Friday, December 31, 2010

Dear 2010...Goodbye! XD [and I really feel happy to be finally saying goodbye to you] [Happy New Year!] [Insert-another-title-here..XD]


While to some the end of the year is more appropriate for a retrospective (reminiscing-the-best-of-the-past-shitness-oo-na-kayo-na-ang-masaya-at-maraming-achievement-blah-hindi-ako-bitter-ha-hehehe), it is best, for me, to just let everything that happened this year go. My life has been kinda unpleasant (I was about to type shitty) in the past 2 years, and I sure don't want to drag all those negative vibes along with me in 2011, so I'll just let the negavibes go (before this blog gets too depressing for anyone to read).  (The word negavibe doesn't exist.  I just invented it, ok.)

(Now, I'm getting too comfortable {again} using parenthesis that I'm forgetting to type outside it).  (This is becoming habitual). (Cure me, please).

No matter how unpleasant the year was, as they say, "past is past", and I don't want to wallow in it.  Much like reading a book, turn the page when it's over!  I know life is far more complicated than reading a book, hmmmkei, but that's the best analogy I can think of at the moment (bite me).  Mistakes don't really matter, and what's important are the lessons learned - which must all be kept. You know, like a journal that one can go back to and read for self-help in case something unlikable comes up in the future. No advice beats one's own experiences.

So, as the year 2010 ends (yeabah), I want to sit down and put into writing what I learned this year. Let me share it with you:
  • Goals without action are called, errrr, fantasies.
  • The best way to get something done is to begin doing it.
  • Depression is different from dissatisfaction.
  • Whining about your misfortunes and feeling sorry for yourself will get you nowhere.
  • When you reach the bottom, learn to pull yourself up.  Otherwise, you'll just go sideways.
  • Life is unfair no matter where angle you regard it from.  Quit whining and deal with it.
  • Know what you want and be happy when you get it.  Contentment is the key to being happy.
  • Don't expect things that you're not willing to work for because you'll only get disappointed.
  • In choosing the right job/career, your heart has to really be in it.  It can't just be about money.
  • And when you get the job you want - keep it!  2 million Filipinos (or close to that number) are jobless, and they're out to get yours.
  • Knowing your weakness and acknowledging it will help you make yourself better.
  • Health is wealth. (dyan mo katulong ang bearbrand).
  • Say what you need to say and do what needs to be done.  Procrastination is evil.
  • Walk your talk!
  • It's not safe to assume that the people you like like you.
  • It's never safe to judge people by their appearance.
  • You make your own bed.  Make it comfortable.
  • Harsh words drill deeper in heads.
  • Depression is destructive.  Get a shrink if you must.
  • Interacting with fellow bloggers can be fun.
  • Mas maraming nagbabasa sa blog ko pag Filipino ang medium. (proven).
  • Karamihan ng nasa Followers sa gilid eh hindi nagcocomment (prove me wrong, com'on).
  • At yung mga wala sa Followers ang madalas magcomment (salamat sa inyo!)

So, there.  This will be the last post for 2010 (unless something super-extraordinary happens in the next hours before new year's eve), and I bid everyone a Happy New Year! XD  Huwag magpapaputok sa loob, sa labas lang! Teee heee heee. XD

Byerts 2010! XD


Friday, December 24, 2010

Fa la la la la, la la, la la...♫♪


[Aminin mo, sinubukan mong kantahin yung title] Sinubukan kong balikan ang huling post na ginawa ko noong nakaraang taon. Titingnan ko sana kung meron ba akong ginawang Christmas post o new-year-resolution-shitness o kahit ano tungkol sa pasko at bagong-taon, at kung nasunod ba ito o hindi. Wala pala. Balak ko pa ngang tuluyang patayin si bloggie noong mga panahong iyon. I-li-link ko sana dito sa post na ito ang ka-emo-han ko dati, kaya lang wag na, baka hindi mo pa tapusing basahin itong post na 'to. Napakaloser ko pala noong nakaraang taon - hanggang ngayon, haha. 'Yon lang, wala na ang dating bigat. Mas maluwag na ang kalooban ko ngayon dahil wala na akong inaasahan. Madalas kong marinig ang ibang tao na nagpapayo na dapat daw kinakalimutan ang mga masasamang bagay/alaala/guni-guni at suicide attempts. Wala akong balak na kalimutan ang mga kasawian ko noon dahil gusto kong manatili ang mga iyon bilang aral na maaari kong balik-balikan kung sakaling maharap ulit ako sa ganoong klase ng sitwasyon balang-araw.

Nagbackread ako ng posts ko noong Disyembre ng nakaraang taon.  Medyo nalulungkot ako sa katotohanan na hindi natapos ang 2009 ko na masaya, tapos ngayong 2010 eh, well, so-so lang, kung yung makalumang standard ko ang pagbabasihan. Walang engrandeng pangyayari eh. Parang, wala lang. Nabuhay lang ako ngayong taon para kumain at matulog at kumunsumo ng oxygen. Kung mamatay ako, tae lang, walang magiging laman ang CV ko na ibibigay sa Kanya.

Hindi ko talaga gustong pahabain pa ang post na ito. Gusto ko lang sabihin na, hindi gaanong maganda ang papatapos na taon, angat lang ng bahagya, mga dalawang level, kumpara last year, PERO (yes, may malaking BUT) - syempre, hindi ko naman hahayaan na magtapos ang 2010 sa napaka-loser na paraan. Gustong kong maging masaya! :-) Eh ano kung wala ako ng mga bagay na nais ko - meron naman akong nauuwiang bahay at pamilyang maaari kong balik-balikan ano mang oras, sakaling maubusan na ako ng batong maipupukol sa madugas na mundo. Hindi na ako magrereklamo sa madugas na mundo, dahil lahat naman ng tao eh nadudugas nya.  Quits lang kumbaga. Madugas naman talaga ang mundo eh. Kahit saang anggulo mo pa ito tingnan, hindi kailanman naging patas ang daigdig,  mapa-pinansyal, intelektwal, pisikal na itsura, lugar na pinagmulan, lahi, buhay-pag-ibig, size ng kwan, at marami pang ibang pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay ng tao.  Aminin man natin o hindi, meron talagang napapaboran.  Ang magagawa lang natin para maging mas kaiga-igaya at masaya ang mundo ay tanggapin ng bukal sa puso kung ano man ang ibinigay sa atin ng nagbigay (universe man yan o dyos ayon sa iyong paniniwala) - at ito ang nais kong gawin. :-). Sa ngayon, marami akong kakulangan sa maraming aspeto ng buhay - alam mo na, yung mga bagay na madalas tingnan ng lipunan, gaya ng malusog na bank account at kotseng minamaneho, magandang chick, at makisig na pangangatawan. Sa ngayon, masaya ako sa tahanan at malusog na pamilya, at sa bonus na mga kaibigan.  Kung iisipin, fair naman ang daigdig sa pagiging unfair sa mga tao.  Paradox?  Haaay, ayoko na i-explain.  Basta, hindi nalang dapat pag-aksayahan ng panahon kakamukmok ang mga bagay na wala sa abot ng ating kamay. 

Marami akong pwedeng kainisang mga pangyayari sa taong 2010, pero mas madami akong dapat ipagpasalamat. Isipin mo, 365 days akong gumising at natulog para lumamon kinabukasan! 365 na blessings na 'yon!  Thank you Lord!

O sya at humahaba na ang sinabi kong maikli lang na post. Bumabati ako ng Maligayang Pasko sa lahat ng nagpapasko sa inyo. Kung hindi ka man nagpapasko, kagaya ng kaibigan kong si Tobey, wag mo sanang masamain ang pabati ko na ang nais lang naman talaga eh mag wish ng isang magandang araw. XD


Kuha ito ng isang kaibigan sa Sitka, Alaska, noong nakaraang taon.  Yan ang view nila sa likod ng bahay.  Ayoko naman ng snow halos buong taon, pero gusto ko ma-experience ang snow kahit sa pasko lang. XD

Muli, maligayang pasko sa inyong lahat! Hindi pa ito ang last post ko sa taong ito. Hindi ako nakapagpaalam ng matino sa 2009, ayokong ulitin ito sa 2010.

Byerts!


Tuesday, December 21, 2010

Christmas Carols [at kung paano ito winasak ng mga batang wala sa tono at tamang huwisyo]


Ano na bang nangyari sa mga batang nangangaroling ngayon? Takte, wala na sa tono, mali na ang lyrics, uma-attitude pa! Nung nakaraang gabi, may grupo ng mga dalaginding (mga batang edad high-school sa tingin ko. Tipong mga no-longer-a-girl-not-yet-a-woman... base sa looks). Kumanta sila ng pinakasikat na pamaskong kanta na Sa May Bahay (ito ang madalas na unang kinakanta ng mga batang nangangaroling, na susundutan ng ♫♪we wish you a merry christmas, we wish you a merry chrsitmas♬♪... na susundan ng ♬♫tuwing sasapit ang pasko, namimili ang nanay ko♫♪... ganown). Nung makapwesto na ang mga batang chicks, mahinang bumilang ang isa ng 1-2-3-go, sabay, "♫♪Sa may bahay, ang aming bati, meri krismas na wawalhati...♫♪". Potah! Madalas kong marinig itong mali-maling paraan ng pag-awit ng kantang ito, pero madalas ko rin palampasin lalo na kung mga bata (as in bata - tipong sampung taon pababa) ang kumakanta. Pero yung grupo ng nangangaroling na nabanggit ko sa taas ay hindi na mga bata (sabi ko nga, kung tama ang estima ko, edad highschool na silang lahat). Di ko lang talaga alam kung matutuwa ba ako o maiinis o maaawa sa nakakahiyang katotohanan na hindi nila alam na wala sa Filipino dictionary ang salitang wawalhati (baka sa english or portuguese dictionary meron). (Teka, napapansin nyo rin ba, kung paano nagiging kumportable ang maraming manunulat na magsulat sa loob ng panaklong {parentheses}? Yung iba nga hindi na nila namamalayan na nasa loob parin ng panaklong ang pinagtatatype nilang shit. Sabagay, malamig naman ang panahon, hindi siguro masama na kumutan pati ang mga salita.)

(Mabalik sa mga nangangaroling). (Ayun nga, dahil nakatambay lang ako sa garahe habang patagong humihithit ng yosi na binili ko pa noong birthday ng kaibigan kong si Tonyo, nakita ko kaagad ang mga papalapit na carolers. Patay ang ilaw sa garahe kaya hindi nila ako agad nakita na nakaupo sa harap. Nakakailang linya palang sila sa kanta ay pinahinto ko na sila kaagad. Sayang ang effort nila dahil wala naman akong maiaabot, kaya imbes na patagalin ko pa ang pagkanta nila (na kasingkahulugan ng paghihirap ko sa pakikinig) sinabi ko na agad ang salitang ayaw nilang marinig... patawad. Mabilis pa sa 0.01 na segundo ay sumagot agad ang isa sa kanila na "ano ba 'yan?!" sabay talikod, na ginaya naman ng mga sugo nya. Uma-attitude???  Suplada ang mga punyeta, haha! Akala ko mali lang ako ng pagkakarinig sa pagsambit nila sa maluwalhati. Takte, paglipat nila sa katapat naming bahay, wawalhati parin ang kanta nila. @_@ Hindi pa ba nila naririnig ang salitang maluwalhati??? Hindi pa ba nila kailanman nabasa sa libro ang salitang luwalhati na nilagyan ng unlapi na "ma"?  O ang dalawang salita na "may luwalhati"? Wala naman sigurong textbook na may nakasulat na wawalhati (wala di ba?), pero bakit ganun nila bigkasin ang liriko ng kantang Sa May Bahay?) (Nakalungkot isiping maging sarili nating salita/awitin ay hindi alam ng karamihan ang tamang paggamit/kahulugan).

(Haaaay...)
hugot mula sa google image

(Hindi ko na rin naririnig ang tunog ng tambol na gawa sa lata ng gatas o ice cream. Pati narin yung mga pinitpit na tansan na binutasan sa gitna para itinuhog sa alambre, wala na ring gumagawa. Gumagawa ako ng mga ito noong dekada '90, noong elementary pa ako. May maliit kaming grocery (pinasosyal na sari-sari store) noon kaya sagana kami sa tansan ng softdrinks at beer. Yung lata ng gatas noon pinupulot ko lang sa mga basurahan sa paligid, lilinisan ng kaunti, tatakpan ng binatak na plastik ng SM o Lianas Supermarket gamit ang maraming piraso ng goma - at bwalaah!... tambol na! Yung drum stick gawa lang sa bananaque stick na may plastic at goma sa dulo. Bakit kaya wala ng gumagawa nito ngayon? Tatlo kaming madalas mangaroling noon; ako, si Noel, at si E-et (Ace na nung nagbinata kami). Kami ang tinaguriang batang-gwapings sa lugar namin noon. Anim na taon palang ako noon. Pinagtatalunan pa namin noong una kung sino sa aming tatlo si Mark Anthony Fernandez na syang lider ng gwapings, pero dahil mas matanda si Noel ng isang taon sa amin, siya rin ang nasunod at naging Mark Anthony ng grupo. Marami akong mga batang kaibigan dati, pero silang dalawa ang bestfriends ko, kaya hindi na naging malaking issue sa amin kung sino ang Mark Anthony ng grupo (konti lang). Minsan madami kami kung mangaroling, pero madalas kaming tatlo lang - choice narin namin. Mas gusto namin kapag kaming tatlo lang dahil mas malaki ang nagiging hatian ng pera. Kung minsan, pinambibili na namin diretso ng malaking chichirya o kaya ng maraming candy o chocolate sa tindahan nila Lola Bumbay, at saka namin hahatiin sa tatlo. Pero noong naging 10 na si Noel, at ako ay 9, hindi kami nakapagkaroling. Ayaw na ni Noel eh - binata na raw kasi sya, at nahihiya sya na makita ni Rona na nangangaroling habang may hawak-hawak na tambol na gawa sa lata. Dyahe daw. Arte lang. Pero hindi naman natapos doon ang pagkakaibigan at pangangaroling namin, dahil noong sumunod na taon, 10 na ako at 11 naman si Noel (ang galing no, lagi kaming magkasunod ng edad), parehas kaming natutong maggitara. Hindi lahat ng bata na ka-edad namin ay marunong mag gitara. COOOOL ang dating namin parehas! Kaya noong sumunod na pasko, napagkasunduan naming tatlo na ibalik ang pangangaroling sa mas COOOOL na paraan. Wala na ang tambol na gawa sa lata at wala narin ang mga tinuhog na tansan. Gitara na! Lumevel up kami, kumbaga. At paborito namin puntahan ay ang bahay ng magkapatid na Rona at Rhea....isang napakabisang paraan para magkapera at maipamalas ang COOOOLNESS at galing namin sa paggigitara.)

Hindi na kami ulit nangaroling pagdating ng highschool. Syempre, binata na. Pero naging ugali parin namin ang tumambay sa may kanto ng 4'th road habang may bitbit parin na gitara. COOOOL eh. XD

(Bihira na lang ang nangangaroling ngayon. Siguro nadala narin ang mga bata ngayon. Bihira nalang din kasi ang mga nagbibigay sa mga nagkakaroling - baka daw kasi mamihasa at balik-balikan ang bahay nila. Aminado ako na bihira akong magbigay sa mga nangangaroling. Ang lagi kong sinasabi sa mga bata, balik nalang kayo sa 24. Ngayong gabi - wala akong narinig na nangaroling. Kahapon isa lang. Nung isang araw dalawa lang. Nakakalungkot na hindi na gaanong ginagawa ang masayang tradisyong kinalakihan ko. Pero naging bahagi rin kasi ako ng dahilan kung bakit unti-unti itong nawawala. Ah ewan. Basta, sana bumalik ang kaugaliaang ito. Sana dumami ulit ang mga carolers (basta nasa tamang tono), tutal apat na gabi nalang naman bago magpasko...basta doon sila lahat kumanta sa kapit-bahay naming kalbo.  Makikinig na lang ako.)


Saturday, December 18, 2010

Entry para sa pakontes ni Lio Loco [oo, eto na yung title]


Ito'y hindi isang ordinaryong post. Bakit? Hindi ko rin alam. Haha, biro lang.

Ito kasing si Lio, may pakontes sa datkom nya. Hindi ako mahilig mag-abala sa mga ganitong kontes, lalo na kung kailangan pang gumawa ng isang post - in short, kailangan pang mag-effort. Haay. Pero, si Lio Loco ang nagpakontes eh. Kaya gow.

Hindi mo kilala si Lio Loco? Weh?

Noong nakaraang taon ko pa nasimulang subaybayan ang ating bida. Pero, hindi naman kasi ako mahilig mag-iwan ng komento noon sa mga blogs na nabibisita ko, kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makaututang-dila itong si Lio noon kahit sa comment section man lang. Nitong nakaraang mga buwan lang ako naging aktibo sa pag-iwan ng komento sa mga nadadalaw kong blogs. English pa ang medium na ginagamit nya noon at talaga namang nakakabalinguyngoy itong basahin. Noong nag shift sya sa Filipino - ganun parin! Yung maka-nosebleed, naging maka-duguang-ilong lang. Tsaka hindi parin nawawala ang shit (and sort of) at Ttng maugat sa content ng datkom nya, haha.

Baka mag skip-read si Lio, kaya iiklian ko na lang ang intro at didiretso na ako sa tunay na paksa ng entry na 'to. At dahil gusto kong manalo ng hardbound na kopya ng kahit anong libro ni Chuck Palahniuk, at dahil magpapainom din sya pagkatapos ng buffet dinner sa HEAT sa Edsa Shangri La na libre din nya, sasali ako. (At alam kong nagreact agad si Lio sa sinabi kong hardbound at buffet dinner, LOL).  Kailangan daw sagutin ang tanong ni Lio para magkaroon ng entry sa paraffle. Sana lang ay mabunot ng ngipin ni lio ang entry ko sa grand raffle draw.

Ang Tanong: "Bakit Ako Nagbabasa ng Kung Anu-anong Shit sa Datkom ni Lio?"
Ang Sagot ko: Masama ba?

Yan na ang  entry ko Lio. Kulang ang sagot ko?

O sya, eto na, ang mga natatanging dahilan kung bakit ko binabasa ang mga panulat ni ssdd boy (in no particular order):

  1. Maangas. Oo, maangas ka Lio! LOL. Normally, galit ako sa maangas. Pero iba ang pagkaangas ni Lio. Yung angas na may karapatang mag-angas. 'Yon!
  2. Matalino. Parang laking united american tiki-tiki at batang promil si lio. Bihira ang mga bloggers na may tunay na talino sa paghahabi ng mga salita. At sa totoo lang, walang halong buladas, isa si Lio sa masasabi kong nakakabilib na bloggers. Rare, kumbaga.
  3. Challenging basahin ang mga panulat nya dahil nasusubok nito ang bokabularyo ng mga mambabasa.
  4. Interesante. Lalo na ang mga reviews nya ng pelikula, libro, atbp. Kahit na yung mga isyung hindi naman talaga ako interesado, kapag nakita kong ginawan ni Lio ng post, naeenganyo ako na basahin.
  5. Malalim at malaman ang bawat bato nya ng pangungusap. Pakiramdam ko, graduate talaga si Lio ng Kurso sa Malikhaing Pagsusulat (Creative Writing) sa isang mataas na unibersidad at nagpapa-low-profile lang sya.
  6. May puso. Dahil siguro inlabo sya ngayon. Eto nga oh, mamimigay pa sya ng apat na mamahaling libro sa pakontes na 'to! may painom pa at buffer dinner!  Ambait! XD
  7. Dahil minsan nya akong isinama sa nomination nya sa Top 10 Emerging Influential Bloggers na pakontes noong nakaraang taon.  Naging finalist pala ang entry nya na ito sa Pinoy Blog Awards last 2009. Sabi nya, "Yffar's World - para sa mantrang nakikita ko lang sa napakakonting bilang ng mga androids at drones sa lipunang walang bayag".  Nasabi ko nalang. "Weh?"   Napapadpad pala sya sa blog ko last year??? Isang taon ang lumipas bago ko nakita ang post nya, sa Google search ko pa nakita (salamat Google). Sa totoo lang, ni-hindi ko man lang nga naintindihan kung ano ang sinabi nya, hehe.
  8. Nahihiya akong sabihin na magka-wavelength kami, pero feeling ko talaga oo.
  9. Hindi ako magaling magmura, pero dahil madalas naman syang magsalitype ng katagang shit at iba pang salitang kauri nito sa blog nya, gumagaan ang loob ko dahil pakiramdam ko ay ginagawa nya ang hindi ko magampanang tungkulin. XD
  10. Dahil sikat na sya. At gusto kong dumikit sa mga sikat.
O, tama na yan!  Baka lumaki na masyado ang ulo mo, hehehe.  Kung hindi man ako manalo ng Palahniuk, kahit yung ika-siyam nalang ni Zafra na may pirma nya.  Sabi ko nga sa simula, ito'y hindi isang ordinaryong post, dahil bihirang-bihira akong pumuri ng ibang tao.  Pero dahil nararapat ka naman talaga bigyan ng papuri, at dahil narin may pakontes ka, eto ang sa'yo.  Hitting two birds with one stone, ika nga. XD 

O sya, byerts!



Thursday, December 16, 2010

Samut saring Balita

Parang kawawang-kawawa yung orihinal na titulo ng nakaraang post ko, kaya napagdesisyunan ko (na ginawa ko sa ikatlong pagkakataon) na baguhin-slash-alisin ang orihinal na title. Ewan ko, pero sa tagal ko ng nagsusulat, hindi parin talaga ako magaling mag-isip ng title sa mga posts ko. 2005 pa ako nagsimulang magblog pero pakiramdam ko walang inunlad ang paraan ko ng pagsusulat. Mukang bumaba pa nga ang kalidad. Ang hirap kasi mag-isip ng titulong swak sa banga. Lagi na lang, pagkatapos kong magsulat ng kung anong shit, sa dulo, bigla na lang akong matitigil ng ilang minuto para mag-concentrate na paganahin ang laman sa loob ng bungo ko para makapagpalabas ng isang maayos at disenteng titulo. Pero minsan, kahit gaano ko pa sikaping tikolin ang utak ko, ayaw talaga lumabas ng creative juices.  Nakakahiyang aminin na ako mismo, kung minsan, hindi sang-ayon sa titulong napipili kong ipaskil.

No return no exchange ang policy ko dati sa blog.  Touch move - kung ano na ang naitipa, naipaskil, naibato sa wall ko, wala ng bawian. No erase, period! Kahit nga noong minsang pinagbantaan ako ng isang alagad ng isang di-ka-sosyalan-na-kumpanya noon, na mapipilitan daw silang gumawa ng legal na hakbang laban sa akin kung hindi ko raw buburahin ang maaanghang kong panulat tungkol sa ka-cheapan ng kumpanya nila noon, di parin ako natinag. Potah, kasalanan ko ba na panget ng kumpanya nila? Hindi ako kailanman magpapadikta sa kung sino mang asungot - isa pa, blog ko to!  Ako ang hari at diyos dito at sarili ko lang na konsensya ang pakikinggan ko. Sabi ko sa takteng kumontak sa akin - wala akong ginawang masama, opinyon ko ang ibinigay ko, kung nasaktan sila - problema na nila 'yon, kung gusto nila magdemanda tatawanan ko lang sila.  Ano namang akala nya sa akin, bata para matakot? Sabi ko, bakit di ka nalang gumawa ng blog mo at ipagkalat mo ang mga mabubuting katangian ng kumpanya mo - kung meron man. Di narin naman sila nagparamdam pagkatapos ko sumagot sa tanginuming email-slash-threat nila. Kamakailan lang, pinalitan ko ang original na titulo ng isang post ko. Tinaytelan ko kasi iyon ng K*ntutan Tayo. Wala pang limang minuto ng pagkakapublish. Naisip ko bigla, baka ma-ban sa future-office ko ang blog ko at ma-tagged bilang site with pornographic content (paranoid lang). Nabahag ang lawit ko at pinalitan ko ng Sex Tayo ang titulo. Mas disente, sa tingin ko kumpara sa K Tayo (oh - wag ng patulan ang sinabi kong "disente" - iba-iba tayo ng moral background. Wag na nating pagtalunan). XD

Kung saan-saan na ako napadpad, ang gusto ko lang namang sabihin sa itaas ay nahihirapan akong lagyan ng title ang posts ko kung minsan. Period. Ang haba ng pasakalye, pfft.

Dahil madalas ay nasa bahay lang naman ako, balita nalang sa tv, libro, at kung anu-anong-shit sa internet na lang ang madalas kong pagkaabalahan.  At para sa mga nagbabagang balita:

14-anyos na batang lalaki, tinaniman ng gunting sa ulo:
This is not a title in some tabloid, tunog-tabloid lang. Balita yan sa TV Patrol kanina. Apat na araw ng nakatarik ang gunting sa ulo nung bata na itago nalang natin sa pangalang Edward. Hindi kasi sapat ang pasilidad ng baryotik hospital sa probinsiya ng bata, at natatakot ang lokal doktor sa bayan nila na hugutin ang gunting. Kailangang madala ang bata sa mas engrande na ospital para sa mas madibdibang obserbasyon.  Hindi ko lang lubos maisip kung bakit umabot pa ng apat na araw ang gunting sa ulo. Imagine-nin mo 'yung usual holloween costume na may nakasaksak na kutsilyo sa ulo na tagus-tagusan sa magkabilang gilid ng noo? Nakakatakot di ba? Parang ganown ang itsura nung gunting sa ulo nung bata, pero syempre hindi tagos at nasa bandang likod malapit sa ulo ng bata nakatanim ang gunting. Apat na araw na raw may gunting sa ulo ang bata. Kawawa naman. Tawag tuloy sa kanya sa kanila, Edward Scissorhead - hindi 'to joke, syempre.

Sinubukan kong humanap ng imahe ng bata pero wala akong mahagilap.

Hubert Webb after 15yrs in prison:
Shopping galore ang potah ng shirt and pants pagkatapos ng labinlimang taon na pagkakapiit. After 15yrs sa loob ng kulungan, hindi na raw sanay magpantalon si Hubert after 15yrs. Kasi nga naman, sa loob ng 15yrs panay pekpek shorts at orange na t-shirt lang ang fashion statement nya sa kulungan sa loob ng 15yrs. Labinlimang taon daw siyang inakusahan sa salang hindi daw nya ginawa pero pinagdusahan nya in 15-fucking-years. Ilang beses ko ring narinig ang 15yrs sa mga interview sa kanya at sa kanyang pamilya na pinangangambahan kong umabot din ng 15yrs. Kasi nga naman, 15yrs eh. Di ba, ikaw ba naman, 15yrs. 15yrs din suguro nilang uulit-ulitin ang 15yrs. Syempre, mahirap kalimutan, 15yrs yun eh.

Wala talaga akong pakialam kay Hubert at sa 15yrs nya, pero naaawa ako kay Mr. Vizconde. May uhog pa ako sa labi nung nangyari ang karumaldumal na krimen, at lumaki akong exposed sa balitang ito. Di lang naman ako ang dismayado sa pag dismiss ng SC sa kaso, mismo si "Hanging Judge" Justice Manuel Pamaran, nabadtrip nung masagap ang balitang acquitted ang tropa ni Webb. Guilty sa kanya si Webb. Sa akin din.

Haaay, the fact that they were acquitted doesn't mean they did not do the crime. Si Batman na bahala sa kanila.

Oplan Isnabero:
This is DOTC's drive against abusive and snobbish cabbies. Kasi naman, umaabuso, hindi naman sikat tapos ang lakas ng loob mang-snob. The nerve. Bawal na tumanggi sa mga pasahero, bawal mamili ng route, at bawal ring hindi gamitin ang metro. Ewan ko, matagal ng batas ang tamang paggamit ng metro pero ang dami paring bwakinang taxi drivers na hindi gumagamit nito lalo na sa pinagpalang bayan ng Alabang. Mabuti pa sa Makati, nakakapag taxi ako noon galing sa aking flat papuntang office sa halagang 60 pesos. Pero sa Alabang, papasok lang sa village mula sa mall, 250 pesos na! Pag may bagahe, 350! Kalokohan. Kinausap ko noon si Mayor San Pedro, sinumbong ko sa kanya ang mga taxi dito, sabi nya "I'll look into it and I'll get back to you." Hindi ko alam kung bat nya nasabi 'yon, di ko naman tanda na ibinigay ko ang number ko sa kanya. Na-reelect na sya sa office pero hindi parin sya nakakabalik. Pakshet.

Yep, I did speak with the mayor last year. Napanaginipan ko yun eh.

New Philippine Banknotes:
Excited ako dito.  All the seven banknotes denominations (20, 50, 100, 200, 500, 1000 and 2000), have a new design. Pati narin ang coins. Central Bank of the Philippines will start distributing the new 20 peso bill tomorrow. They upgraded the security features of all banknotes to make it easier for the public to detect fake money. Major change ang pagbabago sa perang papel at mas pinatingkad ang kulay. Maraming pagbabago; pinabata si Roxas, dinagdag si Cory kay Ninoy, sinama ang ilang natural wonders of the Philippines - kasama ang Philippine Tarsier. Sabi ni President Noynoy sa balita, kulang nalang daw sa 500 bill eh muka ni Kris at Bimby. Utot nya. Napakasamang joke kaya non. Pwede nyang isama muka ni Kris, pero dapat nakapatong sa ulo nya yung tarsier. [Insert Kris-laugh-here: Ahah, hah, hah, hah!]

Eto yung ubod ng bagong-bagong design.



Biro lang. Eto talaga.

Hindi ko alam kung ako lang, pero parang nakakaloko ang ngiti ng mag-asawang Aquino dito.
Galing dito ang larawan

Astig ang pagkakadesign.  Hanapin mo si Gloria sa Larawan.

Ayun si GMA.  Sinama pa talaga, lakas mang-asar ni Noynoy.

Gusto ko ang design ng mga bagong papel.  Nakakatawa lang makita na pinaliit ng todo ang imahe ng panunumpa ni GMA.  Parang sampal sa muka ni arroyo yan, kung ako ang tatanungin (pero wala rin talaga akong pakielam dito).

Kung hindi ka nag-skip read, naguluhan ka siguro sa "seven" banknotes na sinabi ko.  Anim lang talaga, wala pang 2000 bill.  Naexcite ka naman siguro.

O sya, byerts na!



Setting the Holiday Mood [new title]

Christmas won't be as much as fun as last year on two counts. One, I'm unable to find a job I really like (like, not need), and two, I have no money to buy gifts. I'm hoarding what's left of my little dough and I'm trying not to waste it so I'm spending a lot of my time at home. The only time I went out to have fun was last Thursday. It was Serg's birthday and booze was free - thank Gawd, alcohol! In the local news, both cases against Hayden Kho and Hubert Webb were dismissed. Well, I don't care much about Halili, but I feel sorry for Mr. Vizconde because I really think Webb is the culprit.  (It's obvious that I'm telling about the local news for the lack of better things to say). Pfft... oh well, I don't really give a flying fuck about Kho and Webb. Really.

I feel soooo sad that it's Christmas and I'm broke. Pfft. Paano na ang pamilya, mga kaibigan, at mga inaanak ko? Call me materialistic, but you'd know that I love you, or care about you, if I spend money on you. Please don't lecture me about different ways of showing love other than giving gifts. I know and I recognize them all. It's just that, with me showing love to others, giving gifts is the easiest. Besides, money is something that I don't have lots of, so I really value it. Words of affirmation, physical touch, quality time, and acts of service are the other love languages that I appreciate and recognize.  It's me expressing these love languages to others that I'm having trouble with. I'm really sad (and I'm saying this again, I know) but this isn't depression - though I've called this as such countless times before. What I used to know as depression is really dissatisfaction, and you may call this a case of paradigm shift. Wanting what I don't have (moolah) and taking the things I have for granted, just like what many other people do to make their already complicated lives more complicated - is nothing but dissatisfaction.  For me, it's the root of all sadness.  It's funny that I'm aware of this, yet here I am whining about being broke and sad and blah blah shit blah. Hmmkei, I really shouldn't be sad, because I'm lucky I have a home and family! Many people don't have both.

Oh...love? What is it? Pfft.

Well, sorry dear bloggy, your parent is a bore. When you're not able to go out and record, things don't happen that much. I just felt I needed to write something here so you'd know I'm alive.

Not much to blather about today, so I'll just post my new paintings (or stained cloth, if you prefer calling it that way) I made last week.

Acrylic on 20 x 14 inch canvas
  
Acrylic on 18 x 12 inch canvas


There's actually another one, but I'll post it some other time.  Wait, how about my paintings as Christmas presents?  Hmmm.... never actually thought of it.  Sounds like a good idea, but, errrr, I don't have new canvases.  Oh well.  I'm not good in giving hugs and kisses, but that's all I have.  Tsaka pag-ibig, katatagan, at pag-asa.  Babawi na lang ako next year.  Promise.

Byerts!





Wednesday, December 1, 2010

Maybe This Time

Hindi ko dapat ito ikukwento dito, pero, sige na nga.  Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo.  Kinilig kasi ako ng sobra-sobra kanina eh, teee heee! XD

Kanina, nanonood ako ng TV. Nakatunganga lang talaga, hawak yung remote habang pinapalipat-lipat yung channel pero wala namang hinahanap.

Biglang tumahol si Sandy at Paw. May tao.

Naisip ko agad malamang mga alagad na naman ng home owner's association 'yon at nagtatawag para maningil ng monthly due. Shit. Lumabas ako para sabihing ako lang mag-isa at wala akong maiaabot na pera, pero nagulat ako kasi ibang tao ang nakita ko.

Tumigil ang paghinga ko.

Siya. Hindi ko inaasahan. Sya pala ang nasa labas. Naka tingin sya sa akin, at abot-tenga ang ngiti. Lumapit ako ng dahan-dahan, pigil parin ang paghinga at di makapaniwala.




Nag Hi ako.  Gusto ko sanang bawiin yung pag Hi ko, pero nasabi ko na. At nagsimula syang magsalita.

Sabi nya, sorry daw. Hindi naman daw nya ako gustong iwanan. Kinailangan nya lang talaga. Tatlong taon na ang nakalipas. Sorry daw dahil tatlong taon din syang hindi tumawag. Walang text. Walang YM. Ni-hi, ni-ho, wala.

Gusto daw nyang bumalik. Mahal pa daw nya ako.

Ganun na lang ba talaga 'yon?! Tatlong taon syang nawala ng walang pasabi. Pinutol pa ang komunikasyon. Tapos biglang ganito?!

Niyakap nya ako ng mahigpit.  Wala akong reaksyon. 

Ganun parin ang gamit nyang pabango. 'Yon ang binigay ko sa kanya noong huling pasko namin na magkasama.  Lalong syang gumanda, at mas masarap ang yakap nya ngayon.  O siguro, na-miss ko lang talaga sya. Magulo ang utak ko, pero, ang damdamin na akala ako ay tuluyan ng tumagas, nabatid ko na lang na muling nag-aalab. Masaya ako. Sobrang saya! Para akong nanalo ng 700 million pesos sa lotto, o higit pa!

Tapos bumitiw sya sa pagkakayakap sa akin sabay tingin sa mga mata ko ng malalim.  Nakangiti parin ng ubod tamis. Shit. Ramdam ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa aking mata. Mainit. Mahiwaga.

Isang minuto siguro syang nakatitig sa akin. Pigil parin ang aking ngiti.  Ayaw kong ipaalam na masayang-masaya ako.  Pero alam ko, bigo ako na itago ang tuwa ko sa aking mga mata. Tinanong nya ako kung mahal ko pa sya.

Tumango lang ako ng marahan.  At tumalon sya! Parang bata na napagbigyan sa hiling. Napangiti na rin ako sa wakas.

Mahal ko talaga sya eh. 

Sabay humalik sya sa akin. Ginantihan ko naman. Hindi ko talaga maipaliwanag ang saya ko.  Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang ganun, haha! Narinig ko bigla sa utak ko na tumutugtog ang kanta na "Maybe this time." (i-right-click mo yung kanta tapos buksan mo sa new tab/window, para mas dama mo ang pagbasa, LOL). Nung senior prom night ko siya unang naisayaw, sa parehas na tugtog.  Pasensya na ha, ang keso ko, pero sobrang saya ko talaga! XD

Natapos ang halikan namin. Sabi ko pasok sya sa loob para makapagkwentuhan.  Mahilig sya sa McDonalds noon, kaya sabi ko tatawag ako at magpapadeliver ng paborito nyang twister fries.  Magkayakap kaming pumasok sa bahay.

Tahol parin ng tahol sina Sandy at Paw. Hindi na sya kilala ng mga aso namin sa bahay, hehe. Tatlong taon eh.

Nasa loob na kami ng bahay at inalok ko sya ng maiinom.  Nasabik ako ng husto sa kanya.  At kita ko na mas masaya sya sa pagkikita naming mulli.  Kumuha ako ng dalawang coke-in-can na galing sa freezer.  Sa kapatid ko 'yon, ok lang, papalitan ko na lang.  Madalas din naman nyang gawin 'yon pag ako ang may binili. Pagkabukas ko ng isa ay iniabot ko agad sa kanya.  Sabay tanong ko, "Ano ba ang nangyari?" Sumagot sya.  Mahina ang boses kaya hindi ko gaanong narinig.  Ang ingay kasi ng mga aso.  Hindi parin matigil sa pagtahol.  Ayaw makisama.

Nagpasya akong lumabas para pakalmahin ang mga aso.  Tuloy parin ang pagtahol.  Palakas ng palakas. Nakakarindi. Hanggang sa nagising ako.

Nakatulog pala ako sa sofa.

Hindi ako makapaniwala.  Parang tototo ang nangyari.  Biglang bumalik yung sakit. Naulit ang lahat ng hapdi. Shit. Para akong iniwan ng mahal ko sa pangalawang pagkakataon. Ganun parin kasakit.

Di ko mapigilang umiyak. Tatlong taon na ang nakalipas, akala ko wala na. Nakadalawang girlfriend na ako pagkatapos nya, pero sya parin pala ang hinahanap ko.  Letse.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sofa para kumuha ng iced-tea, nang biglang tumahol ang mga aso. May tumatawag.

Kilala ko ang boses, pero hindi monthly due.  Sinilip ko sa bintana  para kilalanin ang tumatawag.

Tumigil ang paghinga ko.






Copyright © 2010, All rights reserved

Monday, November 29, 2010

I Doodle

Kapatid (kaninang tanghali):  "Kuya, muka kang pusang-gala-na-hindi-nakatulog."

Huh?  Ayos sa ginamit na pang-uri* ang kapatid ko ah, pusang-gala-na-hindi-nakatulog.  Pfft.  Tumingin ako sa salamin.  Muka nga.


*(salamat sa pagwawasto, Klet Makulet) XD


[Untitled]

Maglilinis dapat ako ng kwarto kanina, pero hindi ko na natuloy. May istorbo kasi. Matagal ko ng hindi tinutulugan ang kwarto ko sa maraming kadahilanan, gaya ng masamang espirito na gumugulo lagi sa aking pagtulog. Biro lang 'yong "masama". Wala naman talaga syang ginagawang masama sa akin, pakiramdam ko lang naman ay lagi nya akong tinititigan hanggang sa pagtulog. Pero ok lang na maramdaman ko ang presensya nya, basta wag lang syang magpapakita.

Hindi tungkol sa multo ang post ko ngayon.

Kanina kasi, sabi ko nga, maglilinis ako dapat ng kwartto ko. Pero nung aayusin ko na dapat ulit yung mga gamit, na ginulo ko the other week, dun sa taas ng cabinet ko, bigla ko na namang nakita ang mga lumang engineering books ko. Sila ang tinutukoy ko na istorbo. Naisip ko na naman na dapat ay engineer na ako ngayon kung hindi lang ako napilitang huminto noon sa pag-aaral. Binuklat ko rin yung mga libro noong huling beses na nag-ayos ako ng kwarto. Sinipat-sipat lang ng kaunti noon. Pero kanina, hindi lang basta simpleng pagbuklat at pagpihit ng pahina ang ginawa ko.

Binasa ko at inaral ang unang chapter ng libro.

Napagtuunan ko ng pansin yung libro ko sa Thermodynamics. Tanda ko pa kung saan ko nabili 'yong libro. May kamahalan kasi sa bookstore ng eskwelahan ni don tomas, kaya para makatipid kahit na kaunti ay dinadayo ko pa talaga noon ang recto para doon bumili ng mga second-hand, pero maayos, na libro. Matino parin ang itsura ng libro hangggang ngayon, kahit na 6 na taon na syang nakatambak sa kabinet. Medyo kulubot na ang cover, dahil narin sa pag-urong ng plastic na ipinambalot ko. Pero syempre, ganun parin ang laman. Nakaka-nosebleed parin. Napasenti mode na naman ako kanina.

Saan na nga ba tumagas ang pangarap ko noon na maging isang magaling na engineer?

Paborito ko noon ang Thermodynamics, partikular ang Thermo 2. Subject na pang third year ang Thermodynamics. Bago mo makuha ang Thermodynamics 1, kailangang pasado mo muna ang Physics 4, Integral Calculus at Chemistry 4 (di ako sure sa Chem). Hindi na simple ang subjects noong third year. Komplikado ang lahat at hindi lang bast-basta memorization, kaya doon ako nagsimulang magseryoso sa pag-aaral. Isa pa, nagkasakit na kasi noon si Tatay - at alam ko noon palang, na manganganib ang buhay ko sa college kung hindi ako makakakuha ng scholarship. Mahal ang pagamot kay erpat, kaya do or die ang sitwasyon ng pag-aaral ko.

Natatandaan ko pa noon, ako ang kopyahan ng mga kaklase kong tamad mag-aral. Hindi ako natutong mangopya noong high school ako. Labag 'yon sa prinsipyo ko dati. Isa pa, matatalino ang mga kaklase ko sa hs at ang sino mang magtangkang mangopya ay pihadong maa-outcast. Kasalanang mortal kasi iyon sa section na halos lahat ay naghahabol sa honor roll. Pero nagbago ang pagtingin (parang crush lang) ko sa pangongopya noong tumuntong ako ng college. Lantaran kasi ang pangongopya at walang hiya-hiya sa mga kaklase.  Para akong na-demoralized.  Sa section ko noong high school, ikakahiya ang mahuhuling nangongopya (wala akong kilala na nagtangka), pero sa college, ikinakahiya ang hindi nagpapakopya. Aminado ako, na noong una, masama ang loob ko sa pagpapakopya. Hindi naman sa madamot ako sa impormasyon. Masama lang ang loob ko dahil hindi ako makakopya! Lugi ako eh! Malabo ang mata ko at kahit pa nakasalamin ako ay hindi ko rin kita. Kakailanganin ko pang ipihit ang ulo ko ng kulang-kulang 90-degrees para makita ang papel nila. Kaya naman sarili ko lang ang naaasahan ko noon pagdating sa exams.

Una akong nakatanggap ng genuine appreciation sa college noong third year. Sa Thermodynamics 2 class. May mga pagkakataon na sinasabihan ako ng mga kaklase ko na magaling daw ako. Alam kong panay buladas lamang iyon. Pero iba na kapag nanggaling sa isang professor ang magagandang salita. Si Engr. T ang tinutukoy ko, at sikat siya noon sa ME dept. Ayon sa balita, square root lang ng kabuuang bilang ng klase ang madalas na pumapasa sa subject nya.  Sa eskwelahan ni don tomas na maligaya na ang estudyante na makakuha lang ng tres, isinusumpa ang lahat ng ganyang klase ng propesor. Istrikto siya sa ang unang araw nya sa amin, at hindi naging maganda ang impresyon ko sa kanya. Parang tipikal na astang-mayabang-na-akala-mo-kung-sinong-magaling-na-prof. Yan ang unang tingin ko sa kanya. Hindi naman nagtagal ang pangit na impresyon ko sa kanya dahil iba sa nauna kong mga prof , natuto ako sa kanya. Hindi sariling aral ang nangyari, sa kanya ako mismo natuto. Quarter term ang educational system sa eskwelahan ni don tomas, kaya lahat ay mabilisan. Kinapos noon sa oras si Mr. T kaya pinagsabay-sabay nya sa loob ng napakalaking classroom ang final exam ng tatlo sa mga sections na hawak nya. Nakapwesto na ako sa upuan ng tinawag nya ako. Nagtaka ako. Pagdating sa harap, sinabihan nya ako na hindi na daw ako pwede mag take ng final exam. Nagulat ako dahil maganda ang performace ko sa klase nya. Tinanong ko sya kung bakit. Sabay tapik nya sa balikat ko, "kahit na ibagsak mo ang final exam, 1.5 pa rin ang grade mo eh. Sisiw lang itong final exam sayo. Exempted ka na". Pumalakpak ang tenga ko (at naramdaman ko talaga). Unang beses kasi na may propesor na nakapansin at nagbitaw ng magandang salita tungkol sa akin. At dahil busy sya, pinakiusapan nya ako na kung pwede daw ay ako ang magbantay sa exam ng klase nya. Kaya naman pala napakabulaklak ng papuring binigay nya sa akin - hihingi pala ng pabor. Naging instant-mini-celebrity ako sa maikling panahon pagkatapos ng final exam sa Thermo 2. Feeling ko rin noon ay matalino talaga ako at tumaas ang self-esteem ko.

3 school terms after that, himinto na ako sa college. Hindi kasi kinaya ng grade ko na makakuha ng scholarship. Bitin ng 0.03 ang marka ko para makakuha kahit ng half-scholarhsip (salamat sa isang kong prof na nagbigay sa akin ng dos na humila sa grade ko pababa). Konting-konti nalang sana. Kung alam ko lang, sana nag-effort pa ako ng mas mabuti para nawala ang 0.03 na difference sa grade requirement.  Yun na. May sakit si tatay eh, at paubos na ang pera ng pamilya. Kinailangan ko munang huminto sa pag-aaral.

Hindi na ako nakapagpatuloy ng pag-aaral pagkatapos noon.

Nakausap ko pa si Engr T bago ako huminto, humingi ako ng pabor, na kung pwede nya akong bigyan ng recommendation letter para makapag-apply ako sa Monbukagakusho Japanese scholarship. Hindi siya nagdalawang isip. Alam ko nalungkot si prof para sa akin nung nalaman nya na huminto ako sa pag-aaral. Sabi nya sa akin, ipagpatuloy ko raw ang pag-aaral ko pag nabigyan ng pagkakataon. Malaki daw ang potensyal ko para maging isang mahusay na engineer, at pwede pa raw akong maging higit sa kanya - yan ang sinabi nya sa akin. Nakatutuwang isipin na may taong naniwala at nagbigay ng papuri sa kakayahan ko bilang estudyante. Para sa akin, higit pa ang mga salitang binitiwan nya sa anumang medalya na maaaring iparangal. Hindi lang kasi papuri ang ibinigay nya sa akin, kundi pati tiwala at lakas ng loob.

Hindi rin ako natuloy sa Japanese scholarship dahil hinihingan nila ako ng transcript of records. Ang problema - ayaw ibigay ng registrar ang transcript ko. Hindi ko pa kasi bayad noon ang kulang ko sa tuition. Nasa ospital si tatay noon at nilalabanan ang kanser. Gustuhin ko man bayaran ang kulang ko sa tuition para makuha ang transcript, mas kailangan ni tatay ang pera para sa ospital.

Habang tinitingnan ko ulit ang mga libro ko kanina, hindi ko mapigilang manghinayang. Anim na taon na ang lumipas. Lahat ng inipon kong datos sa utak ko noong nag-aaral pa ako ay parang tuluyan ng tumagas at nasayang. Saan at paano ako ngayon magsisimula? Nalimutan ko na ang lahat ng napag-aralan ko. Ilang taon ding nabakante ang utak ko sa kakaprocess ng request at kakaayos ng problema ng mga kano sa telepono.

Pinangako ko noon na magiging engineer ako ano man ang mangyari. Pero ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pa. Patawad sa sarili ko, parang hindi ko na kayang tuparin ang luma kong pangako. Pakiramdam ko bumaba ang antas ng utak ko. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ang musmos kong pangarap, o kung ipagpapatuloy ko nalang ang pagpuputa ko sa gabi kapiling ang mga putang-inang kano sa telepono. Ang hirap. Masakit na sa bulsa pag ako'y bumalik, pihadong masakit rin sa utak dahil apat na taong impormasyon sa kolehiyo ang kakailanganin kong isaksak ulit sa utak ko para masimulan ang ikalimang taon ng kursong iniwan ko. Basta, huli man, magtatapos parin ako ng kolehiyo, kahit na magshift na lang ako sa mas simpleng kurso, para lang makakuha ng diploma na pwede kong isampal sa lipunang humihingi nito.



***Inilathala ko ito dito para magsilbing hamon sa akin. Hindi mo na kailangang ipamuka sa akin ang dapat kong gawin. Marami akong dahilan kung bakit hindi ko agad naipagpatuloy ang pag-aaral ko. Napag-isip-isip ko, sarili ko lang naman talaga ang pumipigil sa akin. Feeling down kasi ako nitong nakaraang mga araw. Kailangan ko lang ng konting tulak.  Balak ko na bumalik next year. Magtatapos ako ng kolehiyo. Period.***



Saturday, November 27, 2010

Takteng Kabinet (at ang reenactment ng gulo sa korea at pagsabog ng bulkang bulusan sa condo ni ate)


****Ilang araw na akong tuliro at hindi mapalagay. Ang hirap talaga, ako lang ba ang walang pera ngayong pasko? Kawawa naman ako.****

Galing ako kanina sa condo ng kapatid ko sa Boni. Actually, apartment lang talaga yun... condo lang ang tawag ko para mas sosyal pakinggan. Eh bakit ko nga ba binuking na apartment lang talaga 'yon kung gusto ko naman syang palabasing sosyal? Isang malaking paradox. Tuliro na naman.  Balik sa condo. Nagbalik loob kasi ulit ang ate ko sa kanyang condo matapos ang dalawa o tatlong araw na pananatili sa ibang unit dahil sa pagbabakbak ng sahig para palitan ng mamahalin at makinang na tiles na wangis ng sa Edsa Shangrila Hotel. Yung tipong pwede ka ng manalamin sa sobrang kinang, kita pati panty pag nakapalda ang nakatayo. Ganown kakinang. Bago ang sahig, pero dyos ko, sobrang kalat. Ang alikabok. Ang baho. Ang gulo-gulo sa loob ng condo. Parang nagsabong ang North Korea at South Korea, katulong ang US, kasabay ng pagputok ng Bulkang Bulusan, sa loob ng condo ni ate. Letseng kalat. Kaya pala gaun nalang ang pagpilit ni ate na tulungan namin sya sa paglinis. Actually, kami lang ang naglinis dahil pagkatapos nya sa opisina ng hapon eh dumiretson naman sya at naglaro ng badminton kasama ang kanyang mga kaopisina. So ang ending, hindi ako tumulong maglinis, kundi ako ang naglinis. Kasama pala si bunso. Hindi ko kasi masyado naramdaman ang presensya ni bunso dahil ako lang halos ang naglinis ng buong condo. Haaay.

Kagabi palang nag-uusap na si bunso at si ate sa telepono kung ano-ano ang kailangang gawin sa condo. May mga bilin. Kampante naman ako na nayakap ng comprehension skills ni bunso ang mga habilin ni ate. So go kami kanina sa condo. Meron dun isang napakalaking cabinet na dating nakadikit sa dingding. Mataas yung kabinet, mga 7-talampakan ang taas, at isang metro ang lapad. Mabigat dahil gawa sa solidong kahoy. Di ko alam kung anong klaseng kahoy 'yon, pero parang sa puno ng malunggay. Basta matibay at mabigat. Nagulat na lang ako pagdating namin sa loob dahil binaklas pala ng nag-ayos ng condo ang malaking cabinet at inilipat ng pwesto - tapos hindi binalik! Pothang ina!!! Naiwan tuloy yung bakas ng pinaglagyan ng cabinet sa dingding.

Hindi pa ako kumikilos eh nanghihina na agad ako. Tinanong ko si bunso, "ano daw ang balak nya (ni ate) dito?"

Sagot naman si bunso, "ikaw na raw ang bahala mag-ayos eh."

Pothang-ina. Prinoblema ko kaagad yung bakas sa dingding na dating pwesto ng malaking kabinet. Iba na kasi yung kulay nya sa mismong kulang ng condo. Kelangan pinturahan. Pero wala akong pintura, at ayoko naman lumabas at mag-effort na bumili ng brush at pintura. Pero sa totoo lang, mas madaling magpintura kesa iurong yung napakabigat na kabinet na yon. Pero, naisip ko na baka sabihin ni ate eh trabahong tamad ako. Kilala ko si ate, ayaw nya ng trabahong tamad, at isa pa, isa syang cold-blooded at heartless na kapatid (oo, nanonood ako nung palabas sa hapon - ako na ang tambay), kaya imbes na bumili ng pintura, nagtyaga ako na itulak ang makalaglag-itlog na cabinet papunta sa orihinal nya na pwesto. Estima ko higit 12 feet ang distansya. Takte ang bigat!  Hindi ko na pinatulong sa bunso sa pagtulak sa kabinet dahil bukod sa babae sya eh medyo may pagkalampa rin. Kaya sariling sikap ako sa pagtulak ng cabinet.

Solb. Nasalo naman ng boxers ko ang itlog ko.

Madami pa akong ginawa pagkatapos ng pakikipagbuno ko sa kabinet na walastek. Punas dito, punas doon; pagpag dito, pagpag doon; kain dito, kain doon. Madami. Limang oras din ang inabot namin ni bunso para linisin ang buong condo. Kisame lang ang hindi dinapuan ng basahan. Gabi na nang dumating si ate. Sakto, may dala syang pagkain para sa mga inalipin nyang kapatid. Natuwa agad si ate dahil wala na ang mga kalat at basurang iniwan nya nung pumasok sya sa trabaho. Pagpasok nya ng kwarto, biglang "Nyek, anong ginawa nyo dito???"

Nagulat naman ako. Bakit daw bumalik sa dating pwesto yung cabinet.  Sabi ko naglakad mag-isa (patawang vice ganda, ang korni).  Sabi ko, "eh dyan naman talaga yan nakalagay diba?"

Sabay kamot ng ulo ni ate, "Eh pinabaklas ko nga yan kay Mang Kepweng at pinalipat doon (turo sa sulok) para ma-maximize ang space, tapos ibinalik mo din??? Kawawa naman yung matanda. Ang bigat-bigat kaya nyan!"

Takte, mas naawa pa sya sa matandang hindi kaano-ano kesa sa akin.

Hindi naman pala kasi pinapabalik ni ate ang cabinet sa dating pwesto. Ang bilin nya kay bunso, ako na raw ang bahala mag-ayos sa mga kasangkapan at "magpintura sa dating pwesto ng kabinet". Dyoskopo. Ilang lapad ng mantika ang ibinuwis ko sa pagbalik ng cabinet nya sa dati nitong pwesto, tapos hindi naman pala dapat ibalik.  Halos isang oras ko kayang itinulak ang lintek na kabinet na yon!  Mabuti na nga lang at hindi natuluyan ang itlog ko at hindi ako nalagutan ng main artery.

Matapos ang ilang minutong pagpapalitan ng laway, confirmed - di na-gets ni bunso ang bilin ni ate. Hindi naman daw nya ipapabalik 'yon dahil una, pinalipat nya talaga yon; at pangalawa, sobrang bigat daw nung kabinet para ipaurong sa cute nyang kapatid (ako 'yon).  Hindi raw kaya ng konsensiya nya at alam daw nyang tamad ako kaya imposibleng gawin ko rin 'yon.  Kaya nga daw si Mang Kepweng ang tinawag nya para magbaklas at maglipat ng kabinet kahapon kasi ayaw nya akong pahirapan. Sapul tuloy ako at ang aking maling akala na isa syang cold-blooded at heartless na kapatid. Alam nyang ubod-ng-bigat ng kabinet kaya hindi na nya ulit pinaurong sa akin. Salamat naman.

Kung minsan talaga, wala sa tamang hulog ang kasipagan ko.  Tsk tsk.

Pero kanina, nung pauwi na ako, nakonsensya ako bigla. Kasi binigyan nya ako ng pera bago kami umuwi (oo na, oo na, tambay ako, binibigyan lang ako ng mga kapatid ko ng pera!). Tinext ko tuloy sya, sabi ko sa off nya babalik ako sa condo para iurong ulit yung kabinet. Di pa sya nagrereply, malamang tulog na. Pero sigurado ako papayag 'yon.

Tahimik lang si bunso buong byahe pauwi sa bahay. Guilty, haha. XD Ok lang, at least nalaman ko ang tunay kong kakayahan. Mag kargador nalang kaya ako sa palengke. Magkaka-abs pa ako. Good idea.

****Nabanggit ko ang Bulkang Bulusan kanina.  Sana ok lang ang mga kababayan ng nanay ko sa Sorsogon.  Taga-Bulusan ang nanay ko, pero hindi naman apektado yung mga mayayaman naming kamag-anak doon.  Yung mga taga Irosin ang apektado, yung nasa likod ng Bulkan.  Sabi ng mga taga-Irosin, ang dugas daw ng bulkan.  Naturingang Bulusan Volcano ang pangalan pero sa ibang bayan namiminsala.****

Yan ang ate ko sa gilid ng Bulkan noong July. Ex-model ng Ford.
Sa totoo lang. sobrang lungkot ako dahil naubos na yung pinagmamalaki kong ipon.  Buti nalang nandyan ang pamilya ko na patuloy ang pagkupkop sa akin (syempre may kasamang sermon, pero ok lang, LOL).  Yung mga kainuman ko, wala na.  Letse.  Wala man lang mag-aya ng inom ngayon.  Kapag nasa ibaba ka na talaga, tanging pamilya lang ang siguradong hindi ka iiwan.  Positibo naman ako na may trabaho na ulit ako bago matapos ang taon.  Sure na yan.  Ang galing-galing ko kaya. XD

Ayan, nanghihinayang na naman ako sa nilisan kong trabaho. Shit.

Byerts now! XD




Tuesday, November 23, 2010

SEX TAYO!

Sabi nga nila, mas mabilis pumukaw ng atensiyon ang mga negatibo o di kaya ay mahalay na titulo.  Halimbawa, pag nilagyan ko ito ng titulo na "Patnubay ng Magulang ay Kailangan", magtatanong ka kung bakit kailangan ng patnubay ng magulang at lalong lalalim ang interes mo na malaman ang nilalaman nito, o kaya pag ang title naman ay "Bawal sa Pinoy", magtataka ka kung bakit bawal ito sa Pinoy kaya babasahin mo ito.  Ne-excite ka siguro. Pasensya na, pero hindi ito tungkol sa pagtatalik. Char-char lang yan. XD

Pero kapag nagkatrabaho na ako, pwede kitang ayaing magsex. Ilang beses din kaming nagsex ng mga katrabaho ko dati.  Oo, merong Sinangag EXpress malapit sa opinsina namin dati.  24 oras yan bukas kaya pwede tayong magSEX kahit anong oras. XD

Eto ang tinutukoy kong SEX. (larawan mula dito)

Bakit nga ba ako nagsulat ngayon?  Mula kasi sa aking pagba-blog-hop kanina ay napadpad ako sa datkom ni jkulisap. Mag-iiwan sana ako ng komento sa kanyang huling post, pero, gaya nga ng madalas mangyari, napahaba na naman ang comment ko (oo, kung minsan ugali ko ang magcomment-ala-post sa blog ng iba) - kaya naisipan ko na lang na gumawa ng isang buong post imbes na mag comment.

Ang tanong: Bakit nga ba madalas nating gamitan ng mga salitang panghalili ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa usaping sex? Halimbawa, imbes na tite ay talong, junior, batuta, at iba pa, ang itinatawag natin dito. Ganundin sa pambabaeng kasarian - merong mani, tahong, talaba, at marami pang iba. Ang sarap di ba?

Eh bakit nga naman binigyan pa ng pangalan kung hindi rin naman ito tatawagin sa tunay na pangalan? Sa tingin ko wala naman sa pangalan yan, kundi sa kahulugan ng mismong bagay. Isipin mo, kung ang kilala mong talong ay tinawag na tite, at ang nakalawit sa pagitan ng binti mo ay bininyagang talong - hindi bat tite naman ang itatawag mo sa talong? (Sana ay naunawan mo ang paghahambing ko.)

Pero kung ikaw ang tatanungin ko, komportable ka ba na sabihin ang mga salitang iyan sa harap ng ibang tao? Halimbawa, sa teacher mo sa school, o sa pari nyo sa simbahan, or sa babaeng nililigawan mo, o kahit na sa mga kapatid o magulang mo, kaya mo kayang sabihin na, "malaki ang tite ko" nang hindi nagtutunog malaswa? Yung parang tunog "malaki-ang-kamay-ko" lang?

Malamang ay hindi.

Maging ako ay hindi kayang sabihin ang mga salitang tite at puke ng harapan sa ibang tao, lalo na sa mga hindi ko kilala. Hindi naman sa naaasiwa akong sabihin ang mga ito. Aba, kating-kati kaya akong sabihin at ipagkalat na malaki ang ano ko (ang alin?). Pero hindi ko ito kayang sabihin sa ibang tao ng diretso. Ito'y bilang "respeto" sa mga nakakarinig. Oo, ito'y pagpapakita ng respeto sa iba. Hindi kasi lahat ng tao ay bukas ang isipan sa pagtanggap sa mga ganyang salita o pahayag. Maaring hindi ito mahalay at normal lang para sa iba, pero hindi parin natin maikakaila na ang mga pahayag na tulad noon ay maaaring offensive para sa iba.

Kung tama man ito o mali, nasa kanya-kanyang pananaw na yan ng mga tao, base narin sa kung ano ang kinalakihan nila bilang moral at imoral. Maaari kasing ang amoral (hindi moral at hindi rin imoral - gaya kapag terminolohiyang medikal na ang usapan) para sa isa ay imoral pagdating sa iba.  Kaya para hindi makasakit ng iba, o makabastos (bastos - pumapasok ulit dito ang kinalakihan ng isang tao, kung moral o hindi ang isang bagay), nakaugalian na natin na gumamit ng mga panghaliling salita. Ang iba naman, ginagawa ito para sa katuwaan lamang.

Pero, kung kami-kami lang nga mga kaibigan ko ang nag-uusap, normal lang na mapag-usapan ang sex, walang hiya-hiya at walang pag-aalinlangan, dahil lahat naman kami ay nagkakaunawaan.

Sa usapang sex education naman - sang-ayon ako dito. Sa totoo lang dapat ay magulang ang gumagawa nito. Sa tingin ko ay mas nagiging makabuluhan at importante ang "mga aral" kapag nagmula ito sa mga mismong magulang o guardian ng bata, kumpara kung ito ay galing sa guro. Ito'y personal na pananaw lamang, dahil noong bata ako ay mas nakikinig ako sa mga magulang ko higit sa mga guro ko. Pero kung ang ibang magulang naman ang tatanungin, marami parin sa kanila ang hindi handa sa ganitong usapin at mas nanaisin pang mga guro na lamang sa paaralan ang gumawa ng tungkulin. Pero maging sino man yan, magulang o guro, ang importante ay magkaroon ng wastong paggagabay. Dapat habang bata palang ay itinuturo na sa mga bata na hindi normal ang hawakan ng ibang tao ang kanilang maseselang parte ng katawan, at kung mangyari man ito ay dapat magsumbong agad sila sa ibang nakatatanda. Ganyan kami pinalaki sa Australia (jowk). XD Maraming kaso narin kasi dito sa bansa natin ng mga batang naabuso dahil sa kakulangan sa kaalaman ng kanilang karapatan. Hindi naman ang aktuwal na "sex" ang ituturo, kundi ang mga realidad na sumasaklaw dito na hindi dapat ipagwalang-bahala. Kailangan lang talaga ay tamang ipormasyon na may aral at hindi kwentong-libog lang. Ayoko nang ungkatin pa kung ano-ano nga ba ang mga tamang paggabay. Alam mo na yan. Matalino ka di ba? Huwag mo sanang masamain kung anti-sex education ka. Hindi kita tatawaging bobo. kasi nga, gaya ng sinabi ko kanina, maaaring ang normal para sa akin ang imoral para sa iba. So kung anti-sex education ka, irerespeto parin kita, basta wag mo lang akong sasabihan na imoral dahil lang sa pabor ako dito.

Tinatamad na ako. Kasi naman dapat comment lang ito, napahaba lang, kaya ayan ginawa ko nalang post.

Sige na, byerts! XD


Friday, November 19, 2010

Bored? Try this:

1. Go to Google Maps.

2. Click "Get Directions".

3. Type Taiwan as the start location.

4. Type China as the endlocation.

5. Read STEP 24 of the directions.

6. have a safe TRIP!! XD



Saw this on a friend's wall in FB.  You see, may gamit din ang facebook, LOL.

Pero sa step 34 pwedeng mag Ferry. Gagong google maps yan oh. XD





UPDATE:
check nyo rin Taiwan to Japan, step 61 (kung may extra time ka pa), kinabog ang swimming. XD




Thursday, November 18, 2010

Down to Zilch

I thought I'd be putting up some good news here today, but pfft, forget about the good news. I have none. I just had another one of those screw-you-all days today. I went to some big company in Mandaluyong only to be pissed-off the rest of the day. 

Why not lay all the cards down outright to avoid wasting both party's time?! Takte talaga nakakapang-init sila ng ulo kanina!!!

You prolly are wondering what the crock is about. Pfft. Confidential. Let's leave it that way for now. I'm not yet done with them (I'm want to kill them!!!)

The sentence prior this, of course, is a joke.

Good thing my sister's place is just a stone-throw away from where I had gone to. So we met up and went to McDonalds - her treat, of course, as I am totally broke and was overly pissed. I felt better after the early dinner. The fries was able to calm me down. Well, it always does. Some useless info here: If I'm in a bad mood and you want to cheer me up, take me to McDonalds and buy me a large fries (not the twister fries - errr, I don't like its taste and it's ridiculously high priced), better yet get me a BigMc combo meal and up size the fries and soda. Or take me to Wendy's and buy me the most expensive burger meal they have, in Biggie! That will surely lift my spirit back to its normal scale. In case you can't find fries (yes I'm not done yet), you can get me a box of pizza or half-a-gallon of chocolate ice cream with almonds or a genuine Mexican tacos. That's more than enough to make me smile from ear to ear. You see, I'm so easy to please. I turn into a child when presented with fries and pizza.

Now I'm feinding for real Mexican tacos. :-(

I want this!!!  Now!!!

My sister had to leave for work after our early dinner at McDo, so we didn't have much time to hang out. I was happy again after the dinner. Relieved, and slightly elated at the sour feeling and anger I had overcome, I thought of treating myself a medium size of Manila Scramble, which was right outside the mall. Used to have it everyday when I was in elementary and high school. I love scramble so much that a portion of my daily allowance was solely dedicated to it. While I was waiting in line, behind me were two old ladies talking about tonight's jackpot prize in the lottery. A whopping 495 Million Pesosesoses!!! I was soooo surprised it ballooned to that amount! I mean, it's the biggest jackpot in Philippine history!!! While I was waiting for my turn to get my medium size scramble, I asked one of the old ladies where the nearest lottery outlet is. It's inside the mall, I was told. So, while I was feeling nostalgic with my scramble, I found myself scrambling back inside the mall to place my bets in the lottery. The jackpot prize is 495 million, I thought, if I win I'd give half of it to charity, and the rest would be divided and shared with my folks at home. I was feeling hopeful, and I'm sure everybody else in line was. Two number combinations, and I was done. I folded 6 lotto cards (they're just there, uncontrolled - so might as well use a lot) and carefully placed my ticket in between to protect it.

But what are the odds of actually winning the 6/55 grand lotto? Well, it's one in 28,989,675! Pull up an excel worksheet and in a cell type-in =combin(55,6) to see the number. The probability of getting hit by a lightning might even be greater than winning the lottery. Pffft. But who knows, I might just win!  If I do, I'd get a house in Ayala Alabang, or in DasmariƱas Village or Forbes Park in Makati, and I'd put up a business to make my money produce more and more money until I'm rich enough to tell Henry Sy to move over.

Libre lang naman ang mangarap at umasa eh. XD

My already-happy feeling turned sour again when I took the bus home. An old crush, who was a schoolmate in high school, was on the same bus and asked me to take the seat next to her. I got surprised and excited because we did not see each other for more than 5 years. It's what I feel whenever I bump into old friends. How-are-you?,  I asked her excitedly.  She did not answer my question, instead she asked me if it was windy outside (Mahangin ba sa labas?), and started to laugh. That's when I realized my hair was looking shabby and ridiculous. I laughed with her, of course, but truth be told I felt so embarrassed I wish I rode the next bus. So I began explaining to her why my hair was such a mess and how it managed to cross the line of being unmanageable. I told her I cut my hair and that I'm actually pretty good at it (which is really true, but this talent is restricted to my own hair so don't ask me to cut yours) but I lost control of my hair when I forgot to trim it like what I used to do every couple of weeks or so, since I am mostly at home. So I pretty much embraced my semi-long hair and let it grow, I told her. Then she asked me where I work, yadah-yadah-yadah, and she began to tell stories about her great job as a boss in an international company, and then she showed me pictures of her husband and son, yadah-yadah-yadah....
....
....
....
and my sense of self-worth plummeted from its normal scale to zilch.

Siya na ang successful at may happy family. Ako na ang kabaligtaran. Pfft.

So much for the happiness that the large fries from McDonalds gave me. It just unraveled during the entire trip. Thanks to my old crush.

I got home, feeling gloomy and down, and sorry for myself.  I waited for the lotto draw, and of course, I didn't win. Not a single number from the winning combination is in my ticket.

Tomorrow is another day.  Oh Gawd I hope it's better!

Byerts!



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails