[Mukang masyado yata akong sinisipag mag-update ng blog ko. Iba talaga pag walang ginagawa, hahaha. XD]
Kahapon ko pa dapat ito balak gawin pero binigyan-daan ko muna ang Black Nazarene. Syempre, mas importante naman ang Nazareno kesa sa walang kwentang subject nitong post ko today. Kahapon kasi, naggala-gala ako sa sangkablogosperyohan at napadpad ako sa blog ni superjaid. Natuwa ako sa nabasa ko dahil naalala ko ang kabataan (kabataan talaga? haha) ko sa pumapag-ibig nyang post. Sa totoo lang, nakakabadtrip din minsan yung mga word-verification-shits na kailangan mo pang i-type para payagan kang magkomento. Kung minsan, kailangan ko pang ulit-ulit ang pag enter sa word verification. Nakakaloko. Takte kasing captcha yan, parang hindi nakikinig (o nagbabasa) sa tinatype, minsan naman parang pabago-bago at nang-aasar lang talaga. Minsan kahit siguradong-siguradong-sigurado akong tama ang inenter ko eh mali parin daw. Lintek.
captcha: "word verification is papiritpaparirit"
ako: ita-type ko yung wv na "papiritpaparirit"
captcha: "incorrect wv, you typed papiritpapapirit"..."wv is papiritpaparirit"
ako: ita-type ko ulit yung wv na "papiritpaparirit"
captcha: "incorrect wv, you typed papiritpapapirit"... "new wv is papampam, pls type papampam"
ako: ita-type ko yung bagong wv na "papampam"
captcha: "incorrect wv, you typed papampam"..."wv is papampam"
ako: ita-type ko ulit yung wv na "papampam"
captcha: "incorrect wv, you typed papampam"..."new wv is utohwutoh"
ako: taena mo captcha!!! (closing comment box)
Ganyan minsan ang nangyayari. (hindi ko alam kung bat ko naisip na papiritpaparirit ang gawin kong example). At gaya ng halimbawa ko, nakakaloko at out-of-this-world talaga ang mga salita kadalasan - yun eh kung maituturing nga itong word. Kaya tinanggal ko yung ganyan sa settings ko eh, istorbo kasi ang tingin ko don at baka tamarin pa magcomment ang bumibisita dito (ang alam ko tinanggal ko... pero kung hinde, sorry, hehe. plst let me know kung meron ding wv dito sa akin pag magkokoment kayo).
Ok, balik tayo sa comment ko kay jaid. Yun nga, nung magkokoment na ako sa post nya, merong lumabas na word verification... eto ang screenshot:
Lakas mantrip ni captcha. Dati naka encounter na ako ng phuke - medyo katunog lang naman. Pero this time, it's the real thing. Haha.. XD Just sharing.
Byerts!
22 comments:
hehehe. oo nga. ang hirap minsan basahin. tapos kapag sure na sure ka na mali pa rin pala. kakairita minsan. hihi
wv: glationa
Ayoko rin minsan ng WV, pero minsan talaga'y nakaktuwa yung mga lumalabas.
WV: latomine
Hahahaha! Papirit Papapirit parang lyrics yun ng Dayang Dayang ah hahaha...
At oo may WV ka pa rin... pero hindi naman burat ang lumabas.
oo tama ka.....kadalasan na reason why some readers ay idi nagcocoment ay dahil sa WV na yan..kakabadtrip lang..lalo na yung dapat pala naka sign in ka sa WP before ma publish ang comment. leche.
PS: May WV parin..ensesti
@nimmy - nakakabanas nga, hehe, yung wv mo parang babaeng gladiator, haha. XD
@will - minsan nakakatuwa, pero madalas nakakaloko. haha. XD yung wv mo tunog gamot sa diarrhea, hehe.
@glentot - wahahaha, huli mo glentot! XD papirit ba yun, akala ko paririt, mali pala ako, haha. takte, akala ko talaga tinanggal ko na yung wv sa setting ko...tsk.
@maldito - eh di ba nakakaasar naman talaga ang wv kung minsan? istorbo eh, hehe. XD hindi ko pa pala natatanggal sa settings ko yung wv, sorry. XD
....makapagcomment nga baka makakita din ako nang burat gaya mo....bwahahahahha....
....seedlec ang lumabas....try and try....untill you see burat hahahahah
Bakit ako, hindi nakakakita ng burat?
tama si glentot. dayang dayang ang wv mo. haha.
pansin ko minsan connected yung wv sa mga posts... lalo na kung makulit or bastos... hehehe
@jobo - haha, baka mapagod ka nyan kaka-try-and-try. XD
@gooeyboy - ngayon lang din ako nakakita ng ganyang wv. ayoko na ulit makakita. XD
@nyabachoi - dayang-dayang nga, nyahaha. XD
@gibo - actually pumapag-ibig yung post ni superjaid na pinagkomentan ko. kung sabagay, may kinalaman nga din naman yung wv sa pag-ibig, hindi ba? hehehe. XD
ambastos ng wv! naku may wv ka rin pero di naman bastos. "khantot" daw. juk!
BWAHAHAHAHA!!!
ireport user na yan. ahaha...
@sean - haha, hindi malayong lumabas din ang salitang yan. XD
@leonrap - tara, isumbong natin sa xxx. may hinala ako na pinoy ang nasa likod ng captcha. haha. XD
HAHA.
ITO NAMANG WV DITO:
unfake
MAY ANUMALYA SA CAPTCHA.
Ang tawa ko dito sing lalim ng baul. Minsan din na-eencounter ko mga kakaibang word verification..pero hindi ko akalain na pwede mo pala talagang itopic sa blog ang kahit ano...at may matutuwa pa riin..katulad ng pagka-tuwa ko sa burat na ito..este.. ehem.
@demigod - haha, meron talaga. XD salamat sa pagbisita.
@kamila - anong ehem? hehehe.. oo nga, kahit ano mukang pwedeng gawan ng blog. malabnaw yung jebs nung aso ko, baka gawan ko din ng blog sa susunod na araw, haha, juk lang, gross kaya nun. XD
hehe kakaibang wv nga ang mga yan. and wv ko dito ngayon ay "plask" :)
sa mga may dotcom na nasa wordpress, ang alam ko naman may plugin na pupwede pumili o maglagay ng sariling words ang may-ari ng site.
Miss N of
http://nortehanon.com
wahaha ambastos nga tsk nakakahiya naman na yan ang lumabas sa comment box ko maalis na nga yung WV sa blog ko ahahaha
hahaha!!!
at least yan napakadaling basahin.
nice nice. nakakatuwa talaga yang captcha na yan. counter measure yata yan para walang maka pag spam.
magandang araw yffar! add kita sa blogroll.thank you!
yffar icheck mo ito!!! http://adodcespresso.com/taba-2010/taba-finalists/ akalain mo nanominate ka pang friendliest blogger dahil lang sa paghahangad kong makuha ang bulaklak mo bwahahahah
@Ms.N - hehe, kakaiba nga po. XD sosyal naman ang wordpress, may vanity-word-verif generator pa, hehe. XD
@jaid - hehehe,akala ko nga natanggal ko na yung sa settings ko, hindi pa pala. tinatamad na ako baguhin, hayaan ko na lang. XD
@sir duking - hahaha, tama - mas madali nga namang basahin kahit papaano. XD salamat po sir! XD
@jobo - hahaha, loko ka talaga jobo!haha.. di ko alam na pumasok pa talaga yan. hindi ako friendly (at inulit ko ulit, haha), pero salamat parin sa pag nominate mo sakin, hindi ko na-appreciate (sige na nga, naappreciate ko na, hehehe!) salamas! XD
ur welcome....
p.s.
hindi ko alam kung typo error yung last word sa comment mo o kung may halo talagang kahalayan hahahahaha
Post a Comment