Wednesday, January 26, 2011

Ano Daw?



Una, nais kong magpasalamat kay nyabachoi sa paggawad sa akin ng award na ito.  Sya ang unang nagbigay nito.  Pero dahil sa tagal kong hindi nakapagpost, may dalawa pa uli na nagbigay ng parehas na award; sina leonrap at superjaid.  Salamat sa inyong lahat! XD  Pero sa totoo lang, naguguluhan talaga ako kung bakit "stylish" ang kategorya/pangalan ng award.  Hindi ko alam kung alin ang stylish sa akin / sa blog ko / sa pagsusulat ko.  Wala naman kasi.  Hindi ako nagrereklamo ha, kapal naman ng muka ko kung tatanggihan ko ang award, hahaha, kahit best actor award pa yan, o supporting actor, tatanggapin ko parin yan.  Medyo naguluhan lang talaga ako.

Ito daw ang rules sa pagtanggap ng award:
  • Thank and link back to the person who gave you this award
  • Share 7 things about yourself
  • Award 15 recently discovered great bloggers
  • Contact these bloggers and tell them about the award

Muka namang walang kinalaman ang "stylish" sa rules ng award, so ipapasa ko na lang ito sa mga bloggers na madalas matambay dito o madalas kong tambayan ang blogs.  Sa madaling salita, ibibigay ko ito sa mga madalas kong makita dito at sa madalas kong bisitahin (kahit na hindi bumibisita dito).

Game...

7 things about myself:
  1. Tamad ako sabi ng marami.  Naniniwala naman ako dahil madami rin silang ebidensya.
  2. Mahiyain ako.  Mas madaldal ako sa email/blog/facebook (yan lang ang meron ako) kesa sa personal.  Nahihirapan ako makisalamuha sa mga bagong kakilala.
  3. Madami akong kayang gawin, pero hindi ako naging dalubhasa sa kahit anong larangan.  Mediocre-level lang lahat.  Sa ngayon, nahihilig ko sa pagpinta.  Siguro sa March iba naman.
  4. ABS-CBN talent ako noong araw. Sumali ako sa himig handog love song na pakulo ng abs-cbn noong 17yo ako. Syempre, hindi ako nakasama sa finals.  Semis lang.  Sumali din ako sa GAMEKNB.  Hindi rin ako pinalad.  Sira kasi ang detector ng napwestuhan ko (o feeling ko lang).
  5. Nagsimula akong mag drive ng kotse sa edad na sampu.  Washing machine ang una kong nadisgrasya.
  6. Ex ko si Maja Salvador.  Syempre joke to.  Hindi ko sya sinagot.
  7. Feeling ko tumatalino ako pag nakakakain ako ng chocolate.  Directly proportional ang pagtalino at pagchubby ko. Alam mo na ang mangyayari pag pumayat ako - lalala ang kondisyon ko.  (nakakatawa ang salitang "lalala".  isang tunog lang na pinaulit-ulit.  parang yung tanong lang na "bababa ba?"  parang sina sitsiritsit-alibangbang lang ang nag-uusap.)
At ang mga pagbibigayan ko ng award na ito ay sina:

Errr.... yung mga nasa blogroll ko sa gilid. XD  Sorry kung hindi ko sinunod ang rules.  Hindi naman talaga ako mahilig sumunod sa mga ganitong pakulo, pero nagpapasalamat parin ako.  Hindi ko pa naaupdate ang blogroll ko, kaya wag sanang magtampo kung wala pa ang link ninyo sa gilid.  Pasensya na, naisin ko mang-ilagay at isa-isahin kayong lahat eh gahol ako sa oras.  Busy mode kasi ako ngayon.  Isiningit ko lang talaga ang post na ito sa busy sched ko para pasalamatan ang tatlong tao na nagbigay nitong award sa akin.  Ngayon lang din kasi ako naging busy simula noong nagresign ako sa trabaho noong nakaraang taon, sana ay maintindihan nyo.  May pagkakataon kasi ako ngayon na gumawa ng kaperahan, kaya syempre sinasamantala ko na.  Masisisi nyo ba ako?  Dapat lang hindi! XD haha

Siguro espesyal na pasasalamat nalang kala maldito, glentot, lio, jobo, ms.N, jag, jepoynyabachoi at sa iba pa na madalas mapadpad dito at/o madalas kong bisitahin at makaututang dila.  Sa kanila ko kasi minsang nadama na may kausap ako sa blogosperyo.  Iba kasi yung nag-iiwan lang ng komento sa nakikipag-usap.  Marami pa akong gustong banggitin na bloggers, pero sa susunod na lang, sana ay walang magtampo dahil lahat naman kayo ay espesyal sa kidneys ko.

Salamat din pala kay jobo  (dalawang beses ko na nabanggit ang pangalan mo kaya may bayad na 'to!)sa pag nominate sa akin sa kategoryang friendliest blogger sa The Annual Blog Awards.  Syempre, hinding-hindi ako mananalo doon sa dalawang punto; una, hindi naman ako friendly, pangalawa, konti lang ang talagang nakakaututang dila ko, sa makatuwid - walang boboto.  Binoto lang nya ako para makahirit sya ng painting, in short hindi bukal sa kalooban nya ang ginawa nyang pag nominate.  Sorry, pero hindi ka nagtagumpay.  Hahaha. XD

Na-miss ko ang pag bloghop.  Babalik din ako, siguro next week, pag maluwag na ang oras ko.  Mag baback-read ako ng bonggang-bongga.

Salamat everyone!

Byerts! XD



14 comments:

JoboFlores said...

base! heheheh

at dalawang beses mo talaga ako binaggit pero isa lang naman ang gusto kong makuha sa yo....hindi puri...hindi award kundi ang iyong bulaklak hehehehe

siguraduhin mo lang na magleleave ka nang comment lalo na sa kabitterang inumpisahan ko nung matalo ako sa taba award hehehehe isuue ito...katulad mo natalo din ako pero hindi katulad mo hindi ako ganun kadaling nakapag move on...halos maglupasay ako nung makita ko yung result pero pambawi naman tong kaekekang stylish award na ito...sana sa susunod painting na heheheh

Rap said...

ahaha... mahirap din ipaliwanag bkit nga stylish.... basta you deserve it! ^^

sumali din ako sa game KNB, pero screening pa lang, wala na ako sa unang round... ahaha.. habol ko lang nmn ay makita ko ng live ung stage nila... whisi is natupad ko nmn. ahahaha..

Rap said...

* typo error *

"which is natupad ko naman..."

sori, tanga mag type eh... ahaha

nyabach0i said...

stylish siguro sa pagsusulat? ako man ay naguguluhan kung bakit stylish.

NA TOUCH AKO NG BONGGANG BONGGA! gusto kong feeling ko habang binabasa ko ang nyabach0i sa post mo parang pumasa ako sa board exam. hehe. char! isa ka rin sa mga pioneer na feeling ko may kwenta ang blog ko. hehe.

sige na mega mushyhan na to. hehe. eto na ang aking pinakacorning cyber hug. baduy di ba?

Kamila said...

raffy..ngayon ko lang narinig ang salitang mediocre... at feeling ko tuloy ganun din ako.... congrats sa stylish award... nyahaha.. kahit papaano eh tinanggap mo naman...

at kababalik ko lang

Yffar'sWorld said...

@jobo - ay, di ka pala nanalo? sayang naman (hahaha!), ok lang yan, wag kang bitter, move on! o sige, babasahin ko yan sa susunod na mga araw, wala pa kasi akong time magbloghop ngayon, nakaw na oras lang itong pagsagot ko dito. maging maligaya ka nalang sa nagwagi, dadating din naman ang panahon na ikaw ang mananalo at iba naman ang magpapakabitter. weather-weather lang yan. so - GET OVER IT! XD hehehe! XD sali ka nalang ulit sa ibang awards, isali mo rin ulit ako, nyahaha! XD

@leonrap - o diba screening pa lang sa gameknb ang tagal na. parang isang buong araw ang nasayang ko nung sumali ako dun eh. salamat ulit sa award ha! XD

@nyabachoi - nakakatuwa namang mabasa na natouched ka ng bunggang-bungga. hahaha, grabe naman ang analogy na ginamit mo, board exam. XD hehehe. may kwenta naman talaga ang blog mo eh, nakakaaliw kaya ang nyabachoi-style. XD

@kamil - hehehe, salamat! ako rin eh, medyo malayo sa blogspot. back to regular programming pag maluwag na sched ko. XD

Superjaid said...

hahaha wag akng magpasalamat kuya dahil may kapalit yan!hehehe picture greeting ang kapalit ng award na yan.sige na penge na ako!=) hehehe

you really deserve the award kuya..promise!

Anonymous said...

pwde bang dalwang beses mo rin sabihin ang name ko sa post mo? magkanu ba ang bayad.ahahahaa...

nako..nambola pa..sige sa susunod na post ko lalagay ko link mo kahit naman hindi siya related.aahahha..may maisingit lang..

hoy anong kaperahan yan! shabu?penge!

Jag said...

Malay mo sa susunod manalo ka na hehehe sali ka PGT2 ng ABS hehehe...talented ka palang bata ka hehehe...at talagang bata daw o? lolz!

Ex mo si maja? Gosh! Xa ang present ko now LOLZ!

Salamat din sa pag special mention sa blog ko hehehehe...

Salamat din sa award! At kongratsumeleyshuns!

JoboFlores said...

...at kailangan talagang pagtawanan ang aking pagkatalo...sige pag may nahanap ako na pakontes inonominate ko ulit ang sarili ko at ikaw....sa friendliest blogger ka ulit para walang chance na manalo at ikaw naman ang pagtatawanan ko bwahahahahaha

Anonymous said...

mukhang may kakumpetensya na si maldito kay Maja salvador ah. haha!

try mo naman tumambay sa willing willie baka magkaron ka ng instant cash o sasakyan ng hindi sumasali sa pacontest.

Anonymous said...

1. tamad din ako. hindi ako nagliligpit ng pinaghigaan ko. nakabuyangyang sa kung saan-saan ang boxer shorts ko. hindi nakaayos ang mga damit ko sa tukador, hugot lang nang hugot. sa tingin ko, normal lang 'to sa mga lalake. okay, nag-rarationalize na 'ko. lol!

2. ako rin mahiyain. lalo na pag di ko pa nakikilala nang lubusan. pero pag nagkabasagan na tayo ng trip, dun na magsisimula ang kakulitan at kabalahuraan ko. hehe.

3. napaka-masokista mo naman. hindi naman siguro mediocre. 'yung paintings mo nga eh mukang passable na. naniniwala akong walang taong walang alam. ginagawa lang niyang rason ang paninindigan na hindi siya marunong sa kahit anong bagay para walang pressure sa kahit na sinong tao. XD

4. parang pamilyar 'tong himig-handog shit na 'to? sumama ka talaga dito? o eh hindi ka lang pala magaling na pintor, isa ka ring malupet na mang-aawit. lol!

5. hanggang ngayon, may phobia pa rin ako sa pagda-drive ng tsekot. simula nung maibangga ko 'yung lancer ng pinsan ko dati, hindi pa rin ako sumusubok makahawak ng manibela. ewan, siguro pag mayaman na ko't may sariling tsekot tsaka ko ule susubukang bumangga sa pader. hehe.

6. nasabi ko na bang ex ko rin si sarah g? joke din.

7. napakahirap naman ng sitwasyon mo. ang pagtalino at pagtaba mo eh directly proportional? papano na lang pag bigla kang pumayat? XD

Yffar'sWorld said...

@jaid - yun lang ba? XD o sige, next week hahanap ako ng time para gumawa nyan para sa bday mo. XD

@maldito - hahanapin ko ang link ko sa mga susunod na post mo ha! haha. XD naku men, bawal ang shabu, hanggang yosi at alkohol lang ang pwede sa mura kong katawan. XD

@jag - kongrachumaleyshuns din! XD naku, hindi naman singing-contest ang sinalihan ko, dahil wala talaga akong talent sa pag-awit. songwriting competition yung sinalihan ko! XD

@jobo - hahaha, tama yan, never-say-die-attitude dapat. ok lang sa friendliest, malay mo dumami nga friends ko, haha. XD

@sir gasti - hahaha, di naman nagreact si maldito eh. una paring naging akin si maja salvador, haha. XD

@lio - haha, ang haba - kinain ng koment mo ang precious secs ng busy-life ko, pero ok lang, naapreciate ko, hehe. so naiimagine mo na kung anong mangyayari sa akin kapag pumayat ako, kaya nga chubby forever lang ako dapat. CORRECTION: SONGWRITING COMPETITION ang sinalihan ko, HINDI SINGING CONTEST! XD hahaha, nilinaw ko lang para maliwanag.

LON said...

HAHA. EX KO RIN SI MAJA. CHING.
YOU MAY VISIT AND FOLLOW MY BLOG, TOO. ;)

wv: singest

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails