Sunday, February 6, 2011

Plastic ang bibingka sa reunion [o-sya-sya-insert-appropriate-title-here-na-lang-wala-akong-maisip-eh]


Busy-busyhan moment ngayon.  Natanggap na kasi ako sa tindahan ng tinapa sa pampublikong pamilihan ng Muntinlupa.  Bukod pa ito sa pagawaan ng toothpick na pinapasukan ko sa Makati.  Kaya may main source of income na ako at hindi na lang basta-basta extra ang kita.  Bukod sa transpo allowance eh may meal allowance pa - libre tinapa for lunch.  Sa'n ka pa?! XD

Hindi naman gaanong katagalan ang pagkawala ko, hindi tulad noong nakaraang taon na may mga pagkakataong isang post lang sa loob ng isang buwan ang nagawa ko.  Masarap din pala ang maging busy, lalo na't alam mong pagkatapos ng mahabang araw ay, bukod sa toothpick eh, may maiuuwi akong tinapa sa hapag-kainan.  Medyo matagal din kasi akong tumambay at umasa sa maliit na halagang naimpok ko mula sa huli kong kumpanyang pinasukan.  Halos isan taong akong, kung hindi nakahilata sa kama eh, nakatunganga sa hapag-kainan.  Pakiramdam ko ngayon ay magkakasakit ako, pero ok lang, ganun talaga.  Hindi na kasi sanay ang bata kong katawan na magbanat ng buto.  Isang taon halos tumambay eh, syempre medyo kinalawang na ang utak at kalamnan.  Basta ang importante ay magkakapera na ako ng malaki-laki sa katapusan ng buwan.  At paulit-ulit talaga ang pinagsasasabi ko dito.  Redundancy.  Dyan ako magaling. XD

Bawal na ang plastic sa Muntinlupa - City Ordinance na ipinatupad ni Mayor Saint Peter.  Kaya pala simula noong katapusan ng nakaraang buwan eh hindi ko na nakikitang lumalabas yung kapitbahay naming kalbo.  Bawal na kasi ang plastic sa munti, natatakot siguro na mahuli at i-recycle sya para gawing toilet seat.  Bagay kaya sya maging toilet seat.  Maganda ang adhikain ng city ordinance ni mayor, pero parang wala sa hulog ang mga inatasan nya na magpatupad ng kautusang ito.  Noong isang linggo kasi, sinita daw si nanay ng isang alagad ni mayor dahil may daladala siyang plastic bag na lalagyan ng pinamili nya sa palengke.  Dinala yun ni nanay dahil alam nyang bawal na magbigay ng plastci bags ang mga tindera sa palengke.  Sabi nung nanita sa kanya na may nakasabit pang government id, bawal na raw ang plastic, at sa susunod daw ay may multa na.  Tanga ba yung naninitang 'yon - anong gagawin namin sa sandamakmak na plastic namin sa bahay?  Mainam nga at ginagamit namin ang plastic bag sa mabuting paraan.  Yun naman ang dapat gawin sa plastic diba, ang i-recycle.  At isang paraan ng pagrerecycle ay ang muling paggamit dito.  Hulihin nila yung mga establishments na patuloy na nagpapamudmod ng plastic sa mga customers nila, hindi yung pinapakielaman nila pati ang tahimik na pamimili ng nanay ko.

Naalala ko lang, noong isang linggo kasi ay lumabas ang aking pamilya para kumain.  Hindi nakasama ang isa kong kapatid dahil kailangan nyang matulog at masama ang pakiramdam, kaya naman naisipan ko syang bilhan ng paborito nyang bibingka.  Pizza talaga ang favorite nya, pero pambibingka lang ang budget ko.  Bumili ako ng isang kahon, anim ang laman, at mainit-init pa.  Pagkabayad ko, iniaabot lang ng tindera ang kahon ng bibingka sabay entertain sa kasunod na customer.  Sabi ko, "Errr, miss, hindi mo ba 'to ilalagay sa plastic bag?"  Sagot naman si tindera, "Ay sir, bawal na po ang plastic sa muntinlupa eh.", sabay turo dun sa laminated plastic-shit na nakapaskil sa stall nila.  "Ay, oo nga pala, hehe, eh di sa paper bag na lang.", nakangiti kong sagot.  "Wala po sir eh, naubusan na po."  Sagot naman ako, "Huh, eh di straw na lang, para may hawakan ako, at mabitbit ko 'to."  Tumawa ang tindera, sabay sabi, "Sir, plastic din po ang straw di ba, hihihi."  Naasar ako ng bahagya, sabi ko, "EH PANO KO BIBITBITIN TONG MAINIT MONG BIBINGKA?  DAPAT MAY PAPER BAG KA MAN LANG.  KUNG WALA KAYONG LALAGYAN, MAGSARA NA KAYO.  ANG DAMI-DAMI KO NG BITBIT TAPOS PAGHAHAWAKIN MO PA AKO NG KAHON NG MAINIT NA BIBINGKA???  PASALAMAT NGA KAYO BUMIBILI AKO SA INYO EH.  GUMAWA KA NG PARAAN, HUMANAP KA NG PAPER BAG."  Sabay narinig ko ang isa pang customer, "Oo nga miss."  Kitams, kinampihan agad ako ng isa pang customer.  Nakita ko ang takot sa muka ng tindera, sabay sabi na lang na, "Pasensya na po sir, eto na lang po, plastic bag."  Sows! Meron naman palang plastic bag eh, pahihirapan pa ako.  Sabi ko sa kanya wag syang mag-alala dahil hindi ko naman sya isusumbong kay mayor saint peter, pero kung talagang mapilit sya na hindi magbigay ng paper bag sa mga customers nila, eh mainam nga na magsara na muna sila.  Tama naman ako, di ba?  Magtitinapa kaya ako, kaya alam ko ang wastong pakikitungo sa mga mamimili. XD

Meron kaming highschool reunion sa susunod na linggo ata - hindi ako sure sa date.  Hindi ko pa kasi alam kung pupunta ako o hindi.  Yung orihinal na usapan nila eh sa isang bar sa  Bellevue Hotel sa Alabang gaganapin ang reunion.  Hindi ko alam kung matutuloy nga doon.  May mga kausap pa ata silang mga sponsors para sa mga paraffle-shits.  Ewan ko, pero parang nakakahiya kasing magpakita sa mga kaklase ko.  Ano nalang sasabihin nila pag nalaman nila na tindero na ako ng tinapa?  Baka mainggit sila - at ito ang ayaw kong mangyari.  Hahaha!  Gusto ko ring makita ang mga kaklase ko pero parang nag-aalangan ako.  Hindi kasi ako sanay sa mga sosyal na bars at hotels.  Pang kanto lang ang inuman na madalas kong mapuntahan.  Isa pa, hindi talaga ako sanay makipag-kiss-ass sa mga dati kong kaklase.  Actually, hindi lang sa kanila, kundi sa lahat ng mga dati kong nakasama.  Anti-social talaga ako.  Hindi naman kasi lahat ng pupunta doon ay kaibigan ko.  Kung makikipagkita ako, doon na lang siguro sa mga totoo kong kaibigan.  Bahala na kung pupunta. 

(edit) Nakita ko lang ngayon, nakafollow pala ang class valedictorian namin sa blog na 'to.  Hi Rexie. XD

Ngayon lang ako ulit nadalaw dito, kaya pagpasensyahan niyo na kung hindi ko nadadalaw ang blogs ninyo.  Next week, pangako, gagaan na ang sched ko.  Quota na kasi ako sideline ko - marami na akong natabas na toothpick.  The week after next week na ulit ako papasok sa pagrika ng toothpick. XD

O sya, byerts! XD



17 comments:

Jag said...

wow! kumikitang kbuhayan! lol! mgandang adhikain yang pagbawas ng paggamit ng plastik...gnyan din kc ang patakaran sa los banos...mgdala ng sarling lalagyan pag namamalengke...

thegreatmaldito said...

sabihin mo sa mayor mo na itapon sa dagat ang lahat ng tao diyan ng malaman na din kung sino ang plastic.ahahaha..joke.

congrats sa bagong trabaho...pano yan? tuloy na talaga yang pagbigay mo ng painting sakin.nandyan ako sa june.ahahaha...di talaga maka get over sa painting?

sana naman ay masaya ka sa bago mong work. yun naman talaga ang importante.okay lang naman na matagalan ka sa pag post..wala din naman akong problema na makakalimutan ang site mo dahil may notifications ako pag may new post.je je je je...mon.

nyabach0i said...

talaga bawal plastic sa munti? maganda yan. paki sabi kay saint peter isama tong officemate kong plastic. bad sa environment!

Kamila said...

totoo lang gusto ko si san pedro at inggit na inggit shet na kaya ako sa inyo... at kung pwede dahil katabing bayan naman namin kayo..baka pwede mag-paampon.

Nyahaha.. tutal san pedro naman pangalan niya.. puro inom lang yata alam ni cataquiz eh. inis much.

hahahaha..sorry naman daw sabi ni ate na napilitan maglabas na lang ng plastik bag.. pero ang mahal kaya ng papel... kahit dito naman sa tate eh plastik sandamak-mak na plastik pa rin ginagamit no!... wehehehehe... pero minsan kunyari pizza... karton lang din binibigay sa min....

pero sa mga grocery.. hanep..kung sa atin lahat ng pinamili eh pinagsisiksikan sa isa o dalawang plastik.. dito.. isa o dalawang gamit lang sa isang plastik.. weh..

nagkwento na. sensya na. medjo busy ka naman eh. kaya susulitin na ang pagcomment

jobologist said...

panu ang ice candy sa muntinlupa?...nakalagay yun sa plastik...so condom na ba nila nilalagay?...hehehehehh

Leonrap said...

so bawal din ung plastic balloon? ahahaha...

♥superjaid♥ said...

hahaha ganda ng advocacy bawala ng plastik kaso mahirap ata yan hehehe

Lio Loco said...

ang daming update o. siksik-liglig at umaapaw. lol!

una sa lahat, gusto ko munang i-congratulate ka sa pagkakaron mo ng trabaho. at talagang sinagad mo pa kasi dalawa. ang sarap ng tinapa, baka naman pwede mo 'kong ambunan dito? hehe.

dun naman tayo sa pagpapatupad ng no-plastic policy. tingen ko, medyo hindi pa maganda ang pagtanggap ng mga tao kasi bago pa 'yung proyekto. ganun naman kasi ang normal instinct ng isang tao: mangingimi siyang gamitin ang bagong paraan at ipipilit pa rin ang nakasanayan. mukang okey naman 'yang project na 'yan sa muntinlupa kaya aminado akong natutuwa ako sa hakbanging ito. 'yun nga lang, dapat hindi biglaan ang pagpapatupad. parang droga rin kasi 'yan: dapat hindi abrupt ang paghinto para hindi magkaron ng withdrawal symptoms.

congrats ule, pareng raffy! painom ka na! \m/

gasti said...

ayos raf! suma-sideline ka pa ngyon ah maigi yan para mabilsi makaipon. buti kapa may meal allowance saka transpo. dito rasyong bigas lang. haha! goodluck sa bagong career.

at buti naman kinastigo mo yung mayabang na tindera. napakasimple na nga lang ng trabaho nya di nya pa inaayos. malamang yung bibingka nya eh maamoy?

Yffar'sWorld said...

@jag - tama, magandang adhikain talaga ang pagbabawas ng production ng plastic. ngayon ko lang napansin, makulay ang bagong profile image mo ah, ganda. XD

@maldito - tamang-tama, magbubertdey ako sa June. Pero dahil western tradition ang sinusunod ko, ako dapat ang iboblow-out mo. XD yaan mo, pag humusay na ako, baka mabigyan kita ng sample painting. masaya ako sa bagong work ko, hindi ako naiistress, may libreng tinapa pa. XD

@nyabachoi - bawal na nga sa munti. kaya nga lumipat na ako ng tahanan eh. XD haha

@kamila - hi, walang problema sa mahabang komento, sa katunayan mas naaapreciate ko ang mahahabang komento. XD sino pala si cataquiz? sorry, hindi ako pamilyar sa kanya. XD

@jobo - ang lawak naman ng imahinasyon mo, hahaha, sa dinami-dami ng produktong gumagamit ng plastic eh ice candy pa ang pinrublema mo, hehe. XD sa plastic parin ang ice candy syempre.

@leonrap - tinawagan ko si mayor saint peter re your inquiry. sabi nya ok lang daw, basta lulunukin lang ang plastic balloon pagkatapos gamitin. hindi pwede itapon. XD

@jaid - medyo mahirap nga, lalo na't biglaan ang ginawang pagpapatupad. pero sigurado namang dadating din ang panahon na (magsasawa na rin ang mga taga munti sa pagrereklamo) masasanay din kami sa hindi paggamit ng plastic bag. HAPPY BIRTHDAY pala! XD patawad, hindi ako nakagawa ng pic greeting. sa susunod na lang, promise. XD

@lio - naku, kulang pa nga iyan, hehe, nakalimutan kong sabihin na nanood din kami ng aking pamilya ng walang kakwenta-kwentang Bulong ni vhong navarro. ok ang kampanya laban sa pagsinghot ng plastic. paggamit pala. pero mas maganda kung namigay din si saint peter ng libreng cloth bag sa bawat tahanan sa muntinlupa. XD salamat sa pagbati pareng lio! XD

@sir gasti - alam mo pinagdadasal ko nga (alam ko ito din ang dasal ng nanay ko) na makapagipon na ako ngayong taon. sana ay matuloy. isang beses na lang sa isang linggo ako iinom. XD

thegreatmaldito said...

eh pano yan? june din burtday ko....western din sinusunod ko....so hanap nalang tayu ng iba pang mag bbday na june din at hindi westernized.hahahhahahah

DEMIGOD WINZTON said...

POLITICAL WILL PLUS ORDINANCE IS GOOD IMPLEMENTATION. MAKISAKAY KA NA RIN. Bring Your Own Bayong.

NICE POST.

XienahGirL said...

paboritong ulam ko ang tinapa
saan ba yan?
parefer nga hati tayo sa referal bonus!
hahahaaa

goodluck sa iyo ser!
ingat ka
:D

iamlegallychic said...

hehe. I love your blog Raffy! :p masaya naman yung reunion. hindi sya sosyal no! medyo lang. joke!

Yffar'sWorld said...

maldito - hahaha, sayang naman, may mahanap kaya tayong magpapainom? pagplanuhan na lang natin yang inuman sa hunyo. XD tara!

winzton - yup, nakapag adjust na kami sa BYOB-policy ng muntinlupa. merong bagong pakulo - prescription sa condom. haha

xienahgirl - salamat! XD tara, refer kita, hati tayo sa bonus! XD hehehe. XD ingat ka rin palagi!

rexie (?) - rexie? ikaw ba yan? XD ako rin, love ko din blog ko (narcissistic, haha),hehehe. musta na, musta ang reunion? hindi ako nakapunta dahil busy ako sa pabrika ng toothpick eh. XD di bale sa susunod baka makasama ako. XD

The Gasoline Dude said...

Hongtoroy! Sinagawan talaga 'yung tindera? LOL! Hindi ako pamilyar sa ordinansang 'yan sa Muntinlupa. :)

Yffar'sWorld said...

@gasul - sorry, super late ang reply. late din naman kasi ang comment mo, haha. joke lang. hindi ko naman sinigawan yung bitch na tindera, pinagsabihan ko lang. XD salamat sa pagbisita. XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails