Sunday, November 8, 2009

Liham ng Pag-ibig


Para sa Iyo,



alam ko nasaktan kita. pero maniwala ka sana, hindi ito ang nais kong maramdaman mo. pasensya ka na ha. hindi naman talaga ganito ang gusto kong mangyari. inaamin ko, kasalanan ko ang lahat. masyado akong nakialam sa buhay mo eh. minsan nagsisisi ako kung bakit ko hinayaang gawin mo ang lahat ng gusto ko. hindi mo dapat ibinuhos ang lahat ng damdamin mo sa akin. alam ko, malaki ang pagkukulang ko sayo. masyado kitang binulag sa mga di makatotohanang pangako. masyado kitang pinaasa. ipinagpilitan ko sayo na ang lahat ng gusto ko ay tama. pinaniwala kita sa mundo ng walang hanggang kaligayahan...ng tunay na pag-ibig. sorry talaga. masyado kitang pinangunahan sa mga desisyon mo sa buhay, sa punto na lagi nalang ako ang iniintindi mo. lagi nalang ako ang priority mo. lagi nalang ako, kapakanan ko, kagustuhan ko, kaligayahan ko. nakalimutan ko na may sarili kang pag-iisip. alam kong mali, pero hinayaan parin kita na mahulog ng husto sa aking di makatwirang damdamin. sana hinayaan na lang kita na magdesisyon ng naaayon sa sinasabi ng iyong isip. nakaligtaan ko na hindi kita pag-aari, na may sarili kang isip, na may sarili kang buhay. nasaktan kita, at nais kong humingi sa iyo ng kapatawaran. wag mo akong isipin, ok lang naman ako. unahin mo ang sarili mo, at mag desisyon ka ng ayon sa dikta ng iyong isip...dahil doon mo lang naman talaga malalaman kung alin ang tama at alin ang mali. wag mo na lang sana ako masyadong intindihin. inaamin ko madalas mali ang nararamdaman ko, kaya't wag ka sanang padadala kaagad. tandaan mo, ano man ang mangyari lagi lang akong nasa tabi mo. simula ngayon pipilitin kong wag kang pangunahan. pipilitin ko na iayos ang lahat. pipilitin kong wag ka ng paluhain. nandito lang ako lagi, mananatiling kapiling mo.


nagmamahal,
ang iyong puso



***************************************************

p.s.

ikaw na nagbabasa ngayon, oo, ikaw, wag ka na masyadong magdrama. hindi mo ba naririnig, ang ganda ng tugtog. smile ka na.

teee heee heee! XD

***************************************************


1 comment:

Tobey said...

ikaw ba yan? wahahahaha. emo mode :p

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails