Sunday, November 14, 2010

Manny Pacquiao: Now you know!

Pacquiao vs Margarito

O ha, birthday ni tatay ngayon, at panigurado ako double celebration sya kasama ang mga sexy angels sa langit dahil nanalo na naman ang paborito nyang si Manny Pacquiao. Masugid na tagasubaybay ni Pacman si daddy noong nabubuhay pa sya - at talaga namang napapanganga at napapailag pa sya unconsciously habang nanonood noon na parang sya ang lumalaban.

Satisfied na raw si Pacman sa laban nya at hindi na nya kailangan si Mayweather (ang taray). Mangyayari nalang daw kung mangyayari talaga ang laban. At nagpromote pa talaga sya ng concert nya sa interview pagkatapos ng laban, lol.  Next fight nya sya narin daw ang kakanta ng Lupang Hinirang. @_@ 

Saludo ako kay Pacquiao, eh ang angas talaga eh!  Ang galing sa boksing!  Pero mas bibilib ako sa kanya kung ibabahagi nya rin sa madlang pipol ang premyong salapi, tutal lagi naman nyang sinasabi na para sa bayan ang laban nya. Kapag namigay ng cash si Pacquiao sa madlang Pilipino - doon ako maniniwala na para talaga sa Bayang Pilipino ang laban nya. XD

Sumumpa pa naman si Margarito sa Mexico na iuuwi nya ang panalo.  Kawawa naman ang Mexico, bugbog na bugbog na.  Si Nacho Libre na lang kaya ang ilaban nila. XD

Isang masigabo at bumubulwak na pagbati para sa tagumpay ni Pacquiao, at isang maligayang kaarawan kay daddy sa heaven! XD


*******
Update:  Sa isang banda, maswerte parin si Margarito dahil kahit nabugbog sya, nagawa parin nya ang isang bagay na matagal ng pinapangarap ng bawat Pilipino - ang makasapak ng isang congressman.  Di ba? XD



11 comments:

Chingoy said...

bugbog sarado... tsk tsk

Yffar said...

oo nga... tsk tsk XD

Jag said...

Belat nga kay Margarito hambog kasi hahaha...Mabuhay ka Pacman!

glentot said...

Dyoskopo ang concert ni Manny, sana umattend ang mga nakalaban nya noon haha special guests.

Yffar said...

@jag - haha, buti nga. XD

@glentot - sa Tijuana, Mexico daw sya magcoconcert, para makaattend silang lahat, nyahaha. XD

Ester Yaje said...

congrats kay manny! dahil sa kanya wlang traffic sa min

Yffar said...

@ Ester - well, congratulations din sa iyo dahil nawala ang traffic sa lugar nyo kahit isang araw lang. XD

salamat pala sa pagdalaw sa blog ko. XD

Ester Yaje said...

salamat sa pagdaan at pagcomment sa site ko. balik ka don friend ah? hehehe

Yffar said...

You're welcome. XD

I will. XD

lio loco said...

'yung tinigil na niya ang umaatikabong pagsuntok kay margarito nung 11th at 12th round kahit na pwede sanang ma-ko 'yung mexicano? napabilib ako ni manny!

labyu pacman, balato naman diyan! \m/

Yffar said...

uu nga, may puso si pacman kahit papaano (sa kabilang banda, masakit at maga narin ang kamao ni pacman, hindi tuloy ako sigurado kung naawa ba talaga sya kay margarito o naawa lang sya sa kamao nya). pero kung si mayweather yung kalaban, takte - magagalit ako kay pacman pag nagpakita sya ng awa. XD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails