Wednesday, December 1, 2010

Maybe This Time

Hindi ko dapat ito ikukwento dito, pero, sige na nga.  Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo.  Kinilig kasi ako ng sobra-sobra kanina eh, teee heee! XD

Kanina, nanonood ako ng TV. Nakatunganga lang talaga, hawak yung remote habang pinapalipat-lipat yung channel pero wala namang hinahanap.

Biglang tumahol si Sandy at Paw. May tao.

Naisip ko agad malamang mga alagad na naman ng home owner's association 'yon at nagtatawag para maningil ng monthly due. Shit. Lumabas ako para sabihing ako lang mag-isa at wala akong maiaabot na pera, pero nagulat ako kasi ibang tao ang nakita ko.

Tumigil ang paghinga ko.

Siya. Hindi ko inaasahan. Sya pala ang nasa labas. Naka tingin sya sa akin, at abot-tenga ang ngiti. Lumapit ako ng dahan-dahan, pigil parin ang paghinga at di makapaniwala.




Nag Hi ako.  Gusto ko sanang bawiin yung pag Hi ko, pero nasabi ko na. At nagsimula syang magsalita.

Sabi nya, sorry daw. Hindi naman daw nya ako gustong iwanan. Kinailangan nya lang talaga. Tatlong taon na ang nakalipas. Sorry daw dahil tatlong taon din syang hindi tumawag. Walang text. Walang YM. Ni-hi, ni-ho, wala.

Gusto daw nyang bumalik. Mahal pa daw nya ako.

Ganun na lang ba talaga 'yon?! Tatlong taon syang nawala ng walang pasabi. Pinutol pa ang komunikasyon. Tapos biglang ganito?!

Niyakap nya ako ng mahigpit.  Wala akong reaksyon. 

Ganun parin ang gamit nyang pabango. 'Yon ang binigay ko sa kanya noong huling pasko namin na magkasama.  Lalong syang gumanda, at mas masarap ang yakap nya ngayon.  O siguro, na-miss ko lang talaga sya. Magulo ang utak ko, pero, ang damdamin na akala ako ay tuluyan ng tumagas, nabatid ko na lang na muling nag-aalab. Masaya ako. Sobrang saya! Para akong nanalo ng 700 million pesos sa lotto, o higit pa!

Tapos bumitiw sya sa pagkakayakap sa akin sabay tingin sa mga mata ko ng malalim.  Nakangiti parin ng ubod tamis. Shit. Ramdam ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa aking mata. Mainit. Mahiwaga.

Isang minuto siguro syang nakatitig sa akin. Pigil parin ang aking ngiti.  Ayaw kong ipaalam na masayang-masaya ako.  Pero alam ko, bigo ako na itago ang tuwa ko sa aking mga mata. Tinanong nya ako kung mahal ko pa sya.

Tumango lang ako ng marahan.  At tumalon sya! Parang bata na napagbigyan sa hiling. Napangiti na rin ako sa wakas.

Mahal ko talaga sya eh. 

Sabay humalik sya sa akin. Ginantihan ko naman. Hindi ko talaga maipaliwanag ang saya ko.  Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang ganun, haha! Narinig ko bigla sa utak ko na tumutugtog ang kanta na "Maybe this time." (i-right-click mo yung kanta tapos buksan mo sa new tab/window, para mas dama mo ang pagbasa, LOL). Nung senior prom night ko siya unang naisayaw, sa parehas na tugtog.  Pasensya na ha, ang keso ko, pero sobrang saya ko talaga! XD

Natapos ang halikan namin. Sabi ko pasok sya sa loob para makapagkwentuhan.  Mahilig sya sa McDonalds noon, kaya sabi ko tatawag ako at magpapadeliver ng paborito nyang twister fries.  Magkayakap kaming pumasok sa bahay.

Tahol parin ng tahol sina Sandy at Paw. Hindi na sya kilala ng mga aso namin sa bahay, hehe. Tatlong taon eh.

Nasa loob na kami ng bahay at inalok ko sya ng maiinom.  Nasabik ako ng husto sa kanya.  At kita ko na mas masaya sya sa pagkikita naming mulli.  Kumuha ako ng dalawang coke-in-can na galing sa freezer.  Sa kapatid ko 'yon, ok lang, papalitan ko na lang.  Madalas din naman nyang gawin 'yon pag ako ang may binili. Pagkabukas ko ng isa ay iniabot ko agad sa kanya.  Sabay tanong ko, "Ano ba ang nangyari?" Sumagot sya.  Mahina ang boses kaya hindi ko gaanong narinig.  Ang ingay kasi ng mga aso.  Hindi parin matigil sa pagtahol.  Ayaw makisama.

Nagpasya akong lumabas para pakalmahin ang mga aso.  Tuloy parin ang pagtahol.  Palakas ng palakas. Nakakarindi. Hanggang sa nagising ako.

Nakatulog pala ako sa sofa.

Hindi ako makapaniwala.  Parang tototo ang nangyari.  Biglang bumalik yung sakit. Naulit ang lahat ng hapdi. Shit. Para akong iniwan ng mahal ko sa pangalawang pagkakataon. Ganun parin kasakit.

Di ko mapigilang umiyak. Tatlong taon na ang nakalipas, akala ko wala na. Nakadalawang girlfriend na ako pagkatapos nya, pero sya parin pala ang hinahanap ko.  Letse.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sofa para kumuha ng iced-tea, nang biglang tumahol ang mga aso. May tumatawag.

Kilala ko ang boses, pero hindi monthly due.  Sinilip ko sa bintana  para kilalanin ang tumatawag.

Tumigil ang paghinga ko.






Copyright © 2010, All rights reserved

18 comments:

Anonymous said...

o eh gising ka pa rin pala? hahaha! ako, patulog pa lang. nag-bloghop lang nang konti at sumagot sa mga two-cents-shit sa datkom.

nakakatawa naman 'tong post mo. hindi ko tuloy alam kung totoo o hinde. ano ba kasi talaga? nanaginip ka. tumahol ule 'yung aso. tumingin ka sa labas. siya na ba talaga? o repeat refrain panaginip na naman? lol!

Yffar'sWorld said...

langya, ang bilis ah, hehe, ni-eedit(???), este, ine-edit ko pa lang eh. wag na nga di ko na ieedit, ganto na lang, LOL. XD

gillboard said...

ay fiction. di totoo.

binabasa ko siya habang yung tugtog eh What Might Have Been ni Lou Pardini.

nakakakilig na nakakalungkot. :)

Yffar'sWorld said...

may mga bahagi na totoo, gaya ng aso at, errr, coke. XD

Maldito said...

hinintay ko talaga ang bembangan blues na part...sayang...na iimagine ko nga na naligi kayu sa coke..ahahaha...joke.

nakakasad to....kasi parang nakikita ko rin ang self ko...in fairness timing din..kasi ang tinignan ko ang profile ng mahal ko talaga...

kso blocked ako.ahahahaa

Anonymous said...

ok.. hindi ako dapat kiligin pero kinilig ako.. ehehehe.. dumaan lang po..

Yffar'sWorld said...

@maldito - wahaha, naku, wag kang umasa ng ganyan sa datkom ko, wholesome ito, LOL XD

@potsquared - salamat sa pagdaan, at salamat ulit kung kinilig ka nga ng totoo, hehe. XD

Anonymous said...

grabe damang-dama ko ang pakiramdam mo. para akong nanonood ng pelikula sa pagkukuwento mo.

Yffar'sWorld said...

@mentalclimax - salamat sa pagbisita. natutuwa ako at natapik nito ang emosyon mo. XD

gasti said...

hanubayan! akala ko eh may masigabong bembangan na pagkatapos ng halikan eh haha! tapos panaginip? haaays...grabe talagang mga babae yan. sakit sa ulo. at sa puson.

Jag said...

Anong tawag mo dun magandang panaginip o nightmare? lol...

Nortehanon said...

Abangan ang susunod mong panaginip, baka may part two ahehehe :)

Bitin ang kwento hahaha!

glentot said...

Naku wish ko lang hindi na dream sequence yung pangalawa hehehe

Klet Makulet said...

akala ko totoo. tsk. nakakainis naman! isa pa pls! wehehehe

Steph Degamo said...

pano ba talaga kiligin ang mga lalake? pwede mo banag e explain in detail? LOL

Nortehanon said...

ngayon ay a-diyes na, i wonder kung nasundan na ang panaginip na yan ng kasunod na kabanata hehehe.

nangungulit lang at bumabati ng isang magandang araw at wini-wish ka na rin ng isang happy weekend :)

Tsina said...

Move ooonnn. Hehe. Joke lang. =)

Yffar'sWorld said...

@gasti - sakit din sa bulsa, haha.XD

@jag - parehas men! XD

@ms.N - salamat ms. N! wala pa pong kasunod eh, hehe, susubukan ko pong sundan agad. XD (matutulog ako ng mas mahaba.hehe)very late po ang reply dahil ngayon ko lang nakita ang mga pahabol na comments - sana po'y mabasa nyo rin ito. isang magandang gabi po! XD

@glentot - sana nga, ahaha. XD

@klet - haha. o sige, susubukan ko sundan. XD

@ester - sa palagay ko kaparehas lang ng kung papaano kiligin ang mga babae. ang babae kasi expressive at maingay pag kinikilig - in short, halata. ang lalaki, nasa loob (ng shorts) ang kiliti. nyahaha. XD biro lang. XD

@sheena - sabi ko nga eh. hehe. XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails