Tuesday, November 23, 2010

SEX TAYO!

Sabi nga nila, mas mabilis pumukaw ng atensiyon ang mga negatibo o di kaya ay mahalay na titulo.  Halimbawa, pag nilagyan ko ito ng titulo na "Patnubay ng Magulang ay Kailangan", magtatanong ka kung bakit kailangan ng patnubay ng magulang at lalong lalalim ang interes mo na malaman ang nilalaman nito, o kaya pag ang title naman ay "Bawal sa Pinoy", magtataka ka kung bakit bawal ito sa Pinoy kaya babasahin mo ito.  Ne-excite ka siguro. Pasensya na, pero hindi ito tungkol sa pagtatalik. Char-char lang yan. XD

Pero kapag nagkatrabaho na ako, pwede kitang ayaing magsex. Ilang beses din kaming nagsex ng mga katrabaho ko dati.  Oo, merong Sinangag EXpress malapit sa opinsina namin dati.  24 oras yan bukas kaya pwede tayong magSEX kahit anong oras. XD

Eto ang tinutukoy kong SEX. (larawan mula dito)

Bakit nga ba ako nagsulat ngayon?  Mula kasi sa aking pagba-blog-hop kanina ay napadpad ako sa datkom ni jkulisap. Mag-iiwan sana ako ng komento sa kanyang huling post, pero, gaya nga ng madalas mangyari, napahaba na naman ang comment ko (oo, kung minsan ugali ko ang magcomment-ala-post sa blog ng iba) - kaya naisipan ko na lang na gumawa ng isang buong post imbes na mag comment.

Ang tanong: Bakit nga ba madalas nating gamitan ng mga salitang panghalili ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa usaping sex? Halimbawa, imbes na tite ay talong, junior, batuta, at iba pa, ang itinatawag natin dito. Ganundin sa pambabaeng kasarian - merong mani, tahong, talaba, at marami pang iba. Ang sarap di ba?

Eh bakit nga naman binigyan pa ng pangalan kung hindi rin naman ito tatawagin sa tunay na pangalan? Sa tingin ko wala naman sa pangalan yan, kundi sa kahulugan ng mismong bagay. Isipin mo, kung ang kilala mong talong ay tinawag na tite, at ang nakalawit sa pagitan ng binti mo ay bininyagang talong - hindi bat tite naman ang itatawag mo sa talong? (Sana ay naunawan mo ang paghahambing ko.)

Pero kung ikaw ang tatanungin ko, komportable ka ba na sabihin ang mga salitang iyan sa harap ng ibang tao? Halimbawa, sa teacher mo sa school, o sa pari nyo sa simbahan, or sa babaeng nililigawan mo, o kahit na sa mga kapatid o magulang mo, kaya mo kayang sabihin na, "malaki ang tite ko" nang hindi nagtutunog malaswa? Yung parang tunog "malaki-ang-kamay-ko" lang?

Malamang ay hindi.

Maging ako ay hindi kayang sabihin ang mga salitang tite at puke ng harapan sa ibang tao, lalo na sa mga hindi ko kilala. Hindi naman sa naaasiwa akong sabihin ang mga ito. Aba, kating-kati kaya akong sabihin at ipagkalat na malaki ang ano ko (ang alin?). Pero hindi ko ito kayang sabihin sa ibang tao ng diretso. Ito'y bilang "respeto" sa mga nakakarinig. Oo, ito'y pagpapakita ng respeto sa iba. Hindi kasi lahat ng tao ay bukas ang isipan sa pagtanggap sa mga ganyang salita o pahayag. Maaring hindi ito mahalay at normal lang para sa iba, pero hindi parin natin maikakaila na ang mga pahayag na tulad noon ay maaaring offensive para sa iba.

Kung tama man ito o mali, nasa kanya-kanyang pananaw na yan ng mga tao, base narin sa kung ano ang kinalakihan nila bilang moral at imoral. Maaari kasing ang amoral (hindi moral at hindi rin imoral - gaya kapag terminolohiyang medikal na ang usapan) para sa isa ay imoral pagdating sa iba.  Kaya para hindi makasakit ng iba, o makabastos (bastos - pumapasok ulit dito ang kinalakihan ng isang tao, kung moral o hindi ang isang bagay), nakaugalian na natin na gumamit ng mga panghaliling salita. Ang iba naman, ginagawa ito para sa katuwaan lamang.

Pero, kung kami-kami lang nga mga kaibigan ko ang nag-uusap, normal lang na mapag-usapan ang sex, walang hiya-hiya at walang pag-aalinlangan, dahil lahat naman kami ay nagkakaunawaan.

Sa usapang sex education naman - sang-ayon ako dito. Sa totoo lang dapat ay magulang ang gumagawa nito. Sa tingin ko ay mas nagiging makabuluhan at importante ang "mga aral" kapag nagmula ito sa mga mismong magulang o guardian ng bata, kumpara kung ito ay galing sa guro. Ito'y personal na pananaw lamang, dahil noong bata ako ay mas nakikinig ako sa mga magulang ko higit sa mga guro ko. Pero kung ang ibang magulang naman ang tatanungin, marami parin sa kanila ang hindi handa sa ganitong usapin at mas nanaisin pang mga guro na lamang sa paaralan ang gumawa ng tungkulin. Pero maging sino man yan, magulang o guro, ang importante ay magkaroon ng wastong paggagabay. Dapat habang bata palang ay itinuturo na sa mga bata na hindi normal ang hawakan ng ibang tao ang kanilang maseselang parte ng katawan, at kung mangyari man ito ay dapat magsumbong agad sila sa ibang nakatatanda. Ganyan kami pinalaki sa Australia (jowk). XD Maraming kaso narin kasi dito sa bansa natin ng mga batang naabuso dahil sa kakulangan sa kaalaman ng kanilang karapatan. Hindi naman ang aktuwal na "sex" ang ituturo, kundi ang mga realidad na sumasaklaw dito na hindi dapat ipagwalang-bahala. Kailangan lang talaga ay tamang ipormasyon na may aral at hindi kwentong-libog lang. Ayoko nang ungkatin pa kung ano-ano nga ba ang mga tamang paggabay. Alam mo na yan. Matalino ka di ba? Huwag mo sanang masamain kung anti-sex education ka. Hindi kita tatawaging bobo. kasi nga, gaya ng sinabi ko kanina, maaaring ang normal para sa akin ang imoral para sa iba. So kung anti-sex education ka, irerespeto parin kita, basta wag mo lang akong sasabihan na imoral dahil lang sa pabor ako dito.

Tinatamad na ako. Kasi naman dapat comment lang ito, napahaba lang, kaya ayan ginawa ko nalang post.

Sige na, byerts! XD


18 comments:

Jag said...

hahaha adiktus! aba teka masarap ba ang sex na yan? lolz!

Yffar said...

haha, adiktus talaga! uu men, masarap dyan. paborito ko rin dyan yung chilled taho. XD

Ester Yaje said...

owemgi! naloloka ako sa title! adik! hahaha

Yffar said...

hehehe, pasensya na kung naoffend kita ester, di ko sadya. XD mas vulgar pa nga yung original title nyan (Kan..... Tayo) kaya lang nahiya ako bigla, kaya iniba ko. XD

glentot said...

Eto yung kainan na sobrang tawa ako nang tawa nung marinig ko ang mga friends ko na nagyayayaan... Magsex daw hahaha laswa lavet.

bobot said...

panalo na nga yung title panalo pa yung post!
makapag-sex nga mya! :)

astig ka yffar!

Lio Loco said...

ako hindi ako nangingiming sabihing tite o betlogs o pekpek o bayag pag kinakailangan ng pagkakataon. ewan ko. malakas lang siguro ang loob ko o talagang ayokong maikahon sa stereotypical shit. ang pananaw kasi ng iba tao rito, kapag sinalita mo eh nangangahulugang malibog ka o malaswa o pareho. pero ang totoo, nagpapakatotoo ka lang naman. kaya nga binuo ang mga salitang 'yan para gamitin at salitain hindi para isilid na lang sa mga konseptong kalaswaan at kalibugan.

sabi nga ni hermione, fear of the name increases fear of the thing itself. yes?

Yffar said...

@glentot

ako rin, sobrang tawa ko nung unang beses ko marinig sa kaopisina ko na magsex daw kami, LOL.


@bobot

wala naman akong sinalihang pakontes ah, saan ako nanalo? hehehe.. salamat! XD


@lio

naku, malakas lang talaga ang loob mo lio, hehe. XD

Sang-ayon ako sa sinabi mo "kapag kinakailangan ng pagkakataon". wala namang hihigit pang katangian sa pagiging totoo - lalo na kapag ang pagpapakatotoo lamang ang tanging hinihingi ng pagkakataon. pero gaya nga rin ng sinabi mo, ang pananaw dito ng ibang tao, kapag winika mo, eh nangangahulugang malibog o malaswa ka. Sa dami ng mga nilalalang sa mundo na may ibat-ibang pakahulugan sa mga bagay-bagay, kung minsan kailangan din talagang pansamantalang isantabi ang paggiging "totoo". hindi naman ito mangangahulugan ng pagkakakahon sa stereotypical-shit. ito'y pagpapakita lamang ng konsiderasyon sa ibang tao. Pakikisama. Hindi kasi lahat ng tao ay kilala natin, at hindi rin lahat ng tao ay kilala tayo. Ang normal sa isa ay maaaring bastos sa iba.

kaya ang verdict: "Kapag hinihingi na pagkakataon."

XD

Athena said...

pag bukas ko pa lang ha? sex? na curious tuloy ako.. kalerkiiii.....hehehhe....comment sna? ang haba nmn,, hmmmm.. why dont you try to visit sa site ko at mag comment ka... hehehhe

Yffar said...

@athena- salamat sa pagbisita. XD gaya ng request mo, nag-iwan ako ng comment in your most recent post. XD

Dorm Boy said...

Masubukan nga ang sex na yan!!! Nainganyo ako eh! Safe ba toh? jejee!

Pamela said...

hello there. out of topic. thanks for visiting my blog and for following it. have added you in my blog list. :D

thanks again and see you around blogosphere. :D

Klet Makulet said...

Nung nagrereport po ako dati sa school, tinanong din ako dyan kasi di ko masabi in tagalog yung genitals ng lalake e sabi ko, e sa conservative ako saka bat ba? hehehe walang pakialamanan! :P

Actually, dyan kasi tayo nasanay. Kung ang mga Pilipino ay naging bukas sa ganung tawag, malamang yung mga terms na yun ngayon ang ginagamit natin. kaso naturuan tayo na masamang sabihin yun lalo na kung di natin kilala yung tao kasi either malaswa o bastos pakinggan (naging mala-blog din ang sagot wahehehhe)

Ester Yaje said...

di naman ako naoffend. medyo open minded na ako ngayon. hehehe. nwei, excited na ako sa next post mo. so post na! go go go!

tim said...

hahahahaha.. when i read the title it was kinda wow, anu ba to hot post.. di pla.. sarap nga anu..

Yffar said...

@dormboy - safe na safe men. XD

@pam - no problemo. XD thanks also. see yah around!

@klet - sana ay naideliver mo ng maayos ang iyong report, hehe. XD

@fifi - salamat at di ka naoffend, hehe. XD

@tim - sorry to disappoint you, LOL. thanks for dropping by.

Maldito said...

Dear Yffar,

malungkot ako.nagtatampo. Ang haba haba ng comment ko sayo dito., bakit hindi na publish? Napunta ba sa spam?

Masakit lang, dahil sa unang pagkakataon, may sense ang comment ko. para na siyang blogspot sa haba.

well...move on nalang ako.

Maldito

Yffar said...

Dear Maldito,

Weh seryoso, nagcomment ka na ba dito?? Hindi ko alam. Wala naman akong nakita, isa pa dapat may marereceive akong email notification - chineck ko lang ulit ngayon, wala naman. Open to all ang pagcomment dito sa aking datkom, walang anit-spam-shit feature ang pagcomment dito, hindi ko alam kung bakit hindi na publish ang sayo.

Sorry at nawala ang comment mo. Wag ka na magtampo.
Gawa ka nalang ulit ng bago
Sana ma post na 'to. XD (it ryhmes, hehe)


Yffar

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails