Thursday, December 16, 2010

Samut saring Balita

Parang kawawang-kawawa yung orihinal na titulo ng nakaraang post ko, kaya napagdesisyunan ko (na ginawa ko sa ikatlong pagkakataon) na baguhin-slash-alisin ang orihinal na title. Ewan ko, pero sa tagal ko ng nagsusulat, hindi parin talaga ako magaling mag-isip ng title sa mga posts ko. 2005 pa ako nagsimulang magblog pero pakiramdam ko walang inunlad ang paraan ko ng pagsusulat. Mukang bumaba pa nga ang kalidad. Ang hirap kasi mag-isip ng titulong swak sa banga. Lagi na lang, pagkatapos kong magsulat ng kung anong shit, sa dulo, bigla na lang akong matitigil ng ilang minuto para mag-concentrate na paganahin ang laman sa loob ng bungo ko para makapagpalabas ng isang maayos at disenteng titulo. Pero minsan, kahit gaano ko pa sikaping tikolin ang utak ko, ayaw talaga lumabas ng creative juices.  Nakakahiyang aminin na ako mismo, kung minsan, hindi sang-ayon sa titulong napipili kong ipaskil.

No return no exchange ang policy ko dati sa blog.  Touch move - kung ano na ang naitipa, naipaskil, naibato sa wall ko, wala ng bawian. No erase, period! Kahit nga noong minsang pinagbantaan ako ng isang alagad ng isang di-ka-sosyalan-na-kumpanya noon, na mapipilitan daw silang gumawa ng legal na hakbang laban sa akin kung hindi ko raw buburahin ang maaanghang kong panulat tungkol sa ka-cheapan ng kumpanya nila noon, di parin ako natinag. Potah, kasalanan ko ba na panget ng kumpanya nila? Hindi ako kailanman magpapadikta sa kung sino mang asungot - isa pa, blog ko to!  Ako ang hari at diyos dito at sarili ko lang na konsensya ang pakikinggan ko. Sabi ko sa takteng kumontak sa akin - wala akong ginawang masama, opinyon ko ang ibinigay ko, kung nasaktan sila - problema na nila 'yon, kung gusto nila magdemanda tatawanan ko lang sila.  Ano namang akala nya sa akin, bata para matakot? Sabi ko, bakit di ka nalang gumawa ng blog mo at ipagkalat mo ang mga mabubuting katangian ng kumpanya mo - kung meron man. Di narin naman sila nagparamdam pagkatapos ko sumagot sa tanginuming email-slash-threat nila. Kamakailan lang, pinalitan ko ang original na titulo ng isang post ko. Tinaytelan ko kasi iyon ng K*ntutan Tayo. Wala pang limang minuto ng pagkakapublish. Naisip ko bigla, baka ma-ban sa future-office ko ang blog ko at ma-tagged bilang site with pornographic content (paranoid lang). Nabahag ang lawit ko at pinalitan ko ng Sex Tayo ang titulo. Mas disente, sa tingin ko kumpara sa K Tayo (oh - wag ng patulan ang sinabi kong "disente" - iba-iba tayo ng moral background. Wag na nating pagtalunan). XD

Kung saan-saan na ako napadpad, ang gusto ko lang namang sabihin sa itaas ay nahihirapan akong lagyan ng title ang posts ko kung minsan. Period. Ang haba ng pasakalye, pfft.

Dahil madalas ay nasa bahay lang naman ako, balita nalang sa tv, libro, at kung anu-anong-shit sa internet na lang ang madalas kong pagkaabalahan.  At para sa mga nagbabagang balita:

14-anyos na batang lalaki, tinaniman ng gunting sa ulo:
This is not a title in some tabloid, tunog-tabloid lang. Balita yan sa TV Patrol kanina. Apat na araw ng nakatarik ang gunting sa ulo nung bata na itago nalang natin sa pangalang Edward. Hindi kasi sapat ang pasilidad ng baryotik hospital sa probinsiya ng bata, at natatakot ang lokal doktor sa bayan nila na hugutin ang gunting. Kailangang madala ang bata sa mas engrande na ospital para sa mas madibdibang obserbasyon.  Hindi ko lang lubos maisip kung bakit umabot pa ng apat na araw ang gunting sa ulo. Imagine-nin mo 'yung usual holloween costume na may nakasaksak na kutsilyo sa ulo na tagus-tagusan sa magkabilang gilid ng noo? Nakakatakot di ba? Parang ganown ang itsura nung gunting sa ulo nung bata, pero syempre hindi tagos at nasa bandang likod malapit sa ulo ng bata nakatanim ang gunting. Apat na araw na raw may gunting sa ulo ang bata. Kawawa naman. Tawag tuloy sa kanya sa kanila, Edward Scissorhead - hindi 'to joke, syempre.

Sinubukan kong humanap ng imahe ng bata pero wala akong mahagilap.

Hubert Webb after 15yrs in prison:
Shopping galore ang potah ng shirt and pants pagkatapos ng labinlimang taon na pagkakapiit. After 15yrs sa loob ng kulungan, hindi na raw sanay magpantalon si Hubert after 15yrs. Kasi nga naman, sa loob ng 15yrs panay pekpek shorts at orange na t-shirt lang ang fashion statement nya sa kulungan sa loob ng 15yrs. Labinlimang taon daw siyang inakusahan sa salang hindi daw nya ginawa pero pinagdusahan nya in 15-fucking-years. Ilang beses ko ring narinig ang 15yrs sa mga interview sa kanya at sa kanyang pamilya na pinangangambahan kong umabot din ng 15yrs. Kasi nga naman, 15yrs eh. Di ba, ikaw ba naman, 15yrs. 15yrs din suguro nilang uulit-ulitin ang 15yrs. Syempre, mahirap kalimutan, 15yrs yun eh.

Wala talaga akong pakialam kay Hubert at sa 15yrs nya, pero naaawa ako kay Mr. Vizconde. May uhog pa ako sa labi nung nangyari ang karumaldumal na krimen, at lumaki akong exposed sa balitang ito. Di lang naman ako ang dismayado sa pag dismiss ng SC sa kaso, mismo si "Hanging Judge" Justice Manuel Pamaran, nabadtrip nung masagap ang balitang acquitted ang tropa ni Webb. Guilty sa kanya si Webb. Sa akin din.

Haaay, the fact that they were acquitted doesn't mean they did not do the crime. Si Batman na bahala sa kanila.

Oplan Isnabero:
This is DOTC's drive against abusive and snobbish cabbies. Kasi naman, umaabuso, hindi naman sikat tapos ang lakas ng loob mang-snob. The nerve. Bawal na tumanggi sa mga pasahero, bawal mamili ng route, at bawal ring hindi gamitin ang metro. Ewan ko, matagal ng batas ang tamang paggamit ng metro pero ang dami paring bwakinang taxi drivers na hindi gumagamit nito lalo na sa pinagpalang bayan ng Alabang. Mabuti pa sa Makati, nakakapag taxi ako noon galing sa aking flat papuntang office sa halagang 60 pesos. Pero sa Alabang, papasok lang sa village mula sa mall, 250 pesos na! Pag may bagahe, 350! Kalokohan. Kinausap ko noon si Mayor San Pedro, sinumbong ko sa kanya ang mga taxi dito, sabi nya "I'll look into it and I'll get back to you." Hindi ko alam kung bat nya nasabi 'yon, di ko naman tanda na ibinigay ko ang number ko sa kanya. Na-reelect na sya sa office pero hindi parin sya nakakabalik. Pakshet.

Yep, I did speak with the mayor last year. Napanaginipan ko yun eh.

New Philippine Banknotes:
Excited ako dito.  All the seven banknotes denominations (20, 50, 100, 200, 500, 1000 and 2000), have a new design. Pati narin ang coins. Central Bank of the Philippines will start distributing the new 20 peso bill tomorrow. They upgraded the security features of all banknotes to make it easier for the public to detect fake money. Major change ang pagbabago sa perang papel at mas pinatingkad ang kulay. Maraming pagbabago; pinabata si Roxas, dinagdag si Cory kay Ninoy, sinama ang ilang natural wonders of the Philippines - kasama ang Philippine Tarsier. Sabi ni President Noynoy sa balita, kulang nalang daw sa 500 bill eh muka ni Kris at Bimby. Utot nya. Napakasamang joke kaya non. Pwede nyang isama muka ni Kris, pero dapat nakapatong sa ulo nya yung tarsier. [Insert Kris-laugh-here: Ahah, hah, hah, hah!]

Eto yung ubod ng bagong-bagong design.



Biro lang. Eto talaga.

Hindi ko alam kung ako lang, pero parang nakakaloko ang ngiti ng mag-asawang Aquino dito.
Galing dito ang larawan

Astig ang pagkakadesign.  Hanapin mo si Gloria sa Larawan.

Ayun si GMA.  Sinama pa talaga, lakas mang-asar ni Noynoy.

Gusto ko ang design ng mga bagong papel.  Nakakatawa lang makita na pinaliit ng todo ang imahe ng panunumpa ni GMA.  Parang sampal sa muka ni arroyo yan, kung ako ang tatanungin (pero wala rin talaga akong pakielam dito).

Kung hindi ka nag-skip read, naguluhan ka siguro sa "seven" banknotes na sinabi ko.  Anim lang talaga, wala pang 2000 bill.  Naexcite ka naman siguro.

O sya, byerts na!



10 comments:

Steph Degamo said...

i've changed my link. kindly save my new url. sorry for the hussle

Jag said...

Kung di ba nmn malaking tanga ang nsa NBI...iwala ba ang mga specimen samples n nkuha sa katawan ng mga biktima...pwede sana iyong pagbatayan for DNA...hayun umabot tuloy sa 15 years at parang JOKE JOKE lng ang lahat na parang walang nangyari...

Kailangan ko n plang magcollect ng mga lumang pera kung papalitan n nga ito ng bago...ang liit n nga ng imahe ni Arroyo sa pera natakpan pa ng code number ang mukha hahaha...

bobot said...

isa na namang makabuluhang post ang ginawa mo di to yffar. tagal mo nawala, tagal ko rin naghanap ng mababasa. salamat at bumalik ka.
cheezzyyy! :P

astig ka tol!

JoboFlores said...

15 years sila nang 15 years...hindi na nila naisip yung labing tatlong saksak kay estrellita, labing pitong saksak at hindi pa nakuntento ginahasa pa si carmela at ito yung hindi ko matanggap...labing siyam na saksak sa pitong taong gulang na si jennifer...sana madugtungan yung kwentong ito nang story nang batang may gunting sa ulo...na habang nagsashopping ang mga anak ng pinagpalang langit eh may siraulong sumaksak sa kanila ng gunting sa ulo...at pag nandun ako wititit ko silang tutulungan...wahahaha

Yffar'sWorld said...

@ester yaje: nireplyan na kita kanina pero biglang nawala. not a hassle - ok lang. ako rin naman madalas magpalit dati ng url at blog. XD

@jag: hinala ko nga kampo rin nila webb ang may pakana ng pagkawala ng DNA sample. meron ako dito lumang sampumpiso na papel. 4 uncut bills, ka-size ng short bond paper, niregalo sa daddy ko dati ng isang taga central bank. tarsier na yung pumalit sa pwesto ni gma sa 200 eh. tarsier yung hayop na maliit, kayumanggi, has big eyes, can hold on tightly, and turn its head almost 360 degress, and... teka...si gma din yun di ba? XD

@bobot: makabuluhan ba? parang hindi naman eh, hehe.. salamat! pag may libro ka na wag mo akong kalilimutan ha. XD

@jobologist: uy bagong dalaw, hehe. welcome sa site ko. XD ano yung wititit?

JoboFlores said...

wititit- sing kahulugan ng hindie eigenman...salitang beks ata yan napulot ko lang sa kawork ko...heheh

Traveliztera said...

Ang hassle naman nung feeling ng may gunting sa ulo ... =\ Hindi ko pa nasubukan pero pag naiimagine ko yun... ayun. Yun lang nasabi ko

Alam mo... Abuso nga mga cabbies. Pakapalan nalang e noh. Hihingi pa ng extra kahit sinunod mo ung nakalagay sa metro. =\

AND in fairness--na-excite rin ako sa bagong pera!
Lakas mo rin mang-asar sa mga nasa designs a. Haha! Nagmana ka kay P-Noy hehe

Yffar'sWorld said...

@jobo - ah ok, hindi pala ibig sabihin, hehe. XD

@traveliztera - kagabi sa balita, tumagos daw pala sa bungo yung gunting, tumama sa utak, tsk tsk. kawawang bata, sana maging ok lahat. ninong ko si Pres Noynoy eh, hehe. XD

bobot said...

yung tarsier din sa bagong 200 na bill, may nunal din sa mukha lol :D

Yffar'sWorld said...

bobot - haha... sabi nga nila, konti lang daw ang nakapansin ng difference ni gma at ng tarsier. XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails