Saturday, January 1, 2011

Welcome 2011! :-)

Post sa FB ng classmate ko nung HS - taon na ng onse-han! Hahaha... parang ampanget pakinggan. XD

Maikling post lang ito para batiin ang 2011.  Naway maging maligaya at payapa ang taong ito para sa atin.  Ulanin sana tayo ng swerte, bagyuhin ng biyaya, at bahain ng limpak-limpak na salapi!

Hindi ako naniniwala sa horoscope shitnitz, pero kumunot parin ang noo ko sa narinig ko sa tv kanina.  Sa taong ito, swerte daw ang zodiac sign ko...sa kaibigan.  May mga kaibigan daw ako na matatakbuhan sa oras ng kagipitan (at may kagipitan pa talaga na magaganap? pano kung magkatoto yan? lokong astrologer yun ah).  Ok naman ang swerte sa kaibigan, pero mas gusto ko ang swerte sa pera! pera! pera! hahaha (oo, ako na mukang pera). XD

O sya, naghihintay ang inumin.  Manigong bagong taon sa inyong lahat! XD

Byerts!


5 comments:

Kamila said...

Nyay! Happy new year.. hindi naman sa gusto kong makalbo kapatid mo,. pero follow lang kita...

bisitahin din ako sa
DITO

Raffy said...

hahaha, hindi, ok lang yan. si ate pa. haha. XD

actually gawa-gawa ko lang yan, di nga alam ng kapatid ko na may ganito akong shit-site eh. XD salamat sa pagfollow. happy new year!

Will said...

Happy new year, dude!

just followed you. hope your sister shaves her head asap.
hahaha!

nyabach0i said...

ako rin walang tiwala sa zodiac sign kemehan. kadiri irely ang buhay dun at hindi ko rin naman madedemanda pag hindi nangyari. hehe.

anyway, happy new year raffy.

Raffy said...

@will - haha, thanks for suppporting the cause. XD happy new year!

@nyabachoi - uu nga, hehe. happy new year sa iyo! XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails