Tuesday, November 2, 2010

Picnic sa damuhan habang pumapatak ang ulan.

Pagod, puyat, ulan, at maraming stressful moments - yan ang mga naganap sa nakalipas na dalawang gabi at isang araw sa Eternal Gardens, Balintawak.  Nakakabadtrip lang ang magtayo ng tent mag-isa habang umaambon.  Masarap sana ang panahon - bed-weather eh.  Pero masarap lang yan pag nasa bed ka at hindi sa sementeryo.  Masaya naman kahit papaano at nakita ko rin ang mga kamag-anak ko sa side ni daddy, at si daddy - gwapo parin, parang hindi tumatanda, forever 56.  Binilang ko ang mga buhay na kaluluwa ng mga kamag-anak ko, 20 kami lahat kanina na bumisita sa mga namayapa naming mahal sa buhay at nagpicnic ng masaya at naghabulan habang kumakandirit sa basang damuhan.  Merong mga hindi nakapunta, at as usual madami ang late dumating.  Sarap sana magpapicture dahil minsan lang kami magkita-kita, kaso namatay agad ang battery bago pa man magamit ang digicam - masaklap pa, naiwan ko ang spare batt at charger. Yung camera naman ng dati-eh-reliable-pero-hindi-na-ngayon na 3yo nokia N73 ko ay nagloloko.  Wala tuloy akong nakuhang picture kahit isa.  At ayon sa mga kamag-anak ko, chumubby (chubby) daw ako lalo.  Pfft.  Sila na ang sexy at slim.

Maikli lamang ito, dahil pagod na. Magbabalik na lang sa ibang araw.

Byerts! XD


5 comments:

Maldito said...

mas mabuti na yan...meron ka pa namang photographic memory..hindi kagaya ko...hindi na nakauwi...puro pa tulog ang ginawa.ahahaa

glentot said...

I-sketch mo na lang kapag hindi ka na busy ahaha

Yffar'sWorld said...

@maldito - sana nga ganyan na lang ginawa ko, napagod lang ako ng husto, badtrip pa ulan. tsk

@glentot - naku, eh mukang mas madali pa ang humanap ng bagong cam kesa i-sketch ang buong angkan, haha

Jag said...

Sayang nmn at walang pics ng relatives mo...

gillboard said...

sayang ang memories. pero okay lang yan. may next year pa naman. :)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails