****Ilang araw na akong tuliro at hindi mapalagay. Ang hirap talaga, ako lang ba ang walang pera ngayong pasko? Kawawa naman ako.****
Galing ako kanina sa condo ng kapatid ko sa Boni. Actually, apartment lang talaga yun... condo lang ang tawag ko para mas sosyal pakinggan. Eh bakit ko nga ba binuking na apartment lang talaga 'yon kung gusto ko naman syang palabasing sosyal? Isang malaking paradox. Tuliro na naman. Balik sa condo. Nagbalik loob kasi ulit ang ate ko sa kanyang condo matapos ang dalawa o tatlong araw na pananatili sa ibang unit dahil sa pagbabakbak ng sahig para palitan ng mamahalin at makinang na tiles na wangis ng sa Edsa Shangrila Hotel. Yung tipong pwede ka ng manalamin sa sobrang kinang, kita pati panty pag nakapalda ang nakatayo. Ganown kakinang. Bago ang sahig, pero dyos ko, sobrang kalat. Ang alikabok. Ang baho. Ang gulo-gulo sa loob ng condo. Parang nagsabong ang North Korea at South Korea, katulong ang US, kasabay ng pagputok ng Bulkang Bulusan, sa loob ng condo ni ate. Letseng kalat. Kaya pala gaun nalang ang pagpilit ni ate na tulungan namin sya sa paglinis. Actually, kami lang ang naglinis dahil pagkatapos nya sa opisina ng hapon eh dumiretson naman sya at naglaro ng badminton kasama ang kanyang mga kaopisina. So ang ending, hindi ako tumulong maglinis, kundi ako ang naglinis. Kasama pala si bunso. Hindi ko kasi masyado naramdaman ang presensya ni bunso dahil ako lang halos ang naglinis ng buong condo. Haaay.
Kagabi palang nag-uusap na si bunso at si ate sa telepono kung ano-ano ang kailangang gawin sa condo. May mga bilin. Kampante naman ako na nayakap ng comprehension skills ni bunso ang mga habilin ni ate. So go kami kanina sa condo. Meron dun isang napakalaking cabinet na dating nakadikit sa dingding. Mataas yung kabinet, mga 7-talampakan ang taas, at isang metro ang lapad. Mabigat dahil gawa sa solidong kahoy. Di ko alam kung anong klaseng kahoy 'yon, pero parang sa puno ng malunggay. Basta matibay at mabigat. Nagulat na lang ako pagdating namin sa loob dahil binaklas pala ng nag-ayos ng condo ang malaking cabinet at inilipat ng pwesto - tapos hindi binalik! Pothang ina!!! Naiwan tuloy yung bakas ng pinaglagyan ng cabinet sa dingding.
Hindi pa ako kumikilos eh nanghihina na agad ako. Tinanong ko si bunso, "ano daw ang balak nya (ni ate) dito?"
Sagot naman si bunso, "ikaw na raw ang bahala mag-ayos eh."
Pothang-ina. Prinoblema ko kaagad yung bakas sa dingding na dating pwesto ng malaking kabinet. Iba na kasi yung kulay nya sa mismong kulang ng condo. Kelangan pinturahan. Pero wala akong pintura, at ayoko naman lumabas at mag-effort na bumili ng brush at pintura. Pero sa totoo lang, mas madaling magpintura kesa iurong yung napakabigat na kabinet na yon. Pero, naisip ko na baka sabihin ni ate eh trabahong tamad ako. Kilala ko si ate, ayaw nya ng trabahong tamad, at isa pa, isa syang cold-blooded at heartless na kapatid (oo, nanonood ako nung palabas sa hapon - ako na ang tambay), kaya imbes na bumili ng pintura, nagtyaga ako na itulak ang makalaglag-itlog na cabinet papunta sa orihinal nya na pwesto. Estima ko higit 12 feet ang distansya. Takte ang bigat! Hindi ko na pinatulong sa bunso sa pagtulak sa kabinet dahil bukod sa babae sya eh medyo may pagkalampa rin. Kaya sariling sikap ako sa pagtulak ng cabinet.
Solb. Nasalo naman ng boxers ko ang itlog ko.
Madami pa akong ginawa pagkatapos ng pakikipagbuno ko sa kabinet na walastek. Punas dito, punas doon; pagpag dito, pagpag doon; kain dito, kain doon. Madami. Limang oras din ang inabot namin ni bunso para linisin ang buong condo. Kisame lang ang hindi dinapuan ng basahan. Gabi na nang dumating si ate. Sakto, may dala syang pagkain para sa mga inalipin nyang kapatid. Natuwa agad si ate dahil wala na ang mga kalat at basurang iniwan nya nung pumasok sya sa trabaho. Pagpasok nya ng kwarto, biglang "Nyek, anong ginawa nyo dito???"
Nagulat naman ako. Bakit daw bumalik sa dating pwesto yung cabinet. Sabi ko naglakad mag-isa (patawang vice ganda, ang korni). Sabi ko, "eh dyan naman talaga yan nakalagay diba?"
Sabay kamot ng ulo ni ate, "Eh pinabaklas ko nga yan kay Mang Kepweng at pinalipat doon (turo sa sulok) para ma-maximize ang space, tapos ibinalik mo din??? Kawawa naman yung matanda. Ang bigat-bigat kaya nyan!"
Takte, mas naawa pa sya sa matandang hindi kaano-ano kesa sa akin.
Hindi naman pala kasi pinapabalik ni ate ang cabinet sa dating pwesto. Ang bilin nya kay bunso, ako na raw ang bahala mag-ayos sa mga kasangkapan at "magpintura sa dating pwesto ng kabinet". Dyoskopo. Ilang lapad ng mantika ang ibinuwis ko sa pagbalik ng cabinet nya sa dati nitong pwesto, tapos hindi naman pala dapat ibalik. Halos isang oras ko kayang itinulak ang lintek na kabinet na yon! Mabuti na nga lang at hindi natuluyan ang itlog ko at hindi ako nalagutan ng main artery.
Matapos ang ilang minutong pagpapalitan ng laway, confirmed - di na-gets ni bunso ang bilin ni ate. Hindi naman daw nya ipapabalik 'yon dahil una, pinalipat nya talaga yon; at pangalawa, sobrang bigat daw nung kabinet para ipaurong sa cute nyang kapatid (ako 'yon). Hindi raw kaya ng konsensiya nya at alam daw nyang tamad ako kaya imposibleng gawin ko rin 'yon. Kaya nga daw si Mang Kepweng ang tinawag nya para magbaklas at maglipat ng kabinet kahapon kasi ayaw nya akong pahirapan. Sapul tuloy ako at ang aking maling akala na isa syang cold-blooded at heartless na kapatid. Alam nyang ubod-ng-bigat ng kabinet kaya hindi na nya ulit pinaurong sa akin. Salamat naman.
Kung minsan talaga, wala sa tamang hulog ang kasipagan ko. Tsk tsk.
Pero kanina, nung pauwi na ako, nakonsensya ako bigla. Kasi binigyan nya ako ng pera bago kami umuwi (oo na, oo na, tambay ako, binibigyan lang ako ng mga kapatid ko ng pera!). Tinext ko tuloy sya, sabi ko sa off nya babalik ako sa condo para iurong ulit yung kabinet. Di pa sya nagrereply, malamang tulog na. Pero sigurado ako papayag 'yon.
Tahimik lang si bunso buong byahe pauwi sa bahay. Guilty, haha. XD Ok lang, at least nalaman ko ang tunay kong kakayahan. Mag kargador nalang kaya ako sa palengke. Magkaka-abs pa ako. Good idea.
****Nabanggit ko ang Bulkang Bulusan kanina. Sana ok lang ang mga kababayan ng nanay ko sa Sorsogon. Taga-Bulusan ang nanay ko, pero hindi naman apektado yung mga mayayaman naming kamag-anak doon. Yung mga taga Irosin ang apektado, yung nasa likod ng Bulkan. Sabi ng mga taga-Irosin, ang dugas daw ng bulkan. Naturingang Bulusan Volcano ang pangalan pero sa ibang bayan namiminsala.****
Yan ang ate ko sa gilid ng Bulkan noong July. Ex-model ng Ford. |
Sa totoo lang. sobrang lungkot ako dahil naubos na yung pinagmamalaki kong ipon. Buti nalang nandyan ang pamilya ko na patuloy ang pagkupkop sa akin (syempre may kasamang sermon, pero ok lang, LOL). Yung mga kainuman ko, wala na. Letse. Wala man lang mag-aya ng inom ngayon. Kapag nasa ibaba ka na talaga, tanging pamilya lang ang siguradong hindi ka iiwan. Positibo naman ako na may trabaho na ulit ako bago matapos ang taon. Sure na yan. Ang galing-galing ko kaya. XD
Ayan, nanghihinayang na naman ako sa nilisan kong trabaho. Shit.
Byerts now! XD
6 comments:
sumabog na pala ang bulkan hindi ko man lang alam...ang hirap talaga pag hindi nanonood ng tv...ahahhahahaa...
at oo na..ikaw na ang malakas..meron akong cabinet dito..gawin mo nalang libangan ang pag transfer nito.ahahahhaa..
good boy ka naman pala eh....saktan mo ang kapatid mo..hindi nagfofolow ng directioons eh...joke.
magkano ba kinita natin?ajaajaa
walastik! wrong timing nga ung kasipagan mo...hehe! pero at least u proved n kaya mong lumagpas sa boundary/limit mo, ang magtulak ng kahiganteng kabinet. astig yown!
tara inuman na lang! :)
@maldito - ako na talaga ang malakas. XD hindi ko kayang manakit ng kapatid, kaya swerte talaga si bunso.
gawin bang libangan ang paglipat ng kabinet??? haha XD
@bobot - oo nga, hehe, isandaang porsiyento ng energy ko ang ibinuhos ko, sumobra pa ata ng sampu. XD
inuman? tara, basta libre! XD haha
Hahaha. Ang sipag. =p
Don't worry, makakahanap ka ulit ng bagong work. =)
Shet nakaka-frustrate naman yung matapos mong magtulak eh ibabalik mo rin sya sa pinanggalingan nya... sana binaklas nyo na lang yung kabinet tapos dun binuo sa paglilipatan ahahaha yu eh knug kabinet pa rin uli sya pag nabuo
@sheena - salamas! XD
@glen - mas mahirap ang baklasin ang kabinet dahil wala naman akong dalong tools noon. isa pa, baka hindi ko sya maibalik pag binaklas ko, LOL. XD
Post a Comment