Tuesday, January 18, 2011

Malamig ang gabi, ang sarap [tapusin ang pangungusap nang ayon sa iyong konsensya]

Ang lamig!  Nitong mga nakarrrrrraang gabi napansin ko na parrrrrrang sobrrrrrra ang lameeeeeeg.  Parang wala ako sa Metro Manila.  Sa katunayan, nakajacket ako ngayon (na ilang buwan ko ring hindi nagamit) at may malamig na milo (malamig parin) habang tumitipa sa keyboard.  Sarap!  Hindi naman ako nahilig sa mainit na inumin.  Mapa-kape o tsokolate gusto ko laging malamig, kahit na malamig na ang paligid.  Ang sarap sanang may kayakap sa mga panahong tulad nito - bed weather.  Pero dahil wala naman akong syota at walang chicks na gustong yumapos sa aking slightly chubby na pangangatawan,  pasimple ko na lang yayakapin mamaya ang aking sariling mga bisig sa pag-idlip.

Medyo marami akong ginawa nitong nakaraang linggo.  At mas magiging busy na ako lalo kapag natanggap na ako sa inaaplayan kong tindahan sa pamilihang bayan ng Muntinlupa.  Matutupad ko na rin ang pangarap ko na maging tindero ng tinapa.  Actually, pangarap yan ng bunso naming kapatid.  Ako na lang ang tutupad para sa kanya. Tamad kasi sya mag-aral noong elementary sya at ang panakot nila nanay sa kanya eh magiging tindera sya ng tinapa paglaki nya kapag hindi sya nag-aral ng mabuti.  Malugod naman nya iyong tinanggap - bumanat pa na marangal naman daw na trabaho ang pagtitinapa.  Tama naman.

Noong Biyernes eh dumalo ako sa kasal ng aking mabuting kaibigan na si Chris.  Sa St. Joseph Church sa Las Piñas ang kasal.  Hindi ka tiga-LP, siguro ay hindi ka pamilyar sa St. Joseph Church, pero malamang sa malamang ay narinig mo na ang pamosong Bamboo Organ.  First time kong makapunta sa simbahan na 'yon, at 'yon na rin ang aking unang pagtapak sa simbahan at unang kasalan na inatenan ko sa taong ito.  Oh di ba, back-to-back-to-back ang first time, kaya nag wish ako.  Hindi naman para sa akin ang wish ko kundi para sa bagong kasal.  Na sana ay maging matiwasay at habambuhay na maligaya ang kanilang pagsasama!

Napadami ako ng kain sa reception.  Bihira lang kasi ako maka-attend sa mga ganoong handaan kaya sinulit ko talaga ang buffet dinner. Sa mga kasalang napuntahan ko, never pa ako sumali sa kahit anong pakulo, kaya nung naramdaman ko na malapit na magsimula ang paagaw ng garter, palihim na akong umeskapo.  Pero hindi rin natuloy ang balak ko dahil bago pa man ako makalabas eh narinig ko na si Chris na tinatawag ang pangalan ko sa mikropono - ayown, hindi na ako nakatanggi.  Dahil lagi na lang iniiwasan ang garter sa mga ganitong okasyon, binaliktad ng host ang mekaniks.  Ang makakakuha ng garter - OUT.  Inulit-ulit ang paghagis hanggang sa isang lalaki na lang ang naiwang hindi nakakahuli sa garter.  At si Kaloy ang lalaking 'yon.  Pero sinadya talaga ni Kaloy na hindi makiagaw sa garter.  Hmmm...maparaang bata! XD

Hindi pa doon natapos ang gabi dahil pagkatapos ng reception ay dumaan pa kami sa bahay nila para sa isa na namang equally engrandeng kainan at inuman.  May mga pictures pero hindi ko na dito ilalagay, tinatamad ako mag upload.  Eto na lang ang picture ng bagong kasal.  Hindi pwede ang close-up dahil wala naman akong pahintulot na ilagay ang larawan nila dito.


Chris and Joy. XD

At kahit na hindi nya ako kinuhang bestman o kahit groomsman man lang (nagtatampo talaga? haha), ibibigay ko parin sa kanya ang painting na ginawa ko talaga para sa kanila.  Hindi ko dinala noong araw ng kasal kasi wala naman akong dalang sasakyan, at saka nagdadalawang isip pa kasi ako noon kung ibibigay ko nga ba yung painting o hinde, hahaha, pero syempre ibibigay ko talaga sa kanila.  Ewan ko, medyo nalulungkot lang kasi ako na ipamigay yung painting, para kasing may sentimental value na sa akin ang bawat isa sa mga simpleng pinta ko kahit ba parang kinahig lang sila ng manok na nagtampisaw sa pintura.  Buti sana kung bibilhin, kikita pa ako, hahaha. :-)  Invited ako sa Thursday sa bahay nila Chris para mag lunch (actually, sinabi lang na pumunta ako nang lunchtime sa kanila - hindi naman sinabing papakainin ako ng lunch.  assuming lang ako).  Dun ko na lang ibibigay ang painting nila. Panget ang painting ko, pero mas may halaga 'yon sa tingin ko dahil may labor of love ang regalo ko.  Isang simpleng pinta na maituturing ngunit extra special dahil bahagi iyon ng aking pagkatao - at iyan ang matatawag kong tunay na regalo; higit sa anu mang pera, plato, mug, rice cooker, plantsa, picture frame, kaserola, arinola, atbp., na regalo ng iba.  Haha. XD  O sya, akin na talaga ang perfect gift.  Hahaha! XD

Oh, byerts!



18 comments:

Rap said...

ang cute ng picture... ang ganda... kaw photographer nito??? hehehe... nice!.

nyabach0i said...

sorry walang connection ang comment ko. kelangan kong iparating sayo na may award ka from me. nakikiuso. hehe. http://nyabach0i.blogspot.com/2011/01/award.html

glentot said...

Oo nga ang lamig lately, nagamit ko tuloy yung comforter ko na dati eh sinasandalan ko lang kapag nagDDVD marathon... sana ganito buong taon.

Anonymous said...

hindi lang malamig sa amin dito....maulan pa..ang daming bagay na hindi ko na nagagawa...naakainis lang...

pareho tayu when it comes to gift giving..tama ka na mas maganda ang gift kung may tinatawag na effort..atleast parang masasabi mo na u have to keep it cos u know pinaghirapan....

gusto ko talaga eh yung nakatatak ang pawis ko.ahaha..joke..

Jag said...

kaya ka pla nilalalmig eh kasi kinulang sa pampainit LOL...

NIcely captured yung wedding pic ha...pati ang background...malay mo ikaw na ang magfi-feaTURE sa sarili mong kasal dito hehehe...

WV:unfacki hahaha ikaw na bahala mag correlate hahaha...

Yffar'sWorld said...

@leonrap - ahem...hindi ako ang photographer. hehe. ipararating ko sa photographer ang iyong papuri sa larawan. XD

@nyabachoi - wow naman, may award pa? salamat ng marami!XD

@glentot - masarap nga ang ganitong weather. wag lang sanang sundan ng ulan. buti na lang wala tayo ngayon sa baguio, extra lamig daw ngayon dun eh. XD

@maldito - naku, wag naman sanang bumaha dyan. kakaiba na ang kilos ng panahon ngayon, nakakatakot. nilawayan ko nga yung painting eh, hahaha, XD

Yffar'sWorld said...

@jag - uy bagong profile pic! hehe XD kukuha ako ng professional photo/videographer pag ako na ang ikinasal. hayaan mo na lang si captcha sa kung anong trip nya,hehe XD

LON said...

COOL ;) I AGREE, SOBRANG LAMIG. ANG SARAP... MAGKAPE.

Sean said...

ang ganda naman ng kuha sa bagong kasal. post ka naman ng pic ng painting mo. isa ba ito sa mga nasa dating post?

JoboFlores said...

Malamig ang gabi, ang sarap

a. lumandi
b. tumae
c. mamalengke

Bilugan ang titik nang salitang angkop sa pangungusap.

Yffar'sWorld said...

@winzton - tama. XD

@sean - yup napost ko na yun dito dati. XD

@jobo - wahahaha, ayos sa choices ah! XD walang bang all of the above dyan?

JoboFlores said...

bakit may nakikita ka bang all of the above?

(tama bang tarayan si raffy? hahahahah kunwari lang)

Yffar'sWorld said...

aba uma-irate??? hahahah XD

JoboFlores said...

...kunwari lang

Rap said...

ang tagal naman ng next post mo... ahahha...

nga pala, i gave you an award, paki check nlng . heheh.

http://leonrap.blogspot.com/2011/01/makikiuso-na-din-ako.html

Null said...

galing nung photo, san yun?

buti jan malamig LOL!... dito kasi 4 deg hahahaha, well i shouldn't be happy about it haha

pwede ba magpagawa ng painting? haha

Anonymous said...

sila pala 'yung maswerteng bride and groom na bibigyan mo ng painting. pag ayaw nila, akin na lang. pero gusto ko ;yung fhm na painting mo. hahaha!

sa simbahan ba 'yang backdrop nung picture? mukang okay ah. very panoramic.

at seryoso bang magtitinda ka na ng tinapa sa palengke? ayaw mo nang magpaka-puta, raf? o di kaya eh mag-full0-time artist ka na lang, di ba? malay mo dun ka pa yumaman. \m/

Yffar'sWorld said...

@jobo - kunwari, kunwari! hahaha, ok lang jobo, ikaw pa! XD

@leonrap - naku, salamat sa award! actually ikatlo ka na na nagbigay nyan sa akin, hindi ko pa nagagawan ng post, medyo busy pa eh. pero salamat! XD

@ro anne - sa bamboo organ church yun. XD sige, gawan kita ng painting, bigay ko rin sa kasal mo, kaya dapat invited ako ha.. XD

@lio - oo men, sa simbahan yun. nasa kanila na yung painting. naku, nasa kwarto ko lang yung fhm, isa pa hindi yun maganda, gagawa na lang ako ng iba sa susunod. XD malay natin magkaroon ako ng exhibit sa december (asa lang ako, haha.) XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails