Medyo matagal pala akong nawala. Dalawang buwan mahigit din akong hindi nakabisita sa mga regular kong dinadalaw. Kamusta naman kayo dyan? XD
Wala akong intersanteng paksa ngayon. Sa totoo lang, napadaan lang ako dito para lang masabing, errr, dumaan ako. Baka kasi isipin nyo patay na ako.
Ang hirap mag-isip ng sasabihin. Sabaw pa rin ang utak ko mula sa trabaho. Limang araw na diretso ang pahinga ko ngayon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makabisita dito. Balak ko noong magpunta ng beach. Kahit saan sanang beach. Pero dahil sa mabait akong anak at kapatid - sa bahay lahat napunta ang maliit kong kita sa tindahan ng tinapa at sa pabrika ng toothpick. Balak ng mga kaibigan ko na magpunta ng Pagudpod sa May, pero mukang hindi parin ako makakasama doon. Bull. Pero ok lang, medyo matagal naman akong pinalamon sa bahay, kaya marapat lang na punan ko naman ang mga bagay-bagay at responsibilidad na tinanggal ko sa balikat ko noong isang taon.
At dahil nga nakabakasyon ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na humawak ng brush at pintura. Tatlong buwan na rin nung huli akong humawak ng brush at pintura, kaya medyo nanibago ako. Mukang ok naman ang kinalabasan.
Gusto ko sanang sumali sa isang painting workshop para naman magkaroon ako ng "totoong liksyon" sa pagpipinta, at hindi lang basta painting-paintingan. May nakita ako doon sa Edsa Shang noong isang buwan, pero nanghinayang ako dahil medyo may kamahalan pala ang bayad sa ganoon. Hay, ipambibili ko nalang ng canvas at pintura ang pambayad.
Sa Miyerkules eh babalik na ulit ako sa pamilihang bayan ng Muntinlupa para muling magtinda ng tinapa. Medyo magaling na ako bumenta, at marunong na akong mag up-sell ng atsara. Hindi na ako napapanisan ng paninda, haha. XD Sa Huwebes naman ang balik ko sa pabrika ng toothpick. Lunes pa lang naman ngayon. May dalawang araw pa ako para mag relax.
O sya, sa susunod na lang ulit. Ayoko ng magsabi na magbabalik ako dito kaagad. Baka kasi mauwi na naman ako sa paglamon ng sarili kong salita. Sabi ng isa kong kaibigan na napapadpad dito, para daw akong kabute, bigla na lang sumusulpot at nawawala. Sus, ang kapal ng muka na magdemand na magsulat ako, ni-hindi naman nagko-comment.
Byerts! XD
9 comments:
Wow! Ang ganda ng mga works of art mo! Astig!
ang ganda ng paintings. gusto ko yung moony.
long time ha! hahaha. ganda ng painting mo sir. :) tara exhibit tayo. hehe.
@nimmy - wow, natuwa naman ako, maraming salamat. XD
@sean - gusto ko rin sya, hehe. maraming salamat. XD
@nyabach0i - long-time-no-time nga, hehe. exhibit? naku wala pa akong K mag-organisa ng isa. pero salamat nagustuhan mo. XD
tagal kooo ala balita sayo ang your paintings was AAAWWWWWWEESSOOOOOOOOOOOMMMMMMMEEE!!!! :)
Go sa workshop!! at madaming practice pa... pero infairness ang gandaaa na talaga... parang pwede na sa exhibits!
@kamila - awww, you're too nice kamila, salamat ng marami! XD
Sa lagay n yan wala ka pang professional training? Isa kang halimaw sa galing!
Welkambak!
Nice, astig yung MOONY.. sarap idisplay sa kwarto..
ang totoo, magaganda yung gawa mo.
litaw yung detalye sa moony tapos naroon yung expression ng damdamin sa nauutal ako sa pamagat...hehe!
ibig bang sabihin nito hindi ka galing sa arts school at talagang hobby mo lang ang mag pinta?
Post a Comment