko talaga oo.
  9. Hindi ako magaling magmura, pero dahil madalas naman syang magsalitype ng katagang shit at iba pang salitang kauri nito sa blog nya, gumagaan ang loob ko dahil pakiramdam ko ay ginagawa nya ang hindi ko magampanang tungkulin. XD
  10. Dahil sikat na sya. At gusto kong dumikit sa mga sikat.
O, tama na yan!  Baka lumaki na masyado ang ulo mo, hehehe.  Kung hindi man ako manalo ng Palahniuk, kahit yung ika-siyam nalang ni Zafra na may pirma nya.  Sabi ko nga sa simula, ito'y hindi isang ordinaryong post, dahil bihirang-bihira akong pumuri ng ibang tao.  Pero dahil nararapat ka naman talaga bigyan ng papuri, at dahil narin may pakontes ka, eto ang sa'yo.  Hitting two birds with one stone, ika nga. XD 

O sya, byerts!



Thursday, December 16, 2010

Samut saring Balita

Parang kawawang-kawawa yung orihinal na titulo ng nakaraang post ko, kaya napagdesisyunan ko (na ginawa ko sa ikatlong pagkakataon) na baguhin-slash-alisin ang orihinal na title. Ewan ko, pero sa tagal ko ng nagsusulat, hindi parin talaga ako magaling mag-isip ng title sa mga posts ko. 2005 pa ako nagsimulang magblog pero pakiramdam ko walang inunlad ang paraan ko ng pagsusulat. Mukang bumaba pa nga ang kalidad. Ang hirap kasi mag-isip ng titulong swak sa banga. Lagi na lang, pagkatapos kong magsulat ng kung anong shit, sa dulo, bigla na lang akong matitigil ng ilang minuto para mag-concentrate na paganahin ang laman sa loob ng bungo ko para makapagpalabas ng isang maayos at disenteng titulo. Pero minsan, kahit gaano ko pa sikaping tikolin ang utak ko, ayaw talaga lumabas ng creative juices.  Nakakahiyang aminin na ako mismo, kung minsan, hindi sang-ayon sa titulong napipili kong ipaskil.

No return no exchange ang policy ko dati sa blog.  Touch move - kung ano na ang naitipa, naipaskil, naibato sa wall ko, wala ng bawian. No erase, period! Kahit nga noong minsang pinagbantaan ako ng isang alagad ng isang di-ka-sosyalan-na-kumpanya noon, na mapipilitan daw silang gumawa ng legal na hakbang laban sa akin kung hindi ko raw buburahin ang maaanghang kong panulat tungkol sa ka-cheapan ng kumpanya nila noon, di parin ako natinag. Potah, kasalanan ko ba na panget ng kumpanya nila? Hindi ako kailanman magpapadikta sa kung sino mang asungot - isa pa, blog ko to!  Ako ang hari at diyos dito at sarili ko lang na konsensya ang pakikinggan ko. Sabi ko sa takteng kumontak sa akin - wala akong ginawang masama, opinyon ko ang ibinigay ko, kung nasaktan sila - problema na nila 'yon, kung gusto nila magdemanda tatawanan ko lang sila.  Ano namang akala nya sa akin, bata para matakot? Sabi ko, bakit di ka nalang gumawa ng blog mo at ipagkalat mo ang mga mabubuting katangian ng kumpanya mo - kung meron man. Di narin naman sila nagparamdam pagkatapos ko sumagot sa tanginuming email-slash-threat nila. Kamakailan lang, pinalitan ko ang original na titulo ng isang post ko. Tinaytelan ko kasi iyon ng K*ntutan Tayo. Wala pang limang minuto ng pagkakapublish. Naisip ko bigla, baka ma-ban sa future-office ko ang blog ko at ma-tagged bilang site with pornographic content (paranoid lang). Nabahag ang lawit ko at pinalitan ko ng Sex Tayo ang titulo. Mas disente, sa tingin ko kumpara sa K Tayo (oh - wag ng patulan ang sinabi kong "disente" - iba-iba tayo ng moral background. Wag na nating pagtalunan). XD

Kung saan-saan na ako napadpad, ang gusto ko lang namang sabihin sa itaas ay nahihirapan akong lagyan ng title ang posts ko kung minsan. Period. Ang haba ng pasakalye, pfft.

Dahil madalas ay nasa bahay lang naman ako, balita nalang sa tv, libro, at kung anu-anong-shit sa internet na lang ang madalas kong pagkaabalahan.  At para sa mga nagbabagang balita:

14-anyos na batang lalaki, tinaniman ng gunting sa ulo:
This is not a title in some tabloid, tunog-tabloid lang. Balita yan sa TV Patrol kanina. Apat na araw ng nakatarik ang gunting sa ulo nung bata na itago nalang natin sa pangalang Edward. Hindi kasi sapat ang pasilidad ng baryotik hospital sa probinsiya ng bata, at natatakot ang lokal doktor sa bayan nila na hugutin ang gunting. Kailangang madala ang bata sa mas engrande na ospital para sa mas madibdibang obserbasyon.  Hindi ko lang lubos maisip kung bakit umabot pa ng apat na araw ang gunting sa ulo. Imagine-nin mo 'yung usual holloween costume na may nakasaksak na kutsilyo sa ulo na tagus-tagusan sa magkabilang gilid ng noo? Nakakatakot di ba? Parang ganown ang itsura nung gunting sa ulo nung bata, pero syempre hindi tagos at nasa bandang likod malapit sa ulo ng bata nakatanim ang gunting. Apat na araw na raw may gunting sa ulo ang bata. Kawawa naman. Tawag tuloy sa kanya sa kanila, Edward Scissorhead - hindi 'to joke, syempre.

Sinubukan kong humanap ng imahe ng bata pero wala akong mahagilap.

Hubert Webb after 15yrs in prison:
Shopping galore ang potah ng shirt and pants pagkatapos ng labinlimang taon na pagkakapiit. After 15yrs sa loob ng kulungan, hindi na raw sanay magpantalon si Hubert after 15yrs. Kasi nga naman, sa loob ng 15yrs panay pekpek shorts at orange na t-shirt lang ang fashion statement nya sa kulungan sa loob ng 15yrs. Labinlimang taon daw siyang inakusahan sa salang hindi daw nya ginawa pero pinagdusahan nya in 15-fucking-years. Ilang beses ko ring narinig ang 15yrs sa mga interview sa kanya at sa kanyang pamilya na pinangangambahan kong umabot din ng 15yrs. Kasi nga naman, 15yrs eh. Di ba, ikaw ba naman, 15yrs. 15yrs din suguro nilang uulit-ulitin ang 15yrs. Syempre, mahirap kalimutan, 15yrs yun eh.

Wala talaga akong pakialam kay Hubert at sa 15yrs nya, pero naaawa ako kay Mr. Vizconde. May uhog pa ako sa labi nung nangyari ang karumaldumal na krimen, at lumaki akong exposed sa balitang ito. Di lang naman ako ang dismayado sa pag dismiss ng SC sa kaso, mismo si "Hanging Judge" Justice Manuel Pamaran, nabadtrip nung masagap ang balitang acquitted ang tropa ni Webb. Guilty sa kanya si Webb. Sa akin din.

Haaay, the fact that they were acquitted doesn't mean they did not do the crime. Si Batman na bahala sa kanila.

Oplan Isnabero:
This is DOTC's drive against abusive and snobbish cabbies. Kasi naman, umaabuso, hindi naman sikat tapos ang lakas ng loob mang-snob. The nerve. Bawal na tumanggi sa mga pasahero, bawal mamili ng route, at bawal ring hindi gamitin ang metro. Ewan ko, matagal ng batas ang tamang paggamit ng metro pero ang dami paring bwakinang taxi drivers na hindi gumagamit nito lalo na sa pinagpalang bayan ng Alabang. Mabuti pa sa Makati, nakakapag taxi ako noon galing sa aking flat papuntang office sa halagang 60 pesos. Pero sa Alabang, papasok lang sa village mula sa mall, 250 pesos na! Pag may bagahe, 350! Kalokohan. Kinausap ko noon si Mayor San Pedro, sinumbong ko sa kanya ang mga taxi dito, sabi nya "I'll look into it and I'll get back to you." Hindi ko alam kung bat nya nasabi 'yon, di ko naman tanda na ibinigay ko ang number ko sa kanya. Na-reelect na sya sa office pero hindi parin sya nakakabalik. Pakshet.

Yep, I did speak with the mayor last year. Napanaginipan ko yun eh.

New Philippine Banknotes:
Excited ako dito.  All the seven banknotes denominations (20, 50, 100, 200, 500, 1000 and 2000), have a new design. Pati narin ang coins. Central Bank of the Philippines will start distributing the new 20 peso bill tomorrow. They upgraded the security features of all banknotes to make it easier for the public to detect fake money. Major change ang pagbabago sa perang papel at mas pinatingkad ang kulay. Maraming pagbabago; pinabata si Roxas, dinagdag si Cory kay Ninoy, sinama ang ilang natural wonders of the Philippines - kasama ang Philippine Tarsier. Sabi ni President Noynoy sa balita, kulang nalang daw sa 500 bill eh muka ni Kris at Bimby. Utot nya. Napakasamang joke kaya non. Pwede nyang isama muka ni Kris, pero dapat nakapatong sa ulo nya yung tarsier. [Insert Kris-laugh-here: Ahah, hah, hah, hah!]

Eto yung ubod ng bagong-bagong design.



Biro lang. Eto talaga.

Hindi ko alam kung ako lang, pero parang nakakaloko ang ngiti ng mag-asawang Aquino dito.
Galing dito ang larawan

Astig ang pagkakadesign.  Hanapin mo si Gloria sa Larawan.

Ayun si GMA.  Sinama pa talaga, lakas mang-asar ni Noynoy.

Gusto ko ang design ng mga bagong papel.  Nakakatawa lang makita na pinaliit ng todo ang imahe ng panunumpa ni GMA.  Parang sampal sa muka ni arroyo yan, kung ako ang tatanungin (pero wala rin talaga akong pakielam dito).

Kung hindi ka nag-skip read, naguluhan ka siguro sa "seven" banknotes na sinabi ko.  Anim lang talaga, wala pang 2000 bill.  Naexcite ka naman siguro.

O sya, byerts na!



Setting the Holiday Mood [new title]

Christmas won't be as much as fun as last year on two counts. One, I'm unable to find a job I really like (like, not need), and two, I have no money to buy gifts. I'm hoarding what's left of my little dough and I'm trying not to waste it so I'm spending a lot of my time at home. The only time I went out to have fun was last Thursday. It was Serg's birthday and booze was free - thank Gawd, alcohol! In the local news, both cases against Hayden Kho and Hubert Webb were dismissed. Well, I don't care much about Halili, but I feel sorry for Mr. Vizconde because I really think Webb is the culprit.  (It's obvious that I'm telling about the local news for the lack of better things to say). Pfft... oh well, I don't really give a flying fuck about Kho and Webb. Really.

I feel soooo sad that it's Christmas and I'm broke. Pfft. Paano na ang pamilya, mga kaibigan, at mga inaanak ko? Call me materialistic, but you'd know that I love you, or care about you, if I spend money on you. Please don't lecture me about different ways of showing love other than giving gifts. I know and I recognize them all. It's just that, with me showing love to others, giving gifts is the easiest. Besides, money is something that I don't have lots of, so I really value it. Words of affirmation, physical touch, quality time, and acts of service are the other love languages that I appreciate and recognize.  It's me expressing these love languages to others that I'm having trouble with. I'm really sad (and I'm saying this again, I know) but this isn't depression - though I've called this as such countless times before. What I used to know as depression is really dissatisfaction, and you may call this a case of paradigm shift. Wanting what I don't have (moolah) and taking the things I have for granted, just like what many other people do to make their already complicated lives more complicated - is nothing but dissatisfaction.  For me, it's the root of all sadness.  It's funny that I'm aware of this, yet here I am whining about being broke and sad and blah blah shit blah. Hmmkei, I really shouldn't be sad, because I'm lucky I have a home and family! Many people don't have both.

Oh...love? What is it? Pfft.

Well, sorry dear bloggy, your parent is a bore. When you're not able to go out and record, things don't happen that much. I just felt I needed to write something here so you'd know I'm alive.

Not much to blather about today, so I'll just post my new paintings (or stained cloth, if you prefer calling it that way) I made last week.

Acrylic on 20 x 14 inch canvas
  
Acrylic on 18 x 12 inch canvas


There's actually another one, but I'll post it some other time.  Wait, how about my paintings as Christmas presents?  Hmmm.... never actually thought of it.  Sounds like a good idea, but, errrr, I don't have new canvases.  Oh well.  I'm not good in giving hugs and kisses, but that's all I have.  Tsaka pag-ibig, katatagan, at pag-asa.  Babawi na lang ako next year.  Promise.

Byerts!





Wednesday, December 1, 2010

Maybe This Time

Hindi ko dapat ito ikukwento dito, pero, sige na nga.  Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo.  Kinilig kasi ako ng sobra-sobra kanina eh, teee heee! XD

Kanina, nanonood ako ng TV. Nakatunganga lang talaga, hawak yung remote habang pinapalipat-lipat yung channel pero wala namang hinahanap.

Biglang tumahol si Sandy at Paw. May tao.

Naisip ko agad malamang mga alagad na naman ng home owner's association 'yon at nagtatawag para maningil ng monthly due. Shit. Lumabas ako para sabihing ako lang mag-isa at wala akong maiaabot na pera, pero nagulat ako kasi ibang tao ang nakita ko.

Tumigil ang paghinga ko.

Siya. Hindi ko inaasahan. Sya pala ang nasa labas. Naka tingin sya sa akin, at abot-tenga ang ngiti. Lumapit ako ng dahan-dahan, pigil parin ang paghinga at di makapaniwala.




Nag Hi ako.  Gusto ko sanang bawiin yung pag Hi ko, pero nasabi ko na. At nagsimula syang magsalita.

Sabi nya, sorry daw. Hindi naman daw nya ako gustong iwanan. Kinailangan nya lang talaga. Tatlong taon na ang nakalipas. Sorry daw dahil tatlong taon din syang hindi tumawag. Walang text. Walang YM. Ni-hi, ni-ho, wala.

Gusto daw nyang bumalik. Mahal pa daw nya ako.

Ganun na lang ba talaga 'yon?! Tatlong taon syang nawala ng walang pasabi. Pinutol pa ang komunikasyon. Tapos biglang ganito?!

Niyakap nya ako ng mahigpit.  Wala akong reaksyon. 

Ganun parin ang gamit nyang pabango. 'Yon ang binigay ko sa kanya noong huling pasko namin na magkasama.  Lalong syang gumanda, at mas masarap ang yakap nya ngayon.  O siguro, na-miss ko lang talaga sya. Magulo ang utak ko, pero, ang damdamin na akala ako ay tuluyan ng tumagas, nabatid ko na lang na muling nag-aalab. Masaya ako. Sobrang saya! Para akong nanalo ng 700 million pesos sa lotto, o higit pa!

Tapos bumitiw sya sa pagkakayakap sa akin sabay tingin sa mga mata ko ng malalim.  Nakangiti parin ng ubod tamis. Shit. Ramdam ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa aking mata. Mainit. Mahiwaga.

Isang minuto siguro syang nakatitig sa akin. Pigil parin ang aking ngiti.  Ayaw kong ipaalam na masayang-masaya ako.  Pero alam ko, bigo ako na itago ang tuwa ko sa aking mga mata. Tinanong nya ako kung mahal ko pa sya.

Tumango lang ako ng marahan.  At tumalon sya! Parang bata na napagbigyan sa hiling. Napangiti na rin ako sa wakas.

Mahal ko talaga sya eh. 

Sabay humalik sya sa akin. Ginantihan ko naman. Hindi ko talaga maipaliwanag ang saya ko.  Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang ganun, haha! Narinig ko bigla sa utak ko na tumutugtog ang kanta na "Maybe this time." (i-right-click mo yung kanta tapos buksan mo sa new tab/window, para mas dama mo ang pagbasa, LOL). Nung senior prom night ko siya unang naisayaw, sa parehas na tugtog.  Pasensya na ha, ang keso ko, pero sobrang saya ko talaga! XD

Natapos ang halikan namin. Sabi ko pasok sya sa loob para makapagkwentuhan.  Mahilig sya sa McDonalds noon, kaya sabi ko tatawag ako at magpapadeliver ng paborito nyang twister fries.  Magkayakap kaming pumasok sa bahay.

Tahol parin ng tahol sina Sandy at Paw. Hindi na sya kilala ng mga aso namin sa bahay, hehe. Tatlong taon eh.

Nasa loob na kami ng bahay at inalok ko sya ng maiinom.  Nasabik ako ng husto sa kanya.  At kita ko na mas masaya sya sa pagkikita naming mulli.  Kumuha ako ng dalawang coke-in-can na galing sa freezer.  Sa kapatid ko 'yon, ok lang, papalitan ko na lang.  Madalas din naman nyang gawin 'yon pag ako ang may binili. Pagkabukas ko ng isa ay iniabot ko agad sa kanya.  Sabay tanong ko, "Ano ba ang nangyari?" Sumagot sya.  Mahina ang boses kaya hindi ko gaanong narinig.  Ang ingay kasi ng mga aso.  Hindi parin matigil sa pagtahol.  Ayaw makisama.

Nagpasya akong lumabas para pakalmahin ang mga aso.  Tuloy parin ang pagtahol.  Palakas ng palakas. Nakakarindi. Hanggang sa nagising ako.

Nakatulog pala ako sa sofa.

Hindi ako makapaniwala.  Parang tototo ang nangyari.  Biglang bumalik yung sakit. Naulit ang lahat ng hapdi. Shit. Para akong iniwan ng mahal ko sa pangalawang pagkakataon. Ganun parin kasakit.

Di ko mapigilang umiyak. Tatlong taon na ang nakalipas, akala ko wala na. Nakadalawang girlfriend na ako pagkatapos nya, pero sya parin pala ang hinahanap ko.  Letse.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sofa para kumuha ng iced-tea, nang biglang tumahol ang mga aso. May tumatawag.

Kilala ko ang boses, pero hindi monthly due.  Sinilip ko sa bintana  para kilalanin ang tumatawag.

Tumigil ang paghinga ko.






Copyright © 2010, All rights reserved

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails