Ito'y hindi isang ordinaryong post. Bakit? Hindi ko rin alam. Haha, biro lang.
Ito kasing si Lio, may pakontes sa datkom nya. Hindi ako mahilig mag-abala sa mga ganitong kontes, lalo na kung kailangan pang gumawa ng isang post - in short, kailangan pang mag-effort. Haay. Pero, si Lio Loco ang nagpakontes eh. Kaya gow.
Noong nakaraang taon ko pa nasimulang subaybayan ang ating bida. Pero, hindi naman kasi ako mahilig mag-iwan ng komento noon sa mga blogs na nabibisita ko, kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makaututang-dila itong si Lio noon kahit sa comment section man lang. Nitong nakaraang mga buwan lang ako naging aktibo sa pag-iwan ng komento sa mga nadadalaw kong blogs. English pa ang medium na ginagamit nya noon at talaga namang nakakabalinguyngoy itong basahin. Noong nag shift sya sa Filipino - ganun parin! Yung maka-nosebleed, naging maka-duguang-ilong lang. Tsaka hindi parin nawawala ang shit (and sort of) at Ttng maugat sa content ng datkom nya, haha.
Baka mag skip-read si Lio, kaya iiklian ko na lang ang intro at didiretso na ako sa tunay na paksa ng entry na 'to. At dahil gusto kong manalo ng hardbound na kopya ng kahit anong libro ni Chuck Palahniuk, at dahil magpapainom din sya pagkatapos ng buffet dinner sa HEAT sa Edsa Shangri La na libre din nya, sasali ako. (At alam kong nagreact agad si Lio sa sinabi kong hardbound at buffet dinner, LOL). Kailangan daw sagutin ang tanong ni Lio para magkaroon ng entry sa paraffle. Sana lang ay mabunot ng ngipin ni lio ang entry ko sa grand raffle draw.
Ang Tanong: "Bakit Ako Nagbabasa ng Kung Anu-anong Shit sa Datkom ni Lio?"
Ang Sagot ko: Masama ba?
Ang Sagot ko: Masama ba?
Yan na ang entry ko Lio. Kulang ang sagot ko?
O sya, eto na, ang mga natatanging dahilan kung bakit ko binabasa ang mga panulat ni ssdd boy (in no particular order):
- Maangas. Oo, maangas ka Lio! LOL. Normally, galit ako sa maangas. Pero iba ang pagkaangas ni Lio. Yung angas na may karapatang mag-angas. 'Yon!
- Matalino. Parang laking united american tiki-tiki at batang promil si lio. Bihira ang mga bloggers na may tunay na talino sa paghahabi ng mga salita. At sa totoo lang, walang halong buladas, isa si Lio sa masasabi kong nakakabilib na bloggers. Rare, kumbaga.
- Challenging basahin ang mga panulat nya dahil nasusubok nito ang bokabularyo ng mga mambabasa.
- Interesante. Lalo na ang mga reviews nya ng pelikula, libro, atbp. Kahit na yung mga isyung hindi naman talaga ako interesado, kapag nakita kong ginawan ni Lio ng post, naeenganyo ako na basahin.
- Malalim at malaman ang bawat bato nya ng pangungusap. Pakiramdam ko, graduate talaga si Lio ng Kurso sa Malikhaing Pagsusulat (Creative Writing) sa isang mataas na unibersidad at nagpapa-low-profile lang sya.
- May puso. Dahil siguro inlabo sya ngayon. Eto nga oh, mamimigay pa sya ng apat na mamahaling libro sa pakontes na 'to! may painom pa at buffer dinner! Ambait! XD
- Dahil minsan nya akong isinama sa nomination nya sa Top 10 Emerging Influential Bloggers na pakontes noong nakaraang taon. Naging finalist pala ang entry nya na ito sa Pinoy Blog Awards last 2009. Sabi nya, "Yffar's World - para sa mantrang nakikita ko lang sa napakakonting bilang ng mga androids at drones sa lipunang walang bayag". Nasabi ko nalang. "Weh?" Napapadpad pala sya sa blog ko last year??? Isang taon ang lumipas bago ko nakita ang post nya, sa Google search ko pa nakita (salamat Google). Sa totoo lang, ni-hindi ko man lang nga naintindihan kung ano ang sinabi nya, hehe.
- Nahihiya akong sabihin na magka-wavelength kami, pero feeling ko talaga oo.
- Hindi ako magaling magmura, pero dahil madalas naman syang magsalitype ng katagang shit at iba pang salitang kauri nito sa blog nya, gumagaan ang loob ko dahil pakiramdam ko ay ginagawa nya ang hindi ko magampanang tungkulin. XD
- Dahil sikat na sya. At gusto kong dumikit sa mga sikat.
O, tama na yan! Baka lumaki na masyado ang ulo mo, hehehe. Kung hindi man ako manalo ng Palahniuk, kahit yung ika-siyam nalang ni Zafra na may pirma nya. Sabi ko nga sa simula, ito'y hindi isang ordinaryong post, dahil bihirang-bihira akong pumuri ng ibang tao. Pero dahil nararapat ka naman talaga bigyan ng papuri, at dahil narin may pakontes ka, eto ang sa'yo. Hitting two birds with one stone, ika nga. XD
O sya, byerts!
4 comments:
hey thanks sa cool comments, ng follow n din ako.. Merry X-mas
'yung totoo? nanigas ang tite kong maugat sa lahat ng mga buladas na silalitype mo, raf! XD
naalala mo pa pala 'yung top 10 most influential shit ko dati. talagang sinama kita kasi nagustuhan ko ang mga kung anu-anong shit na idinudulog mo sa blog entries mong dati eh english pa ang medium. bibihira ang blog na may isip at talagang nag-iisip; sa panuntunan ko, isa ka sa mga blog na 'yun. at walang halong buladas 'yan!
nagsusulat pa rin ako sa wikang ingles pero sa ibang blog na. mali pala. nagsisimula pa lang magsulat ule dahil kakarampot na posts pa lang ang nailalathala ko sa blog na 'yun. ang link? nasa 'on writing' tab ng datkom. minabuti ko na lang paghiwalayin ang balat sa tinalupan dahil sa totoo lang, mabibilang mo lang talaga ang mga nilalang na gustong magbasa ng mga english blogs. dahil gusto kong mas malawak ang maabot at mas maraming tulog-mantikang utak ang gusto kong gisingin, minabuti ko na lang na gawing tagalog ang primerong midyum sa pagsusulat ng kung anu-anong shit sa datkom. na sa tingen ko eh alinsunod din sa gusto mong mangyari sa blog mo, tama ba?
sikat na nga ba talaga 'ko? hindi rin. ang sikat eh 'yung mga ganung antas tulad ng sa 'kwentong barbero.' sabihin na lang siguro natin na mas marami sa sapat na bilang ang mga mambabasang nagagawi sa datkom.
salamat sa pagsali, raf! may the best teeth win!
p.s. hindi ako mayaman. paperback lang ang kaya kong ibigay at ilang salansan ng boteng malamig. :p
Sayang lately ko lang nalaman ang blog ni Lio oco, kung noon pa sana eh magkalaban sana tayo sa contest na to hehe
@tim - no prob tim, and thanks sa pagfollow. balik ka ha! merry christmas din! XD
@lio - at talagang dito pa tayo nagbolahan???...hehehe. XD salamat din! natutuwa akong pag may matatalinong nilalang na napapadpad sa kuta ko. tuloy ka lang sa pagsulat - marami kaming natutuwa sa mga shit mo, hehe. XD napansin mo rin pala ang biglang pagshift ko sa tagalog. XD
@glentot - haha, pwede ka namang sumali, open to all naman ata yun eh, di ba Lio? XD ikaw glentot, kelan ka magpapakontes? bilis, gusto rin kita gawan ng ganitong bakit-ko-gustong-gusto-magbasa-ng-blog-nya post. XD
Post a Comment