Tuesday, December 21, 2010

Christmas Carols [at kung paano ito winasak ng mga batang wala sa tono at tamang huwisyo]


Ano na bang nangyari sa mga batang nangangaroling ngayon? Takte, wala na sa tono, mali na ang lyrics, uma-attitude pa! Nung nakaraang gabi, may grupo ng mga dalaginding (mga batang edad high-school sa tingin ko. Tipong mga no-longer-a-girl-not-yet-a-woman... base sa looks). Kumanta sila ng pinakasikat na pamaskong kanta na Sa May Bahay (ito ang madalas na unang kinakanta ng mga batang nangangaroling, na susundutan ng ♫♪we wish you a merry christmas, we wish you a merry chrsitmas♬♪... na susundan ng ♬♫tuwing sasapit ang pasko, namimili ang nanay ko♫♪... ganown). Nung makapwesto na ang mga batang chicks, mahinang bumilang ang isa ng 1-2-3-go, sabay, "♫♪Sa may bahay, ang aming bati, meri krismas na wawalhati...♫♪". Potah! Madalas kong marinig itong mali-maling paraan ng pag-awit ng kantang ito, pero madalas ko rin palampasin lalo na kung mga bata (as in bata - tipong sampung taon pababa) ang kumakanta. Pero yung grupo ng nangangaroling na nabanggit ko sa taas ay hindi na mga bata (sabi ko nga, kung tama ang estima ko, edad highschool na silang lahat). Di ko lang talaga alam kung matutuwa ba ako o maiinis o maaawa sa nakakahiyang katotohanan na hindi nila alam na wala sa Filipino dictionary ang salitang wawalhati (baka sa english or portuguese dictionary meron). (Teka, napapansin nyo rin ba, kung paano nagiging kumportable ang maraming manunulat na magsulat sa loob ng panaklong {parentheses}? Yung iba nga hindi na nila namamalayan na nasa loob parin ng panaklong ang pinagtatatype nilang shit. Sabagay, malamig naman ang panahon, hindi siguro masama na kumutan pati ang mga salita.)

(Mabalik sa mga nangangaroling). (Ayun nga, dahil nakatambay lang ako sa garahe habang patagong humihithit ng yosi na binili ko pa noong birthday ng kaibigan kong si Tonyo, nakita ko kaagad ang mga papalapit na carolers. Patay ang ilaw sa garahe kaya hindi nila ako agad nakita na nakaupo sa harap. Nakakailang linya palang sila sa kanta ay pinahinto ko na sila kaagad. Sayang ang effort nila dahil wala naman akong maiaabot, kaya imbes na patagalin ko pa ang pagkanta nila (na kasingkahulugan ng paghihirap ko sa pakikinig) sinabi ko na agad ang salitang ayaw nilang marinig... patawad. Mabilis pa sa 0.01 na segundo ay sumagot agad ang isa sa kanila na "ano ba 'yan?!" sabay talikod, na ginaya naman ng mga sugo nya. Uma-attitude???  Suplada ang mga punyeta, haha! Akala ko mali lang ako ng pagkakarinig sa pagsambit nila sa maluwalhati. Takte, paglipat nila sa katapat naming bahay, wawalhati parin ang kanta nila. @_@ Hindi pa ba nila naririnig ang salitang maluwalhati??? Hindi pa ba nila kailanman nabasa sa libro ang salitang luwalhati na nilagyan ng unlapi na "ma"?  O ang dalawang salita na "may luwalhati"? Wala naman sigurong textbook na may nakasulat na wawalhati (wala di ba?), pero bakit ganun nila bigkasin ang liriko ng kantang Sa May Bahay?) (Nakalungkot isiping maging sarili nating salita/awitin ay hindi alam ng karamihan ang tamang paggamit/kahulugan).

(Haaaay...)
hugot mula sa google image

(Hindi ko na rin naririnig ang tunog ng tambol na gawa sa lata ng gatas o ice cream. Pati narin yung mga pinitpit na tansan na binutasan sa gitna para itinuhog sa alambre, wala na ring gumagawa. Gumagawa ako ng mga ito noong dekada '90, noong elementary pa ako. May maliit kaming grocery (pinasosyal na sari-sari store) noon kaya sagana kami sa tansan ng softdrinks at beer. Yung lata ng gatas noon pinupulot ko lang sa mga basurahan sa paligid, lilinisan ng kaunti, tatakpan ng binatak na plastik ng SM o Lianas Supermarket gamit ang maraming piraso ng goma - at bwalaah!... tambol na! Yung drum stick gawa lang sa bananaque stick na may plastic at goma sa dulo. Bakit kaya wala ng gumagawa nito ngayon? Tatlo kaming madalas mangaroling noon; ako, si Noel, at si E-et (Ace na nung nagbinata kami). Kami ang tinaguriang batang-gwapings sa lugar namin noon. Anim na taon palang ako noon. Pinagtatalunan pa namin noong una kung sino sa aming tatlo si Mark Anthony Fernandez na syang lider ng gwapings, pero dahil mas matanda si Noel ng isang taon sa amin, siya rin ang nasunod at naging Mark Anthony ng grupo. Marami akong mga batang kaibigan dati, pero silang dalawa ang bestfriends ko, kaya hindi na naging malaking issue sa amin kung sino ang Mark Anthony ng grupo (konti lang). Minsan madami kami kung mangaroling, pero madalas kaming tatlo lang - choice narin namin. Mas gusto namin kapag kaming tatlo lang dahil mas malaki ang nagiging hatian ng pera. Kung minsan, pinambibili na namin diretso ng malaking chichirya o kaya ng maraming candy o chocolate sa tindahan nila Lola Bumbay, at saka namin hahatiin sa tatlo. Pero noong naging 10 na si Noel, at ako ay 9, hindi kami nakapagkaroling. Ayaw na ni Noel eh - binata na raw kasi sya, at nahihiya sya na makita ni Rona na nangangaroling habang may hawak-hawak na tambol na gawa sa lata. Dyahe daw. Arte lang. Pero hindi naman natapos doon ang pagkakaibigan at pangangaroling namin, dahil noong sumunod na taon, 10 na ako at 11 naman si Noel (ang galing no, lagi kaming magkasunod ng edad), parehas kaming natutong maggitara. Hindi lahat ng bata na ka-edad namin ay marunong mag gitara. COOOOL ang dating namin parehas! Kaya noong sumunod na pasko, napagkasunduan naming tatlo na ibalik ang pangangaroling sa mas COOOOL na paraan. Wala na ang tambol na gawa sa lata at wala narin ang mga tinuhog na tansan. Gitara na! Lumevel up kami, kumbaga. At paborito namin puntahan ay ang bahay ng magkapatid na Rona at Rhea....isang napakabisang paraan para magkapera at maipamalas ang COOOOLNESS at galing namin sa paggigitara.)

Hindi na kami ulit nangaroling pagdating ng highschool. Syempre, binata na. Pero naging ugali parin namin ang tumambay sa may kanto ng 4'th road habang may bitbit parin na gitara. COOOOL eh. XD

(Bihira na lang ang nangangaroling ngayon. Siguro nadala narin ang mga bata ngayon. Bihira nalang din kasi ang mga nagbibigay sa mga nagkakaroling - baka daw kasi mamihasa at balik-balikan ang bahay nila. Aminado ako na bihira akong magbigay sa mga nangangaroling. Ang lagi kong sinasabi sa mga bata, balik nalang kayo sa 24. Ngayong gabi - wala akong narinig na nangaroling. Kahapon isa lang. Nung isang araw dalawa lang. Nakakalungkot na hindi na gaanong ginagawa ang masayang tradisyong kinalakihan ko. Pero naging bahagi rin kasi ako ng dahilan kung bakit unti-unti itong nawawala. Ah ewan. Basta, sana bumalik ang kaugaliaang ito. Sana dumami ulit ang mga carolers (basta nasa tamang tono), tutal apat na gabi nalang naman bago magpasko...basta doon sila lahat kumanta sa kapit-bahay naming kalbo.  Makikinig na lang ako.)


10 comments:

Anonymous said...

namimiss ko na 'rin ang pangangaroling. parehong-pareho ng kinwento mo 'yung paraan namin ng pagbabahay-bahay. at tulad ng mga katropa mo, tumigil na rin kaming magpipinsan sa pambubulahaw gabi-gabi nang maging binatilyo't dalagita na kami. haay, childhood! ambilis mong umalis!

nawawalhati po! XD

bobot said...

"pwede po ba mangaroling?"
eto ang hirit namin nuong bata pa kami ng utol at ng mga kababata ko sa aming iskinita. nalilibot namin ang kahabaan ng street sa barangay, dala-dala ang box ng lion-tiger katol na may mga goma (gitara), tinuhog na tansan (marakas), lata ng bear brand na may plastic na takip (drum) at syempre yung mga singers (sintonado).

tanong agad sa mga bahay na hahandugan namin ng kanta, para kung pwede e di GO kung ayaw e di 'WAG!

aminado ako, wawalhati rin ang lyrics namin nuon. :P

Yffar'sWorld said...

@lio - sinabi mo pa. parang ambilis umusad ng panahon. hindi ko pa nga gaano nacecelebrate ang 2010, tapos in 10days 2011 na. haiks. namimis ko ang kabataan ko...

@bobot - patawad! LOL. oo nga, magandang diskarte yang pagtatanong muna kung pwede o hindi bago kumanta. pero sa amin kasi dati, bihirang-bihira ang nagpapatawad. exciting din naman pag may nagpapatawad kasi nakakanta namin yung "tenk u tenk u ambabarat ninyo tenk u", sabay takbo! exciting 'yon. XD

glentot said...

(Ang (dami-) daming (parentheses) sa post na ito!)

Mabuti na yang wawalhati keysa sa Jinggambells.

nyabach0i said...

hahaha. infairness sounds like nga naman daw. to naman. hehe. kumbaga sa numbers, pagniround off keri na. finallow (nagimbento ng word, gumaya pa sa parenthesis madness) kita. naaliw ako sa blog mo :)

Yffar'sWorld said...

@glentot - jinggambells talaga? hahaha! XD parang interesanteng marinig ang kabuuan ng kanta

@nyabach0i - pagbata madali lang palampasin, pero pag matanda nakakaasar na. affected talaga ako, haha. salamat sa pagfollow. XD naaliw din ako sa blog mo.

John Bueno said...

well,I did this when I was a kid... nakkakahiya pala ako nuon... wala lang, ayoko nang alalahanin ulet yan hayyyyy *cringe*

Yffar'sWorld said...

@kumagcow - ginawa mo rin ang wawalhati? o ang pangangaroling? hindi naman nakakahiya ang ikalawa, yung una kong binanggit ang medyo. XD hehe

Anonymous said...

strict ka kuya sa grammatical errors...natatakot akong mag comment ng walang ().lols.

namimiss ko yung dati, yung sinabi mong may tambol, karakas, wataver na gawa sa mga recycled things....may effort...ngayun, amputcha, punta lang sa harap ng bahay, kanta ng 3 minutes, tapos.

wala man lang akong na feel na kaligayahan sa narinig...

siguro we should also do our part to impart the things we used to do sa mga younger generation...ika nga, coach nalang natin kung anong gawin..malay mo, maibalik pa natin ang dati..

kahit na malabo.

PS: expired na domain ko....can you change the link na? ito na ang bago.

thegreatmaldito.wordpress.com

ayoko nang i renew ang domain e.

Yffar'sWorld said...

@maldito - acapellang sablay. pati tono parang hindi inaral, makakanta lang ng 2 tapos na.

oo nga, sinubukan kong i access yung dotcom mo kahapon ng umaga, ayaw na. ok, papalitan ko agad-agad after this. XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails