Una, nais kong magpasalamat kay nyabachoi sa paggawad sa akin ng award na ito. Sya ang unang nagbigay nito. Pero dahil sa tagal kong hindi nakapagpost, may dalawa pa uli na nagbigay ng parehas na award; sina leonrap at superjaid. Salamat sa inyong lahat! XD Pero sa totoo lang, naguguluhan talaga ako kung bakit "stylish" ang kategorya/pangalan ng award. Hindi ko alam kung alin ang stylish sa akin / sa blog ko / sa pagsusulat ko. Wala naman kasi. Hindi ako nagrereklamo ha, kapal naman ng muka ko kung tatanggihan ko ang award, hahaha, kahit best actor award pa yan, o supporting actor, tatanggapin ko parin yan. Medyo naguluhan lang talaga ako.
Ito daw ang rules sa pagtanggap ng award:
- Thank and link back to the person who gave you this award
- Share 7 things about yourself
- Award 15 recently discovered great bloggers
- Contact these bloggers and tell them about the award
Muka namang walang kinalaman ang "stylish" sa rules ng award, so ipapasa ko na lang ito sa mga bloggers na madalas matambay dito o madalas kong tambayan ang blogs. Sa madaling salita, ibibigay ko ito sa mga madalas kong makita dito at sa madalas kong bisitahin (kahit na hindi bumibisita dito).
Game...
7 things about myself:
- Tamad ako sabi ng marami. Naniniwala naman ako dahil madami rin silang ebidensya.
- Mahiyain ako. Mas madaldal ako sa email/blog/facebook (yan lang ang meron ako) kesa sa personal. Nahihirapan ako makisalamuha sa mga bagong kakilala.
- Madami akong kayang gawin, pero hindi ako naging dalubhasa sa kahit anong larangan. Mediocre-level lang lahat. Sa ngayon, nahihilig ko sa pagpinta. Siguro sa March iba naman.
- ABS-CBN talent ako noong araw. Sumali ako sa himig handog love song na pakulo ng abs-cbn noong 17yo ako. Syempre, hindi ako nakasama sa finals. Semis lang. Sumali din ako sa GAMEKNB. Hindi rin ako pinalad. Sira kasi ang detector ng napwestuhan ko (o feeling ko lang).
- Nagsimula akong mag drive ng kotse sa edad na sampu. Washing machine ang una kong nadisgrasya.
- Ex ko si Maja Salvador. Syempre joke to. Hindi ko sya sinagot.
- Feeling ko tumatalino ako pag nakakakain ako ng chocolate. Directly proportional ang pagtalino at pagchubby ko. Alam mo na ang mangyayari pag pumayat ako - lalala ang kondisyon ko. (nakakatawa ang salitang "lalala". isang tunog lang na pinaulit-ulit. parang yung tanong lang na "bababa ba?" parang sina sitsiritsit-alibangbang lang ang nag-uusap.)
At ang mga pagbibigayan ko ng award na ito ay sina:
Errr.... yung mga nasa blogroll ko sa gilid. XD Sorry kung hindi ko sinunod ang rules. Hindi naman talaga ako mahilig sumunod sa mga ganitong pakulo, pero nagpapasalamat parin ako. Hindi ko pa naaupdate ang blogroll ko, kaya wag sanang magtampo kung wala pa ang link ninyo sa gilid. Pasensya na, naisin ko mang-ilagay at isa-isahin kayong lahat eh gahol ako sa oras. Busy mode kasi ako ngayon. Isiningit ko lang talaga ang post na ito sa busy sched ko para pasalamatan ang tatlong tao na nagbigay nitong award sa akin. Ngayon lang din kasi ako naging busy simula noong nagresign ako sa trabaho noong nakaraang taon, sana ay maintindihan nyo. May pagkakataon kasi ako ngayon na gumawa ng kaperahan, kaya syempre sinasamantala ko na. Masisisi nyo ba ako? Dapat lang hindi! XD haha
Siguro espesyal na pasasalamat nalang kala maldito, glentot, lio, jobo, ms.N, jag, jepoy, nyabachoi at sa iba pa na madalas mapadpad dito at/o madalas kong bisitahin at makaututang dila. Sa kanila ko kasi minsang nadama na may kausap ako sa blogosperyo. Iba kasi yung nag-iiwan lang ng komento sa nakikipag-usap. Marami pa akong gustong banggitin na bloggers, pero sa susunod na lang, sana ay walang magtampo dahil lahat naman kayo ay espesyal sa kidneys ko.
Salamat din pala kay jobo (dalawang beses ko na nabanggit ang pangalan mo kaya may bayad na 'to!)sa pag nominate sa akin sa kategoryang friendliest blogger sa The Annual Blog Awards. Syempre, hinding-hindi ako mananalo doon sa dalawang punto; una, hindi naman ako friendly, pangalawa, konti lang ang talagang nakakaututang dila ko, sa makatuwid - walang boboto. Binoto lang nya ako para makahirit sya ng painting, in short hindi bukal sa kalooban nya ang ginawa nyang pag nominate. Sorry, pero hindi ka nagtagumpay. Hahaha. XD
Na-miss ko ang pag bloghop. Babalik din ako, siguro next week, pag maluwag na ang oras ko. Mag baback-read ako ng bonggang-bongga.
Salamat everyone!
Byerts! XD